┋KABANATA 34: Message

37 4 2
                                    

[KEN'S POV]

Agad kong binuksan ang pintuan ng van bago tumakbo papasok sa loob ng Hospital. Nasa hallway palang ako ay natanaw ko si Khayla sa Gilid ng Hallway. Agad namang tumakbo si Stell upang Yakapin at damayan si Khayla.

"Asan sya" Ana ko, Umiling lang sya habang tumutulo ang mga luha nya.

"I'm sorry, Ken" Aniya, Umiling ako dahil hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nya, Hindi ko papatuluin ang mga luha ko dahil hindi naman totoo yung mga sinasabi nya.

"You're Lying, Right?" Tanong ko, Yumuko lang sya bago simulang kahakin nag daanan. Samantalang napasunod nalang kaming dalawa ni Stell.

Si Justin at Josh susunod nalang daw, si Pablo Nagpaiwan. Kaming dalawa lang ni Stell ang nagmadaling umuwi.

Yung daan na tinatahak namin ay daan pala papunta sa morge, By this time nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Napako ako sa kinatatayuan ko noong nasa pintuan palang ay nakita ko na ang isang Katawang wala nang buhay. Hindi ko mapigilang maluha at tila nanlalambot ang mga tuhod ko kaya kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ay ang pagkaupo ko sa sahig.

"You're Ken? Right?" Tanong ng kung sinong lalaking inalalayan ako patayo, Kuya niya.

Pero yung kuya nyang kasama ni Nicole sa simenteryo ay biglang tumakbo bago lakas loob na suntukin ako. Napangiwi ako na sa sobrang lakas ng suntok ay hindi na muli akong nakatayo.

"Punyeta, Vaughn!" Sigaw ni Kuya bago ako lapitan at alalayan, He must be Laurence.

"Ikaw! Ikaw 'yung dahilan kung bakit sya nandyan!" Sigaw ni Kuya Vaughn, Hindi na ko nakapalag dahil kasalanan ko naman.

Kung hindi ko lang pinakinggan si Nicole at Sinamahan ko sya-Kung hindi lang kami nag-away-Kung hindi lang ako tanga-Kung hindi dahil sakin, Edi sana Buhay sya.

"Wag mong isisi sakanya yung nangayari, Lance! Walang may gustong mangayari 'to, Kahit si Niki hindi gustong mangayari 'to" Ana ni Kuya Laurence. Napayuko naman ako, Hindi ko deserve ang kabaitan nya.

"Sige! Kunsintihin mo 'yang Jowa ng Kapatid mo! Magpakitang tao ka, Nathaniel! Tutal ikaw naman 'yung Magaling hindi ba? Kayo ni Ira ang palaging Magaling-Pero sa susunod na makita ko pa ang pagmumukha ng Lalaking 'yan, Pasensyahan tayo. Makakapatay ako para sa kapatid ko" Ana niya bago kami lampasan at lumabas ng Silid.

Napabaling naman ang tingin ni kuya Laurence saakin at wala akong magawa kundi yumuko at lumuhod sa harapan niya para mag-sorry.

"Kasalanan ko 'to, Kung hindi ko lang sya iniwan nu'ng araw na 'yon-Kung inayos ko lang-Kung mas pinili kong ayusin ang lahat kaysa Pumunta ng Korea, Sana naagapan pa" ana ko, habang nakaluhod parin sakanya. Lumuhod din naman sya at pinantayan ako.

"Ken, It's not Your fault. Today is her operation, 7:30 ang Oras pero 5:00 palang inatake na sya kaya nagkagulo dito. Hindi nya rin sinasabi na Stage 3 na pala 'yung cancer nya, Walang may gustong mangayari 'to" Ana niya, Ang nagawa ko nalang ay umiyak dito. Tumayo siya bago may kung anong i-abot saakin

It's Nicole's Phone.

"Ang sabi sakin ni Niki, Ibigay ko raw sa'yo 'yan. Gusto raw n'ya, Sya yung unang makakarinig ng Debut Song nyo kaya raw ilagay mo raw sa Recordings ang Kanta" Wala na akong nagawa kundi kunin ito.

Nagsimula silang umalis at kunin ang Malamig na bangkay ni Nicole para dalhin sa Simbahan, Samantalang nakaupo lang ako dito habang wala sa sariling nakatulala sa Pader.

Nag-vibrate ang Phone ni Nicole kaya napatingin ako kaagad. Unang umagaw ng atensyon ko ang wallpaper nya, Iyon ang unang larawan namin ng magkasama-Ilang taon pa lang ata kami rito.

Read that Note, July 12, 2018 (071218)

Hinulaan ko na ang password nya, Birthday nya, anniversary namin, Favorite Number nya-Wala, ayaw mag bukas. But I tried my birthday at sa ilang segundo lamang ay nagbukas na.

Nagtungo ako sa notes at hindi ako makapaniwala sa nakita ko

━━━━━━━━━━━━━━━

Dear, Ken.

Langga, I'm sorry. Nangako ako sayo na aayusin natin pagbalik mo pero hindi ko na kaya, Sana nandito ka. Kailangan ko ng motivation para lumaban pa, Gusto kitang tawagan kaso natatakot ako dahil baka galit ka sakin.

Ngayon ko lang nalaman na Stage 3 na pala ang Cancer ko, Naglalagas na 'yung buhok ko. Andami ko naring nasusukang Dugo, Panigurado pagbalik mo aayawan mo narin ako dahil sa istura ko.

Ken-Yes, I'm losing Interest but it doesn't mean na mawawala na talaga yung pagmamahal ko sayo. Na-aappreciate ko kung paano ka ng effort na maibalik lang ang dati.

I love you, Hindi ko na kasi kaya.

Gusto ko ako unang makakarinig ng Debut Song n'yo, Irecord mo 'yan sa Cellphone mo tas dalhin mo sa Puntod ko para mapakinggan ko. Iintayin ko 'yan ha, I love you.

Sincerely
-Nicole

━━━━━━━━━━━━━━━

✦ Selflessly Devoted To You┋SB19 KEN【2022|✓】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon