In the Dark

386 34 10
                                    

Lea's POV

Roan keeps on insisting that she'll come with me sa condo kung saan pansamantalang naninirahan si Kendra habang nagrerecover siya. Wala kaming balak sabihin ni Aga ni isa man sa mga anak namin ang tungkol sa sitwasyon ni KC at ang katotohanang nandito siya sa Pilipinas.

Pero kanina ay hindi inaasahang maririnig ni Roan ang pag-uusap namin ng Daddy niya kaya napilitan na rin kaming sabihin kay Roan ang nangyayari.

"Sige na, Mommy. Please. Gusto ko lang naman makita si Ate KC kasi namimiss ko na siya at promise ko naman na hindi ko sasabihin sa iba kahit kay kambal pa." Pagsusumamo ni Roan. Napatingin ako kay Aga na nakapamaywang lang habang nakatunghay sa amin.

He nodded at me, silently relenting to our daughter's wishes.

"Alright, anak. But you really have to keep your promise." Sabi ko na lang. Halos mapatalon pa si Roan sa saya dahil sa sinabi ko.

"I'll go pack my things." Aniya saka patakbong lumabas ng silid.

We didn't tell her kung bakit kailangang itago sa iba ang kalagayan ni KC pero hindi na nagtanong pa si Roan.

"So, ikaw na muna ang bahala dito?" Tanong ko kay Aga na kahit kalmado pero ramdam ko naman ang pagiging tensyonado. "Andiyan naman si Cassie. Maasahan naman iyong anak mo sa pagbabantay kina Athrun at Mireya. And by the way, ipasyal mo naman sila bukas para hindi mabagot si Cassie. And of course para maging abala rin si Rohan. Malapit nang matapos ang break nila. Babalik na iyon sa school." Mahabang litanya ko.

"Babes.." mahinang sabi niya at hinawakan ang magkabilang braso ko. "I can handle this."

With that, napayakap ako sa kanya.

***

Pagpasok namin ni Roan sa loob ng condo ay napahinto kami pareho dahil madilim ang buong kabahayan. May sinag lang ng ilaw na nagmumula sa labas at siyang tumatanglaw sa couch sa may glass window. Bukas din ang veranda at bahagyang inihahangin ang kurtina na tumatabing sa balkonahe.

Ang una kong naaninag ay ang wheelchair ni KC na bakante at nasa bukana ng balkonahe. Agad kong binuksan ang ilaw at tumambad sa amin si KC na nakatayo ng tuwid sa gitna ng kusina at may hawak na baril. Nakatutok sa aming dalawa ni Roan. Pareho kaming naitulos sa aming kinatatayuan, pigil hininga at hindi alam ang gagawin.

"KC..." ako ang unang nakabawi sa amin ni Roan. Agad kong hinila si Roan at iniharang ko ang aking katawan. "Put the gun down."

Unti-unting ibinaba ni KC ang kanyang kamay na may hawak ng baril at kaswal na inilapag sa ibabaw ng lamesa. "Don't get too shocked."

"Where did you get that gun?" Tanong ko kasi batid kong wala kaming dalang ganoon noong nagbyahe kami from London. I checked all KC's belongings and definitely no weapons stored in this condo unit. So saan galing ang baril?

"I got it from a friend a while ago."

"We've talked about this Kendra that you will not disclose to anyone about your location for your own protection."

She scowled. "That gun will keep me safe. In case you have noticed I'm in my most vulnerable state."

Vulnerable, my ass!

"Don't give me that bullshit, Kendra! You're already standing on your own feet deapite the Doctor's diagnosis that you won't be able to walk nor stand for the next few weeks."

With that, Kendra collapsed on the floor. For a moment, I thought she was faking it but Roan's worried voice alarmed me.

Nag-unahan kami ni Roan na lapitan si KC at taliwas sa inaasahan ko na pagtatawanan kami at sasabihin niyang prank ay ang umaagos na dugo mula sa ilong niya at ang pained expression sa kanyang mukha. She's burning too.

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon