Distrust

1.4K 71 38
                                    

Aga's POV

I was about to switch off the car engine when Roan came running out the front door. Saktong pagbukas ko sa sasakyan nang makalapit siya.

"Dad, naglayas si Rohan." Humihingal na pagbabalita ni Kyra. Base sa itsura niya, halatang galing sa pag-iyak at alalang-alala para sa kakambal.

"What? Anong nangyari? And does your mom knew about this?"

"She's calling Rohan's friends."

"Have you tried to call Vice? Baka nandoon lang yun. At saka paano niyo nasabing naglayas?" Naguguluhang tanong ko. I know that my son is having trouble dealing with some kind of personal problem pero hindi naman solusyon ang paglalayas.

And knowing Rohan, hindi siya basta bastang magdedesisyon na aalis ng ganun na lang.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong sinalubong ni Lea ng yakap tapos bigla na lang siyang humagulhol sa dibdib ko.

Instinctively, I wrapped my arms around her and held her close. "What happened, babes?"

"Si.. Si R-rohan.." Nauutal niyang sabi sa pagitan ng mga hikbi.

Ano na naman ba kasi ang ginawa ni Rohan at nagkakaganito na naman ang asawa ko?

Hinayaan ko munang tumigil sa pag-iyak si Lea bago ko siya iginiya sa couch para maupo.

"Pwede mo na bang ikwento sa akin ang nangyari?" Masuyong tanong ko.

Si Roan naman tahimik lang na nakatayo sa gilid at pinapanood kami ng nanay niya.

"Rohan saw us.. I mean, Rob and I going into a hotel room." Panimula niya.

Rob?

Ito yung pangalan na sinabi sa akin noon nina Chard na naging sanhi ng aksidente at pagkawala ng memorya ko noon.

Damn it. Could what my friends told me then was true?

"We were visiting a friend. May malubha siyang sakit at si Rob ang personal doctor niya. Minsan lang nangyari yun pero that one time, nakita kami ni Nathan, yung isang kaibigan ni Rohan tapos simabi niya sa anak natin. Rohan believed that I am having an affair with Rob." Paliwanag ni Lea.

Hindi ako nakaimik. I can feel my body tense and my line of thought is so ugly right now and all I wanted to do is go to bed and forget about this.

"Aga, naniniwala ka sa akin diba?" Naiiyak niyang dagdag.

Tumango na lang ako pero hindi pa rin ako nagsasalita.

"Your eyes tell me otherwise. I can see the doubt in there." Mapakla siyang ngumit sa akin at unti unting kumalas sa pagkakayakap sa akin.

I know I should pull her towards me and assure her that I believe her. That I trust her.

But damn it! Hindi mawala sa isip ko ang nasabi nina Richard sa akin noon. What if, what if?

What if may katotohanan ang sinabi nila noon at ngayon ay napapatunayan na totoo nga yun?

Shit!

I watched her silently as she wiped the remaining streak of tears in her eyes and she sniffed.

"Tatawagan ko si mommy baka sakaling tumuloy doon si Rohan." Mahinang sabi niya saka tumayo.

Naiwan kami ni Roan sa sala.

"Dad, she needs you right now." Sabi ni Kyra. Alam ko naman yun e. Pero tang'na, ang sakit isipin na may posibilidad ang mga akusasyon ng anak namin.

"Can't you see she's in turmoil? Daddy naman, this is not the time na pagdudahan mo si Mommy. After all you've been through para mabuo ulit itong pamilyang to, saka ka pa magdududa?" Naiinis na sabi ni Roan.

"Anak, I did not say na hindi ko pinaniniwalaan ang mga sinabi ng mommy mo. May iniisip lang ako." Kalmadong sagot ko pero sa totoo lang gusto kong magwala.

"Hindi nga po pero sa pinapakita niyo ngayon e parang ganun na rin yun." Giit ni Roan.

"I'm just.. Tired?" Pagdadahilan ko.

Roan sighed deeply.

"Monitor your mobile. Your twin will contact you once he calm down."

Susundan ko na sana ang asawa ko nang magsalita ulit si Roan. "Dad, napagbuhatan ni mommy ng kamay si Kambal kanina. That was the last straw para tuluyang maghinanakit si Rohan. He told me that before he left."

Napakunot noo ako tapos napahilamos ng mukha at napaupo ulit.

"Why?"

"Kasi binastos ni Kambal si Mommy. I am very positive na hindi naman yun sinadya ni Rohan, dala lang siguro ng matagal na niyang kinikimkim na sekreto."

"Sekreto? So you too believe that your mom is infidel?"

Napailing si Roan, "No, Dad. On the contrary, I believe Mom. Come on, Dad. Alam mong hindi siya nagsisinungaling. Ramdam mo naman siguro yun,  diba?"

Ang totoo, hindi ko alam.

"Sige na, I need to talk with your mom." Agad akong tumayo at iniwan na rin ang dalaga namin sa sala at sinundan si Lea.

Pagpihit ko sa seradura, narinig ko ang mahinang paghikbi ng asawa ko. Sumilip muna ako at dahan dahang binuksan ang pinto.

Nakaupo siya sa gilid ng kama habang nakadikit ang cellphone sa tainga niya.

"Please call me agad kung sakaling magawi diyan ang anak ko." Narinig kong sabi niya saka pinatay ang cellphone.

Pumasok ako sa loob at kahit narinig niya ang mga hakbang ko, hindi siya nagtaas ng ulo para tingnan ako.

"If you are going to interrogate me just like what our son did, please don't. Wala na akong lakas para makipagtalo sayo." Saad niya.

Parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya kaya hindi na muna ako umimik. I went to her and sat beside her.

Then I reach for her hand. At first, nakakuyom lang ang palad niya at ayaw niyang pahawak sa akin but I insisted.

I entwined our fingers and kiss her knuckles. "I'm sorry for making you feel like I doubted you. Babes, I believe you."

"Do you mean that?"

Instead of answering, I grab the back of her neck and captured her lips in a searing kiss.

'Even if you did what are being accused of, I will still love you the same.'

✴✴✴

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon