Not a Trick

3.1K 69 15
                                    

Rohan's POV

Parang pasko na ang pakiramdam naming dalawa ni kambal kasi our plan worked.

Magkasama kasing nagtungo sa NYC ang mga magulang namin. Hindi naman sa natutuwa kaming wala sila, natutuwa kami kasi magkasama sila, yung silang dalawa lang at wala kami na panggulo.

Actually, si daddy lang dapat ang pupunta kasi nga busy si mommy sa taping niya pero dahil pareho kaming naughty ni kambal, nagawan namin ng paraan para mapilitang sumama si mommy.

At ngayon, si lola ang kasama namin dito sa bahay habang wala ang parents namin.

"Bakit nga pala biglaan ang pagsama ng mommy niyo sa New York? E ang sabi ng daddy niyo nung last time na nag usap kami ay siya lang daw ang pupunta?"

"Nag-usap po kayo ni daddy?" Tanong ni Kambal.

Inuulit lang sis? Sinabi na ngang nag-usap sila diba? 😁

"Oo, at ang sabi niya, pakibantayan ko daw kayo kasi alam niyo naman, ang nanay niyo masyadong abala sa trabaho, at baka kung anu-ano na naman ang maisipan niyong gawin." Mahabang paliwanag ni lola.

Kahit bantayan niyo po kami hindi niyo pa rin kami mapipigilan when it comes to devising plans para magkaroon kami ng kapatid. Hehe

"Anong ginawa niyo?"-si Lola.

"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" Kunwaring tanong ni kambal.

"Your mom is not the type to change plans that easily. May ginawa ba kayo?"

Napalunok kami pareho ni kambal. Hindi namin alam kung sasabihin ba namin ang totoo.

"Sagot." -utos ni Lola.

Demanding si lola, grabe.

"You could say that, La. Pero it's still mom's decision to go irregardless of what we said."

"Uh-huh. Nagdedefend na kayo agad, ano bang sinabi niyo sa nanay niyo?"

Me and Kambal exchanged glances.

"Okay, ako na magsasabi." -si Roan.

Hingang malalim muna bago nagpatuloy.

"We told her that Tita Charlene might make a move to seduce dad kapag mag-isa lang ni daddy na pupunta dun."

"Who is this Charlene?"

"Uhm, business partner po ni Daddy sa New York, Pilipina and a good....friend."

"Not mention, matangkad at maganda." Sabad ko sa usapan.

Oh yes, may crush ako kay "daddy's girlfriend" hehe.. pero sa akin lang yun.

"Good friend naman pala, e bakit niya iseseduce ang daddy niyo? And are you telling me that your dad might fall for this woman?"

Tumango kami pareho ni kambal.

Sa totoo lang, we believe na hinding hindi maiinlove si dad sa iba, pero ano ang sasabihin namin kay lola? Na gumagawa lang kami ng issue? No way.

"Don't you trust your father's love for your mom is great enough to withstand this seduction?"

"That's not the point, lola. Minsan kasi may pagkamanhid si Dad. I know matagal nang may gusto si Tita Char kay Dad pero si Daddy hindi lang napapansin. Pero paano ang ibang taong makakakita? I mean, may pagka clingy kasi si Tita Char at minsan napagkakamalan na mag-asawa sila. So what if, may nakakita tapos nakarating kay mommy." Paliwanag ni Roan.

Napaisip naman saglit si Lola pero saglit lang, ang sharp kasi ng mind.

"I think there is nothing to worry about as long as hindi gumagawa ng masama ang daddy niyo. By the way, paano niyo sinabi yan sa mommy niyo?" Naiintrigang tanong ni lola.

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon