CLS : UWMA54

19 3 0
                                    

LORRAINE'S POV.

Wala sa pag-iisip na ibinato ko sa kawalan ang alarm clock. Ingay-ingay alam namang natutulog pa yung tao.

"Aisshh, makapaghilamos na nga muna at nang makapagluto na rin ako ng breakfast ko." - bulong ko sa hangin habang nag-stretching.

Yawn... "Hay, antok pa talaga ako, gusto ko umabsent. Pero hindi pwede, isang linggo na kasi akong absent. Baka kapag nag-absent pa ako ulit, bumagsak na ako sa klase ko. At hindi ako papayag na mangyari yun."

Alam ko pwede kong bilhin ang magiging grades ko sa lahat ng subjects na tinake ko ngayon. At pwede rin bayaran ko ang mga guro na mangangahas na ibagsak ako. Kaya lang hindi naman ako ganung tao o studyante.

Nag-aaral ako para matuto at kailangan ko yun panindigan. Siguro hahabol na lang ako.

Kaya matapos maghilamos, napadako ang tinggin ko sa selpon ko na nasa study table ko. Kinuha ko ito at tinignan ang oras.

Pagtingin ko, quarter to seven na. Bigla naman may kumatok.

"Lorraine?" - tawag ni Kuya Dave.

"Hoy! Gising ka na ba?" - Kuya Daniel.

"Princess, bumaba ka na kaagad, pagkatapos mo dyan. Hihintayin ka namin at nang sabay-sabay na tayong papasok sa work at school." - Kuya Paulo.

Napatango naman ako ng wala sa oras.

"Okay ako na yung tanga?"

Napabuntong-hininga ako sabay napadako ang tinggin sa selpon ko na nakalagay sa study table ko. Kinuha ko iyon ng mabilis at tinignan ang oras.

Laking gulat ko na lamang ng...

"O.M.G! Quarter to seven na pala?"

"Hanla, late na ako sa usapan namin ni Ate Thea!"

Hindi ko maiwasang hindi mataranta. Pero ganun pa man, pumasok akong muli sa banyo upang gawin ang morning routine ko.

"Naghintay ba kayo ng matagal? Pasensya na mga kuya ah. Napasarap kasi tulog ng bunso ninyo." - nakasimangot na paliwanag ko.

"Ayos lang yun bunso, alam naman naming sobrang pagod at antok ka talaga eh. Like you know, hahaha nagpuyat tayo kagabi." - Kuya Paulo.

"Yan nag-movie marathon pa kasi!" - Ate Thea.

"Oh, Thea nandito ka na lang rin naman sumabay ka na rin sa amin." - Kuya Daniel.

"Sure." - masaya ngunit matipid na tugon ni Ate Thea.

Sumunod na rin ako sa kanila ng palabas na sila ng mansion.

Si Kuya Dave ang nagmaneho, and to tell you the truth. Nandito agad kami sa school at exact seven. Hindi ko alam kung naligo, nagbihis, nagpuyat at nag teleport ba ako, para saktong alas siyete ng umaga at makarating agad kami dito.

Iba talaga magmaneho tong Kuya Dave ko. Nakakaproud at medyo nakakatakot din. Pero kunti lang naman, mas mabilis pa akong magmaneho dyan. Like duh, car racer din ako noh. Kung hindi ko man nakwento sa inyo dati, ngayon alam ninyo na. Secret lang natin yun, bawal may iba pang makaalam.

"Sama na kami sa loob. May ichi-check lang ako." - Kuya Paulo.

"Ang sabihin mo, bro. Baka may gusto ko lang makita at makasama." - pang-aasar ni Kuya Dave.

"Che, tumigil ka nga!" - may inis na tugon naman ni Kuya Paulo.

"Kung magbabangayan at mag-aasaran na naman kayo, aalis na ako. Kung gusto ninyo makita, yung mga jowa ninyo. Sumunod na lang kayo sa akin. Malakas ang kutob kong nandun silang lahat ngayon. Maliban, sa isa." - bumaba, naglakad at nagtungo na akong head quarter.

COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now