Evident Jealousy

2.8K 79 8
                                    


Roan's POV

The tension in the room is palpable. Nagsusukatan ng tingin sina Tita Charlene at mommy.

At kailan ba kasi naging sila ni daddy?

"Uhm,  guys, let me clear this. Babes, what Charlene meant is she's one of my lady friends. Kaibigan at hindi karelasyon." Pagpapaliwanag ni daddy.

"No need to explain, Babes. I understand." Mommy is sweetly smiling but the twinkle in her eyes is unmistakable.

Lagot na. World war 3 na to.

"So, you're the WIFE. I see. I'm glad you are finally listening to explanations." Makahulugang sabi ni Tita Char.

Holy cow! Bakit parang may alam siya?

Napataas kilay naman si mom kay dad.

Napansin kong napalunok si daddy.

He is nervous.

Confirmed! May sinabi nga siya kay Tita Charlene.

Hindi na nakatiis si kambal kaya sumingit na.

"Uhm, dad, nagpunta po kami dito para ibigay itong phone. Naiwan niyo po kasi e baka may importanteng tawag." Sabi ni Rohan sabay abot kay dad yung cellphone.

"Diba, mom, 10am dapat nasa ABS na kayo? malelate ka na po, tara na." Sabi ko sabay hawak sa kamay ni mom para makaalis na kami.

Dagli ding tumalima si Rohan at hinila din ang isang kamay ni mommy.

"Sige po, una na po kami. Uhm, later na lang po Tita and Bye dad" sabi ko saka lumabas ng kwarto, hila hila si mommy.

Nasa elevator na kami nang nakita naming humahabol si dad.

Mom hastily punched the close button para maisara na agad agad ang door ng elevator.

Nagkatinginan lang kami ni Rohan. Gusto naming umangal pero hindi namin ginawa. Takot lang namin na pigilan si mommy.

Bilis dad. The door is closing!

Luckily, nakahabol si dad at nakapasok sa elevator. At ayun, para kaming ewan na nakatingin sa pagsara ng door.

"Lei, let's talk." -humihingal na sabi ni dad, nang umandar na ang elevator.

"Wala akong panahon makipag-usap sa'yo. Malelate na ako." -si mommy.

"Alright," sabi lang ni dad at sumandal.

Ha? Wala siyang gagawin? Yun na yun? Langya naman, dad.

Walang imik din si kambal. Nakikiramdam na lang kami sa kanila.

Pagbukas ng door, agad agad lumabas si mommy at lumakad ng mabilis at walang lingon lingon.

Kami naman humabol lang, pati si daddy.

Ang bilis niyang maglakad ha. Considering ang taas ng heels niya.

Nakarating na kami sa parking lot na nakasunod pa rin si dad.

Sasakay na sana si mommy sa driver's seat ng biglang hinablot ni dad yung hawak ni mommy na susi ng sasakyan.

"Ano ba!" Inis na bulyaw ni
mommy.

O em gee, we're on public place. Pinagtitinginan na kami.

Headline na to!

"Ako na magdadrive. Sasama ako." -si Dad.

"Hindi na kailangan. Bumalik ka na lang don sa girlfriend mo at baka naiinip na yun." Mommy hissed para hindi marinig ng mga taong nakikiusyoso.

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon