Torque

1.9K 70 27
                                    

Sorry for this...

✩✩✩

Aga's POV


Masaya kaming nagkukwentuhan ng kambal sa living room habang nanonood kami ng Showtime.


It's a typical Saturday noon.



Walang kanya kanyang lakad ang mga bata ngayon dahil sabi nila mas gusto nilang mag-stay na lang sa bahay.



Nagtatawanan kami sa mga antics ni Vice nang bigla kaming nakarinig ng isang malakas na sigaw.



Ang sigaw ay mula sa Master's Bedroom. Para kaming iisang tao na tumayo at tumakbo paakyat sa hagdan.


"Lea?!"


Namutla ako nang makita ko si Lea na nakahandusay at walang malay sa aming bathroom floor at lalo akong namutla nang makita ko ang dugo na umaagos sa kanyang hita.


"Mom!" Sigaw din ng kambal.


Dali dali ko siyang pinangko at binuhat para dalhin sa ospital.



"Roan, tawagan mo si Mommy Ligaya."


"Rohan, get the car keys."


"Si manong na lang po ang magmamaneho, Dad." Sabi ni Rohan.


>>>

Palakad lakad ako sa hallway ng hospital habang hinihintay si Ella.


Kasama ko ngayon ang kambal.



"Elle!" Tawag ko sa kanya paglabas niya sa ER.


Patakbo akong lumapit sa kanya.




"Kumusta siya?" Agad kong tanong. Nanginginig at nanlalamig pa ang mga kamay ko.



"Ags, she's fine." She said.

"Thank God!" Nakahinga ako ng maayos pagkarinig ko sa sinabi ni Ella.

Pero bigla kong naalala ang baby namin.

"Ang baby?"

"I think it's better if we discuss this with your wife kapag nagkamalay na siya."


"Nalaglag ba?"

Malungkot na nakatunghay sa akin si Ella. Napaatras ako at nanlulumong umupo sa bakanteng upuan sa waiting area.

Dinaluhan naman ako ng kambal at tahimik na yumakap sa akin.

"Ags, I'll talk to you later. Kailangan ko nang pumunta sa Delivery Room dahil may pasyente akong naghihitay sa akin." Tinapik niya ang aking balikat saka nagmamadaling umalis na.

This can't be happening.




"Aga!" Si mommy Ligaya.



Tumayo ako at sinalubong siya. Hindi ko na napigilan ang luha ko noong niyakap ako ni mommy.



"Anong nangyari anak?" Tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.


Lalo naman akong napahagulhol.



"We lost the baby." I whispered.



"No!" -Roan.



Hindi nagsalita si mommy. Tapos yung kambal nakiiyak na rin.



Mommy sighed and cupped my cheeks and stare straight at me.


"Everything happens for a reason, Aga. Let's have faith in the Lord and wait for His masterplan to unfold."

Tumango na lang ako kahit masakit tanggapin ang nangyari.

Pero sa ngayon, I don't know how to face my wife. I don't want to see her hurting again.


✩✩✩


What do you think?

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon