Crossover

1.7K 76 23
                                    

Vice's POV



"It's a beautiful Sunday and the Muhlachs aren't up yet?" Maarteng sabi ko nung sinabi ni Nanay Julia na tulog pa ang buong mag-anak.

Nakakapanibago lang kasi hindi naman nalelate gumising si Salonga. Always early yun. Inuunahan pa nga ang alarm clock.


"Nay Juls, hindi daw po ba sila magsisimba?" Tanong ko ulit sa may-edad na nilang kasambahay.


"Hindi ko alam, sir. Pero parang hindi ata."

"Nay Juls naman, kita mo na ngang nakamake up ako at nakapambabaeng get-up, sir pa rin ang tawag mo sa akin? Sa inyo ata nahahawa ang kambal e." Pabirong sabi ko sa kanya.


"E kahit naman kasi anong pilit mong itanggi na lalaki ka, hindi mo pa rin maipapagkakaila ang tunay mong kasarian. At saka, ang pangit mong tingnan kapag naging babae ka." Parang naninitang sabi niya sa akin.

"Ay! Grabe siya o. Ang sakit niyo pong makapanlait, Nay."

"Ay naku, Vice. Ang pogi pogi mong bata ka. Ano ba kasing pinaggagawa mo at hindi mo pa ligawan yung isang kasama mo sa Showtime?"

"Si Jhong ho?"

"Hindi."

"Si Vhong po?"

"Hindi."

"Si Ryan?"

"Hindi. Si Karylle."

"Hay, kilabutan nga po kayo! May asawa na po yun at saka po magkaibigan lang talaga kami ni Karylle."

"Sabi mo e." Sabi ni Nanay Julia bago ako iwan dito sa salas.

Ay! Walkout din? Ginagaya na ba ang amo niya?

...

Aba, mag-iisang oras na akong naghihintay ng bababa pero baka abutin pa ako ng tanghalian ay wala atang may balak bumaba.

"MAYA!" Tawag ko sa babaeng dadaan sana palabas ng bahay.


"Marya ho." Pagtatama niya sa akin.

Aba malay ko ba, Magkatunog lang naman e. Ang dinig ko kasi kanina nung tinawag siya ay MAYA.

"Anong oras ba sila natulog kagabi?"

"Ay gabi na po, mga maghahatinggabi ata. Narinig ko pa kasi ang sigawan nila kagabi."


Sigawan? Bakit may sigawan?

"Anong ibig mong sabihin? Bakit may sigawan?" Naku, nag-away na naman ang mag-asawa. Sana hindi na naman humantong sa hiwalayan. Kawawa naman sina Mireya at Athrun.

"May hindi yata napagkaintindihan ang mag-ina." Sagot ni Marya.

Mag-ina? Akala ko si Aga na naman ang salarin.


Pero sino sa kambal?

"Sino mag-ina?"

"Malamang si Ma'am Liya."

"Wag mo akong pilosopohin, alam kong si Lea ang nanay. Ang tinatanong ko kung si Rohan ba o si Roan."


"Si Rohan po. Mukhang galit na galit din ata kay Ma'am Liya."

"Anong Leeeya? Kanina mo pa sinasabi yan a. Spell mo nga ate." Nagawa ko pang mag-okray.

Hahaha!

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon