New Friend

2.8K 63 6
                                    

Roan's POV



Kung minamalas ka nga naman, kung kailan handang handa na ako para sa quiz namin sa Philippine History saka naman naisipan ng instructor namin na magleave. At take note, wala man lang pasabi. E di sana hindi na ako nagsunog ng kilay sa kakamemorize sa mga dates kung kailan nangyari ang mga significant events sa Pilipinas.



Ang mabuti pa, sa Library na lang ako magpalipas ng oras habang hinihintay ang aking susunod na klase, which is an hour and a half from now.


On the covered walkway, may mga concrete benches sa gilid na pwedeng pagtambayan ng mga estudyante during their vacant hours pero hindi ko pa nasusubukan. E kasi naman, ang daming dumadaan at nakakaistorbo yun kapag gusto kong magbasa ng libro.



Ngunit biglang naging dahan dahan ako sa paglalakad ng makita ko ang isa sa mga sikat na estudyante dito sa school.

Si Chris.

At habang palapit ako ng palapit sa kanya, pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso.




Oo sikat kasi siya! Kaya ganito ang effect.

Pero ayokong mamisinterpret niyo to kaya I want to explain.

Hindi siya Varsity.


Hindi rin kagwapuhan at hindi macho.


Hindi rin siya member ng kahit na anong sikat na clubs na pwedeng ipangalandakan sa buong campus.


At lalong hindi siya presidente o opisyal ng Student Council.




Siya lang naman ang tinaguriang Krung Krung ng paaralan namin.

Real sense of the word. Charot.



Paano ba naman kasi, para siyang isang dakilang manghuhula na kayang ipredict ang mga mangyayari sa buhay ng sinumang makakasalubong niya.


Tulad ngayon.

Ewan ko ba kung paanong nakapasok ang isang ito sa prestihiyosong paaralan.


"Roan!" Tawag niya pagkakita sa akin.


Yeah, right. Kilala niya ako kasi kaklase ko siya sa isa kong subject.



Dahil ayoko namang masabihang bastos ay nginitian ko na siya.



"Roan, alam mo bang malapit nang matupad ang hiling mong magkaroon pa ng kapatid?" Tanong niya.

Yung isang kilay ko biglang napaangat, abot na yata hanggang bumbunan. Char.


It's all over the news kaya and of course the internet na malapit nang manganak ang mommy ko. Tapos ako pa talaga ang tatanungin niya kung aware ako?


Ang sakit sa bangs! Grabe.


"Chris, mauna na ako sayo. May klase pa ako." Pagdadahilan ko. Saka dali daling naglakad palayo. Hindi ko na pinansin an pagtawag niya sa pangalan ko.


Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na ang bukana ng library. Pero natigil na naman ako sa paglalakad ng mapansin ko ang isang lalaki na nakaupo sa may damuhan.


Sa harap kasi ng library ay isang maliit na garden.



Nakatalikod kasi yung lalaki kaya hindi ko alam kung sino yun. Pero ganun pa man, nilapitan ko siya.


Kasi naman, ang laki laki nung signboard na "Keep off the grass" tapos nakasalampak siya dun na para bang extension ng bahay nila.


"Excuse me po, bawal pong tumambay dito." Tinapik ko pa ang balikat niya para naman sana lingunin ako.


Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon