His First Visitor

149 8 0
                                    

Aga's POV




Nagising ako na nahihilo at masakit ang buong katawan. Nang imulat ko ang aking mga mata ay puting dingding ang nakita ko at nang iginala ko ang aking mga mata, may nakita akong mga tubo na nakakabit sa aking katawan at humihinga ako tulong ang oxygen na nakasubo sa aking bibig. Tuyo ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.




Anong nangyari sa akin?




Ilang sandali pa narinig ko ang mabilis at sunod-sunod na pagtunog ng monitor na nasa tabi ko ng kama ko. Humahangos na pumasok ang mga naka uniform na medical personnel.




"He's having a heart attack." Narinig kong turan ng isa.




Heart attack?




Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari at nang muli akong nagkamalay ay wala na ang mga oxygen support. Malaya na akong nakakahinga. At dahil medyo maayos na ang pakiramdam ko kumpara noong una akong magising ay nagawa kong iginala ng maayos ang paningin ko sa loob ng kwarto.





Biglang pumasok ang isang babae na ang tantiya ko ay hindi lalagpas sa bente singko ang edad.





"Hi."


Napakunot-noo ako dahil hindi ko mamukhaan kung sino ito. Hell, hindi ko nga maalala kung ano ang pangalan ko.


"Magkakilala ba tayo?" Tanong ko at doon unti-unting napahid ang ngiti sa mga labi nito. Agad lumabas sa kwarto na tila ba nakakita ng multo.


Pagbalik niya ay kasama na nito ang doctor na nagpakilalang attending physician ko. "Do you know your name?"


Halatang Chinese ang doctor kaya naisip ko na baka nasa ibang bansa ako. Umiling ako sa tanong at inobserbahan pa ako ng maigi. "Do you remember what happened to you?"


Again, umiling ako. Pagkatapos ng examination ng doctor ay bumaling siy sa babaeng nakita ko kanina. She might be a relative. Nakita kong may ibinulong ang doctor doon sa babaeng pumasok kanina tapos nagpaalam na itong aalis.



Napuno ng katahimikan ang kwarto matapos lumabas ang doktor, iniwan akong nagtataka at naghihintay ng mga sagot. Tumayo ang babae malapit sa pintuan, hawak-hawak ang cellphone na tila nag-aalangan kung lalapit o hindi. Sa wakas, nagdesisyon siyang umupo sa tabi ng kama, hawak ang isang upuan na itinulak niya papalapit sa akin.



"Nandito ako para tulungan kang makaalala," sabi niya, mahina ang boses, pero may halong determinasyon. "Ako si Kendra, isa sa mga anak mo."




Anak? Wala ni isang piraso ng impormasyon sa utak ko ang kumikislap bilang tugon. Para akong papel na blangko, hindi alam kung saan magsisimula o paano ipagpapatuloy ang lahat ng ito.



"Anak kita? Ilang taon ka na? Parang ang tanda mo naman para maging anak ko." Hindi ako makapaniwalang tanong ko. "Paano ako nagkaroon ng anak na matanda na? Ano ba talagang nangyari sa akin?"




Napataas ng kilay si Kendra, "Wow, ha! Hiyang-hiya naman ako. Just how old do you think you are? Thirty?" May pagka-sarcastic ang boses niya pero inignora ko na lang.




Sa kabila ng mga nararamdaman kong sakit sa buo kong katawan ay napangiti ako sa tinuran niya. Sa asta kasi niya ay parang may sumagi sa utak ko. This kind of attitude is somewhat familiar. I don't know what kind of relationship I have with this daughter pero I think it's kind of cool kung ganito ang reaction niya. Parang magkaibigan lang kung umasta siya. Sa tono pa lang ng boses niya batid kong hindi siya laking Pilipino, may faint accent kasi na hindi ko matukoy pa kung ano. Though articulate naman siya sa pagbigkas ng mga salitang Pinoy, nandoon pa rin ang bakas na foreigner siya. Kaya medyo doubtful rin ako kung totoong anak ko ba talaga ito.




