Back At One

2.6K 81 26
                                    

Lea's POV

Aga is not beside me when I woke up and it feels weird because I've grown accustomed to waking up in his arms.


Nasanay na ako na nakadantay sa akin yung mabigat niyang braso o di kaya'y nakasiksik yung mukha niya sa leeg ko at kung minsan naman ay halos nakadagan na sa akin ang kalahati ng katawan niya.

Pero this morning, wala lahat ng yun.

Kadalasan kasi ay ako ang unang bumabangon at gumigising sa kanya.

Medyo magulo ang kanyang side of the bed kaya sigurado akong dito siya natulog.

I sigh in relief.

Hindi dahil pagdududahan ko na naman kung saan nagpunta kundi dahil hindi siya makakatulog ng maayos kung hindi ko katabi.

According to Roan's Diary, naririnig daw niya gabi gabi si Aga noon na tinatawag ang pangalan ko.

At nabanggit din sa journal na minsan nasabi ni Aga sa aming anak na maayos at mahimbing lang daw ang tulog niya kapag katabi ako.

Five years apart, paano siya nagsurvive?

Suddenly, I remember what transpired in this room last night.

I should have done that years ago, siguro kung hindi pinatawad ko siya at tinanggap ulit, baka hindi nalaglag ang anak namin.


It's all in the past, Lea. There's no point crying over spilled milk.

I got out of bed and went to the bathroom to have a quick shower.

Pagbaba ko sa hagdanan, I heard people talking in hushed voices sa kitchen.

Pagpasok ko sa kusina, I saw my family na nagkukumpulan at parang may pinag-uusapan na napakaconfidential.

"Good morning." I said and they bolted straight sa kanilang kinatatayuan.

"Mom!" Gulat na nasambit ni Rohan.

"Good morning, mommy." Bati ni Roan at siya ang unang humalik sa akin sa pisngi.

Sumunod naman si Rohan.

When it was Aga's turn, I quickly went to sit on the stool at kinuha ang newspaper.

"Good morning, babes." Sabi niya.

Hindi ko sana siya papansinin pero baka makahalata ang kambal kaya napilitan din akong magsabi ng "Good morning." Pero hindi nakatingin sa kanya.

"Dad, Walang 'good morning kiss' para kay mommy?" Tanong ni Roan.

Lumapit si Aga sa akin at hinalikan ang aking noo.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Nag-astang abala sa pagbabasa ng newspaper na nakalapag sa countertop.

In my peripheral vision, I saw him went to the sink at inilagay doon ang hawak na spatula.

With two strides, nasa tabi ko ulit siya at sobrang nagulat ako sa susunod na ginawa niya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya then he crashed his lips on mine.

Syempre nagulat ako sa ginawa niya dahilan para mabitawan ko ang hawak kong dyaryo.

"Gising ka na?" Tanong ni Aga.

Ha? What was that for?


Hindi ko alam kung ano ang tinatanong niya kasi hindi nagreregister sa utak ko ang mga sinasabi niya.


Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon