THE NEW CHAPTER

762 35 9
                                    

A/N: Matagal na pong tapos ang kwento ng Parent Trap. Gagawan ko po sana ng Book 2 para hindi magulo pero ayoko namang maitag na COMPLETED na ito. Kaya ito tuloy tuloy lang. Medyo iba na nga lang ang tungo ng kwento.😅😅


The Muhlach Bunch

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Muhlach Bunch. 😂😂 charot.

It all started with the twins (Rohan and Roan). But the family has additional family members as the plot thickens.

embark into another hundred chapters. 🤔🙄

>>>>>>>>>>>>

Lea's POV


Habang masayang iniinterview ng kambal si Kendra ay abala naman ako sa pakikipagchat kay Cassie. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na makinig sa mga sagot ni Kendra.

Unang kita ko pa lang sa batang ito, alam kong trouble na ang dala. At ang intense na conversation namin last time sa dressing room niya ay laging nagfaflash sa utak ko every time na makikita ko siya.

"Babes, ayaw mo nitong grilled pork?" tanong ni Aga nang mapansing hindi ako masyadong kumakain. "Itong fish?"

"Oo nga, mommy. Kanina ka pa diyan sa cellphone mo a." dagdag naman ni Rohan.

Nabaling na sa akin ang atensyon nila, "May kausap lang akong ibang TV personalities. Tuloy niyo lang laro niyo."


"Okay." Sabi ni Roan at balik na ulit silang apat na magkwentuhan. Looking from the outside, parang ang tagal na nilang magkakakilala. Nakapa-genuine ang ngiti ngayon ni Kendra pati ang pagtawa niya.


But then again, paano ko nga ba masasabing genuine, e actress din ang batang ito. Malay ko ba kung totoo o hindi ang pinapakita niya.


Fake your smile if needed!


Iyon ang sabi ko sa kanya. At iyon din ang sinabi niyang gagawin niya.


Buti na lang nakilala ko si Kendra ng mas maaga dahil baka mapasali ako sa listahan ng mga biktima niya.


Hindi kahit ganoon ang pinakita sa akin ng batang ito, hindi ko pa rin magawang magalit ng todo sa kanya. Supposedly nga nag-iingat na ako o di kaya ay umiwas sa kanya tulad ng sinabi kong gawin niya pati ng kambal pero ako pa itong nag-offer sa kanya na dito na sa bahay tumira pansamantala.


What am I thinking? To teach her the basics? What basics? God! That was so lame and at the same ridiculous. She must laughing at me in her head.


"My parents and my grandmother died last year. Three months apart. Since then, tumira na ako sa Tarlac. Once every two months ay bumibyahe ako patungong London. Nag-stay ako doon for a week tapos balik na naman ako dito sa Pilipinas." narinig kong sabi ni Kenra sa tanong ni Rohan kung nakabase pa rin siya sa London. And if babalik na siya sa London for good kapag natapos na ang The Voice.



Ulila na pala siya. I think, okay lang pala na inalok ko siyang tumira muna dito. In that case, makakabonding niya ang kambal na sobrang kulit. I can also schedule a weekend getaway para makapag-unwind kahit saglit lang.

But wait? Why do I care? Urgh!!!


***


Pagkatapos ng dinner ay inihatid na namin sa labas si Kendra dahil may tumawag sa kanya at kailangan na pumunta na siya kung saan mang lugar iyon.


"It's already nine thirty. Huwag kang masyadong magpapagabi." hindi ko mapigilang sabihin. Naramdaman ko ang kamay ni Aga sa aking balikat at bahagya niyang pinisil.

"Thanks for the concern, ma'am. But I am not a child, I can handle." she smiled sweetly. "Bye, Tito Aga! See you around Roan and Rohan. Thanks for having me."


She waved before she drove away.


Nang tuluyan nang makaalis ang panauhin namin, it's Aga turn to question me, "Why did you invited her to stay with us?"


"Gusto ko lang mapalapit din sa kanya." simpleng sagot ko. But that answer leads to another.


"For what reason?"


"Nothing in particular."

"Okay. It's ok if you are not comfortable telling what's the reason behind. But the question is mapagkakatiwalaan ba siya? Alam mo namang anytime darating si Cassie."

Oh! Shoot! Hindi ko na naisip iyon kanina.

"Sasabihin ko na lang sa kanya bukas na hindi na niya kailangang umoo sa offer ko. You can also see it in her eyes, ayaw niya. So that solves the problem." balewalang sabi ko. Pero sa kaloob-looban ko, I want Kendra to say yes. That kid holds a mystery that unsettles me. There's a lot more to her than meets the eye.


"One more thing, Babes. You are not the type of person who decides irrationally. What's going on in her head?."

"Spontaneity, Babes."

"Hmmnnn..let's say I believe you." but what he truly felt is on the contrary.

"Okay, I admit. Kendra has a very disturbing aggravation towards me."

Aga