Just when You think All is Lost

3.1K 83 12
                                    

Aga's POV

Pagpasok ko sa Master's Bedroom, nakaayos na ang asawa ko sa pagtulog, galing pa kasi ako sa room nina Roan at Rohan, nakipagkwentuhan muna saglit.

"Sa sofa ka matutulog." -Lea

Awtomatiko namang tumingin ako sa sofa, at ayun, may unan na at kumot.

😑

Pambihira, magkakasya ba ako don?

"Lea naman, paano ako makakatulog niyan, nakabaluktot?"

"E di diyan ka sa floor. Or better yet, doon ka sa labas."

Hindi na lang ako umimik baka seryosohin niyang palabasin talaga ako. Kaya ko namang tiisin. At least makikita ko siya before ako matulog.

At siya rin una kong makikita paggising ko sa umaga. Ok na to, mas malapit sa kanya.

She turned off her bedside lamp and the entire room is enveloped in darkness.

May konting liwanag lang na simisilip from the streetlight sa siwang ng kurtina.

"Lei, tulog ka na?"

Walang sagot.

Asarin ko kaya, for sure hindi pa tulog ang asawa ko.

"Pansin ko lang, daring ka na ngayon ha, Maria Clara ka lang dati..." panimula niya.

Agad naman siyang sumagot.

"Bakit, ayaw mo?"

"Gusto ko, pero syempre gusto ko ako lang makakakita."

How pathetic can I be? Kailangan ko pang mang asar just to elicit a response from her.

End of POV

- - - - - - - - - - - -

Lea's POV

"Gusto ko, pero syempre gusto ko ako lang makakakita."

I admit, kinilig ako dun. Nyaa! Ano ba Maria Lea Carmen Salonga, stop it!

'Nakalimutan mong idugtong yung Muhlach' sabi ng kontrabidang parte ng utak ko.

Urgh!!

"Matulog ka na." Sabi ko na lang para makapag pahinga naman na ako.

Pero Lord, paano ako makakatulog kung ramdam na ramdam ko yung presensya niya?!!

"Goodnight, Lei."

"Goodnight, Aga"

Fastforward

Nagising ako na para bang may nakadagan na kung anong mabigat saken. Kaya kahit medyo inaantok pa ako at gusto ko pa sanang matulog ay napilitan akong idilat ang aking mga mata.

It took a while bago ko marealize na yung mabigat pala ay binti na nakadagan sa aking hita tapos matipunong braso na nakapulupot sa aking baywang at ramdam na ramdam ko din ang mainit na hininga sa likod ng aking leeg.

Oh shit!

Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ang aking katabi.

Si Aga.

Gusto ko siyang sampalin at itulak para mahulog sa kama pero hindi ko magawa kasi namesmerize ako sa kanya.

Di ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya.

He is really a very good looking man.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si mommy.

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon