┋KABANATA 16: Sunset

43 1 0
                                    

[NICOLE'S POV]

I entered the dance room at nakita ko si Ali na naka-upo at kung may anong inaasikaso. Napaharap sya saakin noong isinara ko 'yung pinto kaya lumapit na ko para kausapin sya.

"May Kailangan ka?" Tanong niya, I smile bago umupo sa harapan niya.

"About sa Pagiging President ko next School Year" ana ko, tinanggal niya ang salamin niya bago ilapag sa lamesa at humarap saakin ng seryoso.

"Gusto mong umatras?" Tanong niya na ikinayuko ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "Kung napapanghinaan ka ng loob, Kaya mo 'yan. Napatunayan ko 'yon" Ana muli niya, I sighed deeper bago umiling.

"That's not the point, Ali. Hindi ko sya kaya sa kadahilanang I'll be busy next School Year. Alam kong mas Busy ka, Pero hindi ko kayang ipag-sabay 'yung Dance Troupe sa Course ko" Ana ko, He looks at me at mukhang alam na nya kung anong pinupunto ko.

"Gusto mong mag-shift ng course?" tanong niya, Yumuko ako.

Itong Business na Course ko, Hindi naman ito 'yung pinangarap ko. Gusto ko lang kunin 'to para someday tatanggapin na ko nila papa.

"I understand, Pwedeng si Ken naman 'yung kunin ko" Ana niya. I agreed, I know Ken really wants to be a Dancer

"Kahit na mag-shishift ako ng Course, Gusto ko paring mag-assist" Ana ko, He smiled at me.

"Alam mo, Ang Swerte ni Ken sayo" Ana ni Ali. Napangiti naman ako dahil mali, Ako ang Swerte kay Ken.

"Pangako, Ibibigay ko 'yung best ko sa Final Dance"

-

Isinara ko ang pinto ng dance room bago may kung akong tumusok sa tagiliran ko na ikinagulat ko.

"Putangina naman o" Ana ko bago napabusangot sa harapan niya.

"Minumura mo na ko?" Tanong niya, Umirap lang ako at tumalikod sakanya

"May kasalanan ka pa sakin, Wag mo kong kausapin" Ana ko bago lumakad papalayo sakanya pero ramdam kong sinusundan nya ko.

"Ano ba Ken! Tumigil ka nga sa pag-sunod!" Sigaw ko napatawa naman siya bago lumapit saakin.

"Bakit? Naiilang ka?" Napairap ako sakanya bago sinubukang maglakad muli ngunit hinila nya ko bago sya tumakbo.

"Hoy-"

"May ipapakita ako sayo"

"Oo na kaso wag sobrang bilis" ana ko pero hindi sya tumigil at patuloy lang sa pagtakbo. Ang laki kasi ng Binti. Naalala ko 13 palang kami 5'4 na kaagad samanalang ako 4'11 palang.

Ang lalaki ng Binti nya, 5'7 na ata sya 'tas ako 5'1 palang. Ano satingin nyo? Makakasabay ako sa pag-takbo nya?

Hingal na hingal akong Huminto noong huminto rin siya. Dinadal kami ng mga paa nya sa Isang lugar kung saan maraming mga damo.

Iyon palang nakikita ko dahil nakayuko ako dito at hinahabol ang pag-hinga ko at noong napatingin ako sakanya nakita ko rin ang isang napakagandang sunset.

"Asan tayo?" Tanong ko, He smile bago umupo sa damuhan at nag-senyas na umupo rin sa tabi niya kaya ginawa ko naman bago sya nag-abot ng bote ng tubig.

"Hindi ko alam, Basta ang alam ko maganda dito" Ana niya but I can't stop staring at the sunset.

Sa totoo lang, Naaawa ako sa Araw. Parang ako, Naawa rin ako sa sarili ko.

'yung mga tao kasi Naiinis tuwing sikat ang araw, Tuwing maataas ang araw. Pero naaappreciete lang sya tuwing ipinapakita nya na aalis na sya, Tuwing lulubog na sya.
Mukha kasing gusto talaga syang paalisin kaya karamihan ng tao gusto ng Sunset.

Nagulat ako noong humiga si Ken sa mga hita ko kaya napaharap ako sakanya. I saw how he stared at the Sun.

"Naalala mo nung una tayong nanood ng Sunset?" Tanong niya, I remember.

We're just 7 that time, Naalala ko pa nga napagalitan kami pag-katapos namin manood kasi gabi na kami umuwi.

"Nakaupo tayo sa Puno ng Mangga no'n habang pinapanood yung pag-lubog ng Araw" ana ni Ken, Oo naaalala ko.

"May isinulat kang puso at K & N sa puno ng mangga ngayon ko lang narealize na Initials natin 'yon" Ana ko naman na ikinatawa nya sandali

"Nicole, Gusto kita makasama pang-habang buhay" ana ni Ken bago humarap saakin. Napangiti naman ako.

Ako rin, Gusto ko rin

TO BE CONTINUED. . .

✦ Selflessly Devoted To You┋SB19 KEN【2022|✓】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon