[THIRD PERSON'S POV]
"Pasyensya na talaga Nicole, Ayaw sabihin ni Ken 'yung Lugar ng Condo nyo e. Kaya tinawagan nalang kita, Pasensya na kung nakakaabala ha" Ana ni Stell bago buhatin ang Lasing na ring si Josh.
"Okay lang, Stell. Salamat na rin at tinawagan mo ko" Ana ni Nicole bago sinubukang patayuin si Ken ngunit panay lang sa pag-luhod sa sahig si Ken at nag-kakapa kapa na tila may hinahanap.
"Sige mauuna na ko, Pasenysa na talaga ah" Ana ni Stell bago nahihirapang akayin si Josh. Pinag-masdan lang naman ni Nicole na umalis ang Dalawa sa Bar bago bumaling ng tingin kay Ken.
"Ken, Tumayo kana d'yan Umuwi na tayo" ana ni Nicole ngunit hindi siya nag-patinag at panay lang sa pag-kapa sa sahig ng Bar.
"Ano ba 'yang Ginagawa mo, Ken? Wag mo naman akong pahirapan oh" Ana ni Nicole at sinubukang hawakan ang kaliwang braso ni Ken upang maitayo ngunit hinawi lang ito ni Ken.
"Mamaya na Miss, May Hinahanap pa ko" Ana ni Ken. Dito napatunayan ni Nicole na laging nga si Ken dahil hindi sya nakilala nito kaagad.
"Ano ba 'yang hinahanap mo? Importante ba 'yan? Umuwi na tayo para makapag-pahinga kana" ana ni Nicole pero patuloy lang sa pag-hahanap si Ken.
"Ano ba 'yang Hinahanap mo, Ken?"
"Singsing-'yung singsing na ireregalo ko sa Girlfriend ko. Malapit na kasi 'yung Birthday nya e. Kailangan kong mahanap 'yon, Pwede bang Tulungan mo kong mag-hanap? Baka tuluyan nang maglaho yung nararamdaman nya sakin kapag hindi ko naibigay 'to" Ana ni Ken, Napahinto lang sa Kinatatayuan nya si Nicole noong narinig niya ang dahilan ni Ken.
Sinubukan nyang pigilan ang mga luhang nag-babadyang pumatak mula sa kanyang mga mata bago lumuhod at tumulong sa pag-hahanap.
"Importante ba talaga 'yon?" Pasimpleng tanong ni Nicole bago punasan ang mga luhang tumutulo mula sa kanya.
"Oo, Matagal ko nang pinag-iisipan 'yon. Pero nung nalaman kong unti unti nang nawawala yung nararamdaman nya sakin gustong gusto ko nang ibigay sakanya 'yon. Para naman malaman nya na mahal na mahal ko sya" Ana muli ni Ken, paunti unti, bigat nang pabigat ang dibdib ni Nicole.
"Ano bang nangyari? Bakit daw nawawala yung nararamdaman nya" Tanong ni Nicole bago tumigil sa pag-hahanap at pinag-masdan si Ken habang desigidong hanapin ang singsing.
"May Mali akong nagawa, Sabi nya Okay lang daw 'yon kahit hindi. Hindi ako naniwala at sinubukan kong bumawi sakanya kaso napaparusahan na ko sa ginawa ko sakanya. Nagiging Cold na sya. Sabi nya Busy sya, Halata naman e, Pero hindi na katulad ng dati na kapag busy sya she still hugs and kiss me. Gusto kong ibalik 'yon" Ana ni Ken, Muling pinunasan ni Nicole ang kanyang mga luha bago may nakapang kung ano sa kanyang kanang kamay.
Ito yung singsing.
Mukhang mamahalin, Mukhang pinag-hirapang bilhin. Mukhang pinag-ipunan. Napakaganda nito.
"Pano mo ibabalik 'yung dati?" Tanong ni Nicole bago pag-masdan ang singsing na kanina pa hinahanap ni Ken.
"Hindi ko alam, Basta I want to treat her Special. I'll leave the company dahil bawal daw yung Girlfriends doon, magiging sagabal daw sa career pero makakasagabal din naman sa relasyon yung career ko diba? Uunahin ko pa ba 'yon kaysa sa Mahal ko?" Ana ni Ken.
"Hindi ba't hindi madaling bitawan ang pangarap dahil pinaghirapan mo 'yon?" Tanong ni Nicole. Napahinto si Ken sa pag-hahanap bago umiling.
"Pangarap kong makasama pang-habang buhay si Nicole. Iyon ang Mauuna-Nahanap mo na ba?" Tanong ni Ken. Lumapit si Nicole kay Ken bago ilagay ang singsing sa palad nya.
"Wag mo na uling wawalain, Gusto ko makitang sinusuot mo 'yan sa Daliri niya"
TO BE CONTINUED. . .
BINABASA MO ANG
✦ Selflessly Devoted To You┋SB19 KEN【2022|✓】
Fanfic❝Pwede bang 'kong bida sa Unang Pahina? Dahil handa Akong magiging panimula, Kahit sya ang wakas mong sadya❞ ┃BOOK DETAILS┃ SB19 FANFICTION ❴Ken❵ 〖GET IN THE ZONE SERIES #05〗 ➴ Pure Narration ➴ Language ➴ Harassment ➴ Grammatical Errors ➴ Uned...