"May nangyari sa'yo," patuloy niya. "Plane crash. Na-coma ka ng dalawang linggo, at... nagkaroon ka ng amnesia. Hindi pa alam ng mga doktor kung gaano kalawak ang nawala sa'yo, pero sigurado silang magiging okay ka rin."




Plane crash? Amnesia? Halos hindi ko matanggap ang mga sinasabi niya. Parang naglalaro ng isang pelikula sa harap ko ang lahat ng ito—hindi ako ang bida, kundi isang taong hindi ko kilala. Tahimik akong nakinig, sinusubukang alamin ang mga dapat itanong pero naguguluhan kung saan magsisimula.




"Kahit wala kang maalala," patuloy ni Kendra, "may mga taong darating para tulungan ka.."



"Teka," bulalas ko, tumutuwid sa aking pagkakaupo. "Kung nga anak kita, nasaan ang nanay mo?"




Halatang natigilan si Kendra. Patay na ba ang nanay niya? Hiwalay na ba kami? Hindi niya agad sinagot ang tanong ko, sa halip ay tumingin siya sa bintana, tila iniiwas ang mga mata sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya muling nagsalita.



"Siya ang tinutukoy ko na darating para tulungan ka kasama ang mga kapatid ko."



May bahagi ng akin na parang gustong kumontra, pero paano kung totoo ang sinasabi niya? Muli akong sumandal sa unan, pilit iniisip ang mga bagay na hindi ko maalala. Gusto kong magtanong ng marami pa—sino ang taong iyon, paano nangyari ang aksidente, sino ba talaga ako?—pero tila napapagod ang utak ko sa bawat segundong sinusubukan kong intindihin ang mga nangyayari.


"Sabi mo sasamahan ako ng nanay mo at ang iyong mga kapatid, ikaw ba?"


"I'm busy." Tugon niya.


Hala, anong klaseng pagpapalaki ang ginawa ko rito at parang wala siyang pakialam sa mga magulang niya?


Si Kendra naman, tahimik lang, hinihintay akong magsalita. Napansin ko ang malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha, pero hindi ko alam kung paano tutugunan iyon. Napakalalim ng agwat sa pagitan ng kung ano ako ngayon at ng kung sino ako dati.


"Kendra," simula ko, iniipon ang lakas ng loob, "hindi ko maalala kung sino ako... at hindi ko rin alam kung sino ka talaga. Pero kailangan kong malaman ang lahat ng ito. Kailangan kong malaman kung sino ako dati."


Ngumiti si Kendra, ngunit bakas pa rin sa kanya ang lungkot. "Sige," sagot niya, marahang tumango. "I'll help you remember. Your name is Aga Muhlach, isang actor sa Pilipinas. And your wife...well, her name is Lea. You have five children."


"Lima?" Naibulalas ko. Ang sipag ko naman at nakalimang anak ako.


Lea... ni wala katiting na recognition ang bumalot sa akin pagkarinig ko sa pangala na iyon.



"Nasaan ba ako?"





"Hospital, syempre. May business meeting ka sa US at noong pabalik ka na sa Pilipinas, doon na nangyari ang plane crash. For now, magpahinga ka muna. You have all the time later to know everything."


Wala na akong magawa dahil lumabas na rin si Kendra, animo'y may kakausapin dahil bago pa nito maisara ang pinto ay may kausap na ito sa cellphone.




Habang umaagos ang katahimikan, napagtanto ko na kahit amnesia ang kinasadlakan ko, ito rin ang magiging simula ng bago kong kwento. Wala akong ideya kung sino ako noon, pero may pagkakataon akong alamin at buuin muli ang sarili ko—kasama ang mga taong handang samahan ako sa bawat hakbang ng proseso.








-----end of chapter-----

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon