It Goes On

1.4K 65 32
                                    

Rohan's POV


Kasalukuyan akong nanonood ng palabas sa telebisyon nang bigla akong tinawag ni daddy.

"Ken, it's your mom. Gusto kang makausap." Napatingin ako sa telepono na inaaabot ni Daddy sa akin. Ayoko sanang abutin pero para maiwasan ang mahaba-habang diskusyon ay kinuha ko na rin.

"Hello." Walang kaabog-abog na sambit ko pagkalapat ng phone sa tainga ko.

"Hello, anak. Kumusta ka na?" Masaya ang boses na tanong ni Mommy. Kahit paano ay masaya na rin ako kasi batid kong nag-eenjoy si Kambal doon.

'Hindi pa rin ako okay. At hindi ko alam kung magiging okay pa ba ako.'

Yan ang gusto kong sabihin pero iba ang namutawi sa aking mga labi, "I'm fine."

"Nakakalakad ka na ba ng maayos? Sabi ng dad mo magbabakasyon ka daw muna sa Tagaytay. Magkwento ka naman, anak. Miss na miss na kita."

'Miss na rin kita mommy pero I can't bear to be with you nor look at you right now.'

"Mom, can we just talk when you come back here. I'm kinda tired today." Pagdadahilan ko.

Natahimik si mommy sa kabilang linya. Maging si Daddy ay napakunot-noo habang nakikinig sa usapan namin.

"Okay, anak. Mag-ingat ka doon ha."

"Sure." Pagkasabi ko nun ay iniabot ko na agad kay daddy ang telephone at balik na ako sa panonood ng basketball.

Kahit alam kong gustong gusto akong tanungin ni dad tungkol sa pakikipag-usap ko kay mommy ay hindi niya ginawa dahil kausap pa niya si mommy. He went outside para hindi ko marinig ang pag-uusapan nila pero alam kong tungkol yun sa akin.

...

"Ano yun?" Tanong ni daddy pagbalik niya mula sa labas.

"Ang alin po?" Balik-tanong ko.

"Yung pakikipag-usap mo sa nanay mo. Bakit ganun Rohan?" Mahinahon pa ring tanong ni daddy pero alam kong malapit na siyang magalit.

"Wala naman po akong masamang sinabi." Sagot ko naman.

"Wala nga pero ang lamig. Mahihiya pa ang North Pole sa'yo."

Kung sa ibang pagkakataon baka natawa ako sa tinuran niya pero hindi ngayon.

"Hindi naman po. Pagod lang po talaga ako." Sagot ko na lang. Kailangang umiwas akong sumagot ng pabalang dahil baka kung ano pang magawa sa akin si dad.

"Saan ka napagod? Wala ka namang ginagawa a." Giit niya. "Nanonood ka lang maghapon at natutulog."

"I don't know, Dad. Feeling ko pagod po ako. Pati po ba yun kailangan kong ipaliwanag?" Hindi ko na napigilang sumagot ng taliwas.

"Hey, watch your tone, Rohan." Nagbabantang sabi ni Dad. "Ano bang naging kasalanan namin sayo?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Paulit-ulit na lang na tanong at paulit-ulit din akong magsisinungaling. "Wala po, dad. I'm sorry for being this way these past months. Masyado lang talagang pressured sa school, sa pagiging varsity."

Mukhang tumalab naman kay Dad ang acting ko kaya hindi na siya nagtanong pa. "If you say so."

....

"Tol, sigurado ako, si Tita Lea yun." Kumpirma ni Nathan sa picture na ipinadala ni Anjo. Kahit malayo at medyo hindi gaanong malinaw ang kuha, alam kong nanay ko yung nasa larawan.

"At dahil na rin sa kagustuhan naming matulungan ka, hinanap namin kung sino yung kasama niya. Sa loob ng ilang linggong pagbabakasali na bumalik doon ang lalaki, nagtagumpay kami." Dagdag pa ni Nathan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig.

"Anong nalaman niyo?"

"Isa yung doctor. Hindi ko sigurado kung anong field of expertise niya, basta surgeon."

"Bakit nagbalik sa hotel?"

"Hindi naman alam. Alangan namang sundan namin siya hanggang sa loob." Sagot ni Nathan.

"Nalaman niyo ba kung anong pangalan niya?" Tanong ko.

"Oo naman, tol."

Nahigit ko ang aking paghinga. Sa wakas malalaman ko na rin kung anong pangalan ng lalaki na malamang ay kalaguyo ni mommy. Pero bago pa niya tuluyang masira ang pamilya namin, sisirain ko na siya. Hindi ko alam sa kung anong paraan.

"Ano na?"

"Ito na, hinahanap ko pa lang kung saan nilagay ni Anjo yung papel na pinagsulatan." Sagot ni Nathan at nadidinig ko pa ang kaluskos ng kung anong bagay mula sa kabilang linya.

Pagkaraan ng ilang sandali, "Nakita ko na." Masayang sabi niya.

"Ang pangalan niya ay Roberto Ong." Seryosong sabi ni Nathan pero kilala ko ang mga kaibigan ko. Alam ko kung kailan sila seryoso at kung paano sila magbiro.

"Magseryoso ka naman, Nathan. Kahit ngayon lang." Naiinis kong turan.

"Di ka na mabiro."

"Sino bang anak ang magbibiro sa mga ganitong sitwasyon? Nanay ko yun, tol. At ang pinag-uusapan natin dito ay isang taong posibleng maging dahilan ng pagkawasak ulit ng pamilya namin." Napipikon na talaga ako. Alam naman niya kung gaano ako naapektuhan dahil sa mga nalaman ko, nagawa pa niyang makipaglokohan.

"Pasensya na, tol. Ito na, seryoso na ako. Ang pangalan ng taong yun ay Robert Chien. Bahala ka nang magresearch pa tungkol sa kanya. At saka wag mo muna kasing masyadong dibdibin, wala pa tayong napapatunayan."

"Tatlong beses silang nagmotel. Ano pang klaseng ebidensya ang kailangan para makumpirma na nangangaliwa ang mommy ko?"

"Hotel yun tol, exclusive hotel. At hindi motel. Alam mo naman siguro ang pinagkaiba nun. Maraming ibang pwedeng activities sa mga gaanong klaseng hotel." Madiing sagot din ni Nathan.

Kahit pa. Pare-pareho lang yun. At saka alangan namang tutungo sa isang cheap na hotel ang mommy ko. Natural doon siya sa mamahaling hotel.

Humanda sa akin ang taong yun. Pagdating ni kambal, kami na ang gagawa ng paraan.

"Salamat tol. Ang laki ng naitulong niyo. Pero sana sa atin lang muna ito. Mapagkakatiwalaan ko ba kayo?"

"Oo naman, Ken. Parang magkakapatid na tayo." Sabi ni Nathan.

Malaking eskandalo kasi ito kapag nagkataon at ayokong isipin ni Daddy na baka gumaganti lang si Mommy sa kanya dahil sa nangyari noon.

Pero baka naman ganun nga talaga. Ang mas masakit pa, baka hindi si Daddy ang ama nina Athrun at Iya.

Kung iisiping mabuti, ang bilis ng pagtanggap ni Mommy kay Dad. Hindi kaya, buntis na si Mommy noon at tinanggap lang niya si Daddy para ikubli ang isang malaking sekreto?


★★★

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon