NATASHA'S POV.
Maaga akong gumising hindi dahil excited na akong pumunta ng ibang bansa. Kundi dahil hindi pa ako nakakapag-impake ng mga gamit at damit na dadalhin ko.
Nag-decide akong ayusin at ihanda muna lahat ng gamit at damit ko. Nilagay ko na ito sa kulay berde kong travel bag. Coats, shirts, sleeveless, shorts, jeans, shorts, underwears, brassiere, shoes, sandals and personal hygiene ko ay nilagay ko na lahat.
Pagkatapos, nagpabook na agad ako ng flight naming dalawa ni Jake. Syempre dahil madaling araw pa lang, through online na lang ako nagpabook. Buti at naging mabilis ang process nila. Wala na akong problema.
Sinuot ko yung bathrobe ko at itinali ang buhok ko. Bumaba na ako at nagtungo sa kusina. Plano kong magluto ng breakfast namin ngayon.
For sure, pagod siya sa pag-aasikaso sa akin kahapon.
Gigisingin at tatawagin ko na lang siya kapag tapos na akong magluto.
Sinimulan ko na ang trabaho ko.
Kinuha ko na sa refrigerator lahat ng sangkap na gagamitin ko. Since, nag-crave ako bigla sa cake, cookies, fried fish, at garlic rice yun ang lulutuin ko ngayon.
Habang tinatanggalan ko ng bituka yung isda, hindi ko maiwasang isipin ang magiging buhay ko sa pag-alis ko dito at pagtira ko sa bansang hindi ko kinalakihan. Magiging maayos lang ba ang stay ko dun? Tuluyan ko na nga ba siyang makakalimutan kapag lumayo ako? Ngayong um-oo ako kay Jake, may pag-asa nga ba talaga siya sa puso ko? Hindi ko alam, at parang hindi ko na kilala ang sarili ko.
Maging sariling damdamin, hindi ko na alam alin ang totoo sa hindi. Alin ang tamang gawin at mali. Pakiramdam ko ang duwag at ang hina-hina ko para takbuhan ang problema ko.
"Hoy!"
"Hoy!" - sigaw ng walang modo kong kasama dito sa rest house.
"Ayy kalabaw!" - gulat na wika ko kasabay ang pagtalon at pagkabitaw ko sa isda. Tumalsik pa sa mukha at damit ko yung dugo ng isda.
"Magugulatin ka pala. Anyway, sino bang iniisip mo? Siguro ako yan noh. Gwapo ko talaga, kasama mo na nga ako iniisip mo pa rin ako. Akalain mo yun, gusto mo na rin ako." - seryoso at biglang ngisi niyang sabi.
"Luh, asa ka! Napaka feelingero mo talaga. Alis nga dyan, kita mo namang may ginagawa ako diba?" - galit na sabi ko at tinabig siya. Tsk, istorbo namang nitong feelingerong toh. Oo na, gwapo siya. But hello, hindi ako ma-fall sa katulad niyang mayabang at playboy. Hitsura pa lang babaero na. At isa pa, galit man ako sa lalaking nanakit sa akin, hindi ko siya ipagpapalit sa kakikilala ko lang na guy.
As I've said sa simula pa lang ng story na toh, loyal at seryoso akong magmahal.
It just that I need space and time to relax. Masyado na akong stress lately because of love issue.
It's time to indulge and meditate for a while.
Kapag maayos na puso at isip ko, babalikan ko lahat ng iniwan, iiwan at maiiwan ko...
Sa tamang panahon.
"Oh, natulala ka na naman. Huwag mo na nga siyang isipin. Buti pa tulungan na lang kitang mag-prepare ng almusal natin." - sa halip ay mahinahon niyang sabi at nakipag-agawan sa akin sa paghuhugas ng isda.
"Ano ba bitaw nga. Nandito na ako kaya pwede umalis ka na lang." - sabay tulak sa kaniya. "Yan binuksan ko na para sayo!" - inis na sabi ko pagkatapos buksan ang tv. "Maupo ka lang dyan at magrelax ka. Tatawagin kita kapag tapos na akong magluto. Sabay tayong mag-aalmusal." - sapilitan ko siyang pinaupo sa sofa at bumalik na sa kusina upang ipagpatuloy ang pagluluto.
Ibinabad ko muna sa toyo na may halong kalamansi yung isda. Tapos ay ginisa ko na sa bawang yung kanin, nilagyan ko ng sahog tulad ng hiniwa-hiwa kong hotdog, carrot at itlog. Tapos nilagyan ko ng asin, nang maluto ay inihain ko na ito at nilagay sa serving plate. I-prinito ko na rin yung tilapia na isda na minarinate ko kanina.
After that, nagbake naman na ako ng cake and strawberry and banana cookies. Yung pinaka basic at pinaka madaling i-bake ang napagdesisyunan kong i-bake.
Tinignan ko yung oras...
Omg, mayroon na lang akong 2 hours and 45 minutes. Kailangan ko ng magmadali. Ilang oras na lang flight na namin.
"Ayan okay na, isasalang ko na toh. For sure, after one hour maluluto na toh!" - bulong na sabi ko sa kawalan habang masayang nakatinggin sa binake kong cake and cookies.
Nang maisalang ko na sa microwave oven yung brownies, strawberry and banana cookies. Nagpunta muna ako sa sala. May sasabihin kasi ako kay Jake.
Pero isang balita sa telebisyon ang nakapagpahina ng tuhod ko. Bigla na lang din tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko rin alam kung bakit pero ramdam kong konektado kami sa isa't isa. Parang kilala ko na siya dati? Pero sino siya? Sino siya sa buhay ko? Magkaano-ano ba kami?
"Kasalukuyang nasa ospital ngayon ang isa sa mga anak ng pangatlo sa pinakamayamang angkan ng buong bansa. Si Renz Villafuente. Ayon sa nakasaksi, aksidenteng sumalpok ang kotse ng sikat na lalaki sa isang truck na sinasabing lasing ang nagmaneho nito. Gayun pa man, kahit walang malay at puro dugo na ang katawan ng binatilyo. Umaasa pa rin ang Villafuente family at mga kaibigan nitong magiging maayos ang kalagayan niya. For the latest update, stay tune and keep watching News Patrol! Kierra Fuentes reporting!" - sabi ng babaeng reporter. Mabilis kong kinuha ang remote kay Jake at pinatay ang tv. Nagtaka pa siya dahil sa inasta ko. Pero niyakap niya rin naman kaagad ako at sinubukan niya rin na patahanin ako.
"Ano bang nangyayari sayo? Ba't sobra naman yata ang naging reaksyon mo sa napanuod mo?" - nanatili akong nakayuko habang wala pa ring tigil sa pag-iyak.
Hindi ko rin alam, anong nangyayari sa akin. Bakit nga ba?
Hindi ko naman kilala yung lalaki na yun. Pero ang lakas ng epekto niya sa akin."Kailangan ko siyang puntahan!" - biglang sigaw ko at tumayo.
"Teka, kaano-ano mo ba siya? Kilala mo ba yung lalaki na yun?" - tanong niya.
"Hindi, pero pakiramdam ko kailangan niya ang presensya ko ngayon. Kailangan ko siyang makita!" - hindi mapakaling sagot ko. Sobra talaga akong nag-aalala dun sa lalaki.
"Hindi naman pala eh. Ba't ka pa pupunta dun?" - takang tanong niya. Hindi ko alam kung wala ba talaga siyang alam o pilit niya lang pinaniniwalaan ang pinagsasabi ko sa kaniya.
Ganun pa man, wala akong pakialam!Binalibag ko ang kamay niya sabay seryoso siyang tinignan sa mata. "Huwag mo akong pigilan!" - at umalis na nga ako ng hindi siya nililingon.
END OF NATASHA'S POV.
![](https://img.wattpad.com/cover/274397553-288-k946465.jpg)
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
Ficción GeneralA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...