Accidents

1K 41 20
                                    

Aga's POV



Her eyes throws daggers at me and I do not understand why. Kahit pigain ko na ang utak ko ay hindi ako makaisip ng isang matinding dahilan para magkaganito siya.

"You did it again, Aga Muhlach. Akala mo siguro hindi ko malalaman noh!" sigaw niya.

"Let's talk privately." I grabbed her hand and pull her inside the study room. "You're spouting nonsense, Lea."

"Ha? Ako pa ngayon ang nonsense? Look at this!" sabay bato sa akin ang kanyang cellphone. Tumama iyon sa dibdib ko at ang sakit ha.

I frowned when I slide the screen. Naka-open ang kanyang Twitter App and my eyes bulged when I saw a clip of me kissing Charlene on the lips.

"Babes, this is a mistake. Let me tell you exactly what happened." Sabi ko at agad lumapit sa kanya.

"Don't you dare touch me, Muhlach. Dahil masasakal kita."

E di lumayo.

"Look, Babes. Aksidente lang ang nangyari. And besides, it was just a smack."

Lea gaped at me and I instantly regretted what I said.

"IT WAS JUST A SMACK????" she screamed at me.

"Babaero ka talaga. And that will never change."

Aray ko naman.

"Lea naman e. I'm telling you the truth, it wa nothing kahit tanungin mo pa sa mga nakakita sa opisina. Charlene even apologized for it. Iyong nagpost niyan, gumagawa lang ng issue."

"Tama na! Ayoko nang marinig ang mga palusot mo. At bakit ba andito na naman sa Pilipinas ang babaeng iyon?"

Paano ko ba sasabihin na may problema sa business namin kung heto siya at parang sarado na ang pandinig sa mga explanations.

Pero I still need to tell her.

"Nagwithdraw kasi ang isang client natin at iyon pa naman ay major na investor para sa project na ilulunsad sa New York."

"E sa New York pala e." Giit niya na parang hindi pa rin humuhupa ang galit niya.

"Babes, calm down! Please. Why are you hysterical?" nagpapanic na ako dahil sa ganitong reaksyon niya. Though wala namang history ng hypertension ang asawa ko, mahirap na baka maisugod ko siya sa ospital dahil sa galit niya.

"Ang kapal din talaga ng mukha mo para tanungin sa akin kung bakit ako nagkakaganito gayong ikaw naman ang dahilan."

"Are you still jealous? I am not cheating on you, Babes! Apat na ang anak natin, lolokohin pa kita?"


"Aba, malay! Hayan ang ebidensya o!"

"Babes naman! Kahit mag-imbestiga ka aksidente lang talaga iyan and besides, Charlene is already married." sabi ko. Kulang na lang magmakaawa ako para paniwalaan niya.

"Why Aga? We are also married that time na niloko mo ako. What makes you think na hindi rin ganoon si Charlene?" she hissed.

Here we are again. Bringing up the past. Ang nakaraan na sumira sa pagsasama namin.

"Okay, Lea. Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin." suko na ako sa usaping ito. Kaya mabuti pang talikuran ko na lang kaysa lalo kaming magkasakitan ng mga salitang pagsisisihan namin.

For the seventeen years na mag-asawa kami, I thought we have been through the worst part. But the remnants of the past which aren't complete forgotten will resurface anytime.

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon