Bring it On

2.8K 77 11
                                    

Lea's POV

"Mom, Dad, kailangan po kami magkakaroon ng baby brother or baby sister?" - tanong ni Roan habang kumakain kami sa inihanda ni mommy na meryenda.

"Depende yan sa mommy niyo pero I think malapit na." Nakangiting sabi ni Aga.

Automatic na napataas ang isang kilay ko sa narinig.

"Anong pinagsasabi mo? Hindi mangyayari yan."

"Bibigay ka din sa akin." Nakangiting sabi niya.

"Never!" Matigas kong tanggi.

"Yan din ang sinabi mo noon. Never na magiging girlfriend kita, Never na  magiging asawa at ina ng aking mga anak. Well, look at us Babes, you've been my girlfriend for 2 years, married wife for 15 years, the mother of my children and we are still here."

"Iba na ang sitwasyon ngayon, kaya I strongly recommend na tigil tigilan mo na ang pagde daydream mo kasi walang patutunguhan yan."

Tumawa lang siya.

At ang kambal, matamang nakatunghay lang sa amin. Even my mom is sweetly smiling to our banter.

"Tell me, Babes. Hindi ka na ba pwedeng magbuntis?"

Napahagikhik naman si mommy pero hindi nagkomento.

Yung kambal, pigil na pigil ang tawa.

"Another word from you, Mr. Aga Muhlach and I swear I will kick you out of this house."

"You can't do that." -si Aga.

"And why the hell is that?"

"Because this house is a conjugal property."

Oo nga naman ano.

Urgh! Kailan ba ako mananalo sa lalaking to.

"Pakipot pala si mommy noon noh." Casual na sabi ni Roan.

"Yup, sobra." Segunda ni Aga.

"Baka naman Dad, hanggang ngayon ay pakipot pa rin si mommy. Maybe, Konting suyo pa." Dagdag ni Rohan.

So, wala ako dito. At bakit ganun, parang pinagkakaisahan ako?

Tumawa si Aga.

"How old are you again, Babes? 40? Pwede pa. Bilisan natin bago mahuli ang lahat." Seryoso na ang mukha ni Aga pero sa mata niya, masyadong mapanukso.

Sinusubukan mo talaga ako a. 'Langya kang lalaki ka.

"Gusto mo talagang gawin natin? Sige, pagbibigyan kita." Nakangiting sabi ko.

At siya naman ang na speechless.

Stare him down, Lea.

Napatulala siya sa akin.

Grabe ang ganda ko! Haha

"Mom, SPG!" Sabi ni Rohan.

Ay oo nga pala. Conservative si Kuya. Si Ate ang liberated.

"Sorry, sweetheart."

Nakabawi naman si Aga sa pagkabigla.

"Let's do it, tonight." -Aga.

"Mag-usap kayong dalawa in private. Hindi kailangang malaman ng mga apo ko ang scheduling niyo. Hindi na kayo nahiya." Sita ni mommy.

Thanks for the rescue, mom. Hindi pa ako handa.

At saka wala pang dalawang buwan mula nung dumating siya, bumibigay ka na. Ay naku, Lea, umayos ka.

Para akong timang na pinapagalitan ang sarili. Ano ba itong nangyayari sa akin.

It must be the dimples. Yeah, definitely, it's the dimples. Yun ang charm niya e. Bakit ba kasi ngiti siya ng ngiti. Nakakabwisit.

End of POV

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Aga's POV

I almost forgot that my wife is a very honest and brutally frank sometimes but that is what I love about her.

Hindi kasi siya plastik at kung galit, talagang sasabihin at ipapakita niyang galit siya.

Tulad ngayon.

Andami na namang "flying objects"

Flying pencil/ballpen
Flying pen holder
Flying books
Flying puncher

Yep, ibang setting naman ngayon.

Andito kami sa Study.

At least hindi kusina kasi mas malala ang lumilipad na bagay doon. Mga tipong nakakamatay.

Buti na lang nakailag ulit ako sa lahat ng flying objects na nabanggit.

"Aba, Mrs. Muhlach, dahil sa sobrang gentleman ko, nananakit ka na a." I teased when she ran out of objects to throw at me.

"Kailangan ka pa naging bayolente?" Dagdag ko pa.

"Really, MUHLACH? Right in front of our children?"

"Lea, malalaki na mga anak mo. They already understand kung ano ang biro sa hindi. And besides, they are both exceptionally intelligent. And what are you so ashamed about?"

"Hindi ko alam kung paano kita naging asawa." Nanggigigil na sabi.

"Aray naman, Babes. Ikaw kaya nanligaw sa akin."

"Hindi kita niligawan. You're insufferable, immature, stubborn, tease, nutcase, cheater and a liar."

"Wow, andami ko palang description. Akala ko handsome lang. Thank you ha, May idadagdag ka pa ba?" Pang asar kong tanong nung matapos na siya.

"Makapal ang mukha."

"Okay. But please be reminded that you are my wife. And that means, pinili mo ako. Ibig ding sabihin nun, lahat ng binanggit mo ay yung taste mo sa isang lalaki. So, wow, Babes, Great taste!" Sabi ko sabay thumbsup.

With the winsome smile and twinkling eyes.

Lalong nagdilim ang paningin niya at ayun, hindi ko napansin may hawak na pala siyang cutter.

Shit! Flying object din yan. Hindi na applicable ang mag dodge lang. You gotta run. Fast. And I mean, NOW!

I ran out and hastily closed the door.

Kumalabog ang pinto ng tumama dito ang cutter.

Whew! That's a close one.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - -

Author's Note:

If there are discrepancies with the timeline, please understand that this is a fiction thus it's not totally in sync with the real world.

Thank you again for your time.

-Arlea

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon