CLS: UWMA63

21 2 0
                                    

RENZ POV.

Kinabukasan ay sinadya ko talagang gumising ng maaga. Excited na akong makita ang future bride, future wife and future mother ng magiging anak ko. Haha masyado ba akong advance, ganun talaga kapag in love. Wala eh hulog na hulog na ako sa kaniya. Mahal na mahal ko na talaga si Lorraine Khate Madrigal.

Kaya naman ginawa ko na yung mga dapat kong gawin. Naligo muna ako, nagbihis ng school uniform ko, sinuot ko na rin yung black school shoes ko, saka naglagay ng perfume at isinukbit ang bag sa kaliwang balikat ko.

Kinuha ko na rin sa study table yung selpon ko at tinawagan ko si Lorraine my beautiful wifey.

Ringggg. Ringggg. Ringggg.

"Hello wifey, good morning. I just want to inform you that I can't fetch you since there's an emergency here in our company. Sorry!" - pagpapalusot ko pero ang totoo may importanteng shop lang akong pupuntahan, may bibilhin lang.

"Is that so, hubby? Hmmm... Okay, I will have my personal driver Mike to drive and drop me in M.U." - ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Don't worry I'll make it up to you later. I love you wifey." - pagcheer ko sa kaniya.

"Sige na nga. I love you too hubby and I missed you already!" - masayang tugon niya naman na nagpangiti sa akin.

Lord thank you for the wonderful and beautiful gift that you sent. What I feel right now is that...

I am so blessed to have her in my life and I am already contented having her next to me soon.

Hope there'll be no hindrances na. Nakakapagod na rin kasi minsan pero kung sakali man na mayroon nga. Handa kaming harapin at lampasan ang pagsubok na yun ng sabay at magkahawak-kamay.

"Bye, see you later!" - paalam ko at in-end ko na rin yung tawag.

Kinuha ko lang sandali yung susi ng kotse ko at bumaba na ako. Nagtungo akong kusina upang tignan kung may nakahanda na bang breakfast. But since wala pa naman, I decided to leave na lang.

I will order and buy foods na lang siguro sa Jollibee that was good for 13 persons. Bibilhan ko na lang din yung mga friends ko at friends ni Khate.

Minutes later....

@Jollibee

"Welcome Sir Renz." - magalang na bati nung guard habang kaliwa't kanan ko namang naririnig ang bulungan ng mga girls sa paligid.

Ngumiti at tumango lang ako as a sign of respect to them, para malaman naman nilang hindi ako snob na tao at na-appreciate ko yung simpleng pagbati at pagngiti nila sa akin.

Dumiretso na kaagad ako sa counter at pumila, medyo natagalan din ako sa paghihintay. When it was already my turn, sinabi ko na kaagad yung orders ko sa lalaking nag-aassist sa akin ngayon.

"Any additional order, Sir?" - pahabol na tanong niya pa sa akin. Umiling naman ako bilang tugon ko sa tanong niya, pagkatapos ay agad rin naman siyang tinanong. "Magkano po ba lahat?"

"56,780 pesos po, Sir." - mabilis naman niyang tugon.

"Okay, I'll pay it with my Credit card na lang." - sabi ko naman sabay bigay nung credit card ko sa kaniya.
Agad niya naman iyong kinuha sa kamay ko at swinipe then binalik niya na sa akin.

Binigyan niya ako ng priority number. "Please wait patiently, Sir and we're already processing your orders." - Tumango naman ako at naghanap ng bakanteng upuan.

May nakita akong upuan saktong dun pa talaga sa favorite spot namin ni Lorraine.

"Haysst, naalala na naman kita wifey ko. Miss na miss na kita!" - napabuntong-hininga na lang ako.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit minahal ko siya at siya lang gusto kong mahalin. Bata pa lang talaga kami gusto ko na siya, hanga ako sa lahat ng bagay na kinaaabalahan niya. Siguro isa na dun ang palagi kaming magkasamang dalawa at dahil dun may nabuong pangako. Pangako na talagang pinanghawakan namin mula nung hindi na kami nagkikita, nagkakasama hanggang ngayong pinagtapo kaming muli.

Siguro nga para talaga kami sa isa't isa. Sabi ko naman kasi maging akin lang siya hindi ko sasayangin ang pagkakataon at mas lalong hindi ko na siya ibabalik dun sa walang hiyang Dennis na yun.

Speaking of Dennis... Medyo galit pa rin ako sa kaniya at medyo nagtatampo pa rin ako kay Lorraine nagpahalik ba naman tsk.

Biglang nagvibrate yung priority number na binigay sa akin nung lalaking nag-assist sa akin kanina. Hudyat na pwede ko na makuha yung in-order ko.

Binigay ko muna yung priority number then tinanggap ko na yung ibang paper bag na may laman. Samantala, yung iba naman ay tinulungan na ako ng isa sa mga staffs ng fastfood chain na pinagbilhan ko.

"Thank you, Sir! Hope you'll enjoy our meals!" - hindi naman nito nakalimutang magpasalamat sa akin. Kaya para naman maging masaya at makatulong sa staff kahit kunti lang binigyan ko ito ng tip.

Kung magkano? Secret walang clue!

"Ingat kayo, Sir at salamat po ulit dito!" - kitang-kita ko ang maganda at malalim nitong biloy sa magkabilang pisngi. Dala siguro ng labis na kaligayahan, tinanguan at kumaway lang ako saglit then mabilis na pinaharurot ang kotse ko papuntang M.U.

When I already arrived at M.U. dumiretso na agad ako sa Headquarter ni Lorraine, since sa likod, I mean sa exit naman na ako dumaan. Pagdating ko dun halos kumpleto ang barkada. Lahat ng kaibigan ko at kaibigan ni Lorraine ay nandun din.

Napangisi naman ako at napatango ng wala sa oras. Agad na naglakbay ang aking mata sa mga kaibigan ko at nagpatulong sa kanila. "Hoyyy, kayong lima baka may balak kayong tulungan ako, tara sa kotse ko." - More to be like sila lang pala ang inutusan ko. Agad naman silang sumunod kaya pumunta na ako sa gawi ni Mahal. Ayieehh ang sweet ko ba? Ganun talaga, in love eh! So, ayown nga po pumunta ako sa gawi ni Lorraine KO, pero imbis na matuwa at kiligin ito. Tinarayan at lumayo lang ito sa akin. Wala sa huwisyong napaisip naman ako bakit bigla siyang nagkaganun.

"Ano na naman bang nagawa ko?"

"Ba't ganun ang pakikitungo niya sa akin?"

Bigla kong iwinaksi sa isip ko ang mga haka-haka at kuro-kuro at sinundan na lamang siya.

Pero wala talaga eh parang hangin lang ako sa kaniya at hindi niya ako nakikita. Medyo nalulungkot na rin ako, kanina lang ay okay kami pero ba't naman biglang hindi niya na ako pinapansin at ang lamig lamig niya sa akin?

"Ah, sige tulungan ko lang yung kaibigan ko." - sa halip ay sabi ko na lang.

"Hoyy, beshy. Anong drama yan?" - narinig kong tanong ni Christine kay Lorraine. Pero hindi ito sumagot at walang emosyon na naupo sa sofa.

"Baka naman kasi may ginawa kang hindi nagustuhan ng kaibigan namin?" - Rhica at nakapamewang, taas kilay na tumingin sa akin.

"Pasensya na huh, pero hindi ko talaga alam. Kung meron mang problema pwede niya namang sabihin derekta sa akin hindi yung ang cold niya at hindi niya ako pinapansin." - at padabog na umalis.

Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Samantha at iba pa nitong kaibigan pero walang lingon likod ko na lang silang iniwan dun.

I don't want to do this, but it really hurts me na hindi man lang niya ako pinansin. Nag-effort na nga ako, pero bakit galit siya at hindi niya ako kinikibo?

END OF RENZ POV.

COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now