It's never going to be OVER

2.9K 87 20
                                    

Lea's POV

I think my heart might burst any moment now, it's beating erratically and my mind went blank.

I can't think straight. My knees go weak and there is nothing I can do but melt into him.

I give in to the kiss, it's absolutely mindblowing. Something I never felt for a long time.

I tighten my hold on him and then suddenly, the door opened.

"Mommy, Da- - - " - Rohan 😮

Bigla ko namang naitulak palayo sa akin si Aga. Pero yung braso niya nasa baywang ko pa rin.

"A-ano y-yun, 'nak?" Humihingal kong tanong sa gulat na gulat na si Rohan.

Napakurap lang si Rohan. Itsurang hindi makapaniwala sa nakita.

Sumilip naman si Roan na nasa likuran pala ni Rohan at nakiusyoso sa nangyayari.

Shit! My God Lea! How could you be so stupid? Nahuli pa kayo ng mga anak niyo! I silently chastised myself.

"Uhm, ah, sorry? B-b-babalik na lang po kami mamaya, s-sige po, " sabi Rohan sabay hila sa kakambal at dali dali umalis.

"Anong nangyari, Rohan?", narinig ko pang tanong ni Roan sa kakambal.

Napahilamos naman ako sa aking mukha.

"Lea." -Aga

"Don't! Don't say a word, Muhlach. You've done quite enough." Sabi ko saka nagmamadaling lumabas ng silid. Kailangan kong lumayo sa kanya dahil, damn it, that kiss was so good. It make me feel so alive. I forgot that he's such a good kisser.

Paano ko na siya haharapin ngayon? Nagrespond ka naman kasi!

'Echusera ka, Lea. Gustong gusto mo naman, magpakatotoo ka nga' - sabi ni kontrabidang utak.

Para akong tanga dito sa room na nanggigigil dahil sa nangyari.

May biglang kumatok sa pinto. At sa pag aakala kong si Aga yun, napasigaw ako ng, "Go away. Leave me alone. I don't want to see you."

"Hoy Lea, nanay mo to, umayos ka nga, buksan mo ang pinto at mag-usap tayo."

Hala ka, nanay mo pala kung makapag "Go away" ka naman.

"Bukas yan, Ma."

Nang makapasok si mommy, ni-lock niya uung pinto at tinitigan ako.

"Anong nangyari? Yung anak mo parang natrauma. Hindi makapagsalita kanina."

"Nahuli niya kaming naghahalikan ni Aga sa Study Room."

"Nakahubad na ba kayo nun?"

What?

"Mom?! Of course not!" I said indignantly.

Nanay ko ba to? Bakit parang nasapian. Hindi naman ganito si mommy a.

"E bakit ganun na lang ang reaction ng anak nyo? Tulala pa rin. Umamin ka Lea."

"Hindi nga Ma. Asan ba yung anak ko at makausap ko sila."

"Dapat kasi naglalagay kayo ng 'Do not Disturb' na card sa labas ng mga kwarto kapag may gagawin kayo." Sabi ni mommy.

Sumasakit na ang sentido ko sa mga pinagsasabi ni mommy.

Ako na nga itong naagrabyado, e bakit parang ako pa ang may kasalanan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon