┋KABANATA 27: Langga

43 3 0
                                    

[NICOLE'S POV]

"Langga?" Ana niya Noong oras na nakarating kami sa Condo ay madali syang tumakbo papasok.

"Langga nandito na ko" Ana muli siya bago pumasok sa kwarto. Mukhang Lasing nga sya, 'yung kanina, Sign ba 'yon?

"Langga, Asan ka?" Ana muli niya bago ako tignan sa CR. Napabugtong hininga ako bago alisin ang sapatos ko at nag jacket na nasukahan niya.

May nasabi at nagawa ba ko para maglasing sya ng ganu'n? Wala naman 'di ba? Sobrang maingat ako sa mga sinasabi ko. Imposibleng may mali akong masabi.

At tsaka, Hindi naman ganito si Ken. Hindi sya pala-inom, Ayaw nya ng umiinom ng alak. Sa pagkakaalam ko, Sya pa nga yung pumipigil saakin at nagagalit sakin kapag umiinom ako.

Pumunta ako malapit sa CR at inilagay ang maruming jacket sa marumihan namin nang nakaramdam ako ng bigat sa aking beywang.

"Nandyan ka lang pala. Saan ka galing?" Tanong niya habang humihigpit ng humihigpit ang yakap niya.

"Hindi ako umalis" Ana ko, muling humigpit ang yakap niya bago ipatong ang kanyang ulo sa likod ko.

"Kumain kana, Langga? I-pagluluto kita" Aniya, Umiling lang ako bago alising ang yakap niya.

"Kumain na ko, Matulog kana" Ana ko bago pumasok sa Kwarto at ligpitin ang mga gamit na nakakalat dahil bago tumawag si Stell may inaaral akong bago design.

Noong tumawag si Stell nagmadali talaga akong umalis. Hindi ko na nga napatay yung aircon at naisara yung bintana. Naiwan yung mga papers ko na nakakalat lang dito.

Muli akong nakaramdam ng mainit na yakap ngunit sa pagkakataong ito ay mas mahigpit na hindi katulad ng kanina.

"Galit ka parin ba? Sorry na, Langga-'yung kagabi, Hindi ko sinasadya 'yon. Patawarin mo na ko, Please" Ana niya, Hindi ko alam. I should hate him pero yung dibdib ko bumibigat.

"Ken, Okay na nga 'yon 'di ba? Sinabi ko naman sayo nung tumawag ka kanina-"

"Hindi okay 'yon. Sorry na, Please. Gagawin ko lahat para lang mapatawad mo ko, Promise mo lang na hindi mo ko iiwan" Pagpuputol nya saakin.

"Bakit naman kita iiwan?" Humarap ako sakanya bago tanungin 'yon at nakita ko kung paano tumulo ang mga luha nya galing sa mata niya.

"Basta 'wag mo kong iwan, Ako lang Langga mo. Okay?" Ana niya bago mabilis akong yakapin, I nodded.

"Opo, Matulog kana" Ana ko, pero nanatili lang syang nakayakap saakin kaya ako na mismo ang humila sakanya papalapit sa kama at doon sya humiga.

Ngunit noong pagkahiga ko ay yumakap muli siya na tila ayaw na nya kong pakawalan.

"Babawi ako sayo. Hayaan mo kong makabawi, Please. Hindi ko na uulitin yung mga sinabi ko" ana niya, Humarap ako at tinitigan sya. The fact that he can be clumsy at madali syang nakakapagbitaw ng mga salita na hindi rin nya sinasadyang sabihin pero He's so soft at hindi ka talaga nya titigilan hangga't hindi nya nakukuha yung pagpapatawad mo.

"Okay, Matulog kana" Ana ko before I wiped his Tears.

"I love you, Nicole" I smile before I mouthed-I love you too.

Kung Alam mo lang, Ken. Gusto kong i-tresure yung mga araw na kasama kita, Hindi ko alam kung magiging successful ba o Hindi.

TO BE CONTINUED. . .

✦ Selflessly Devoted To You┋SB19 KEN【2022|✓】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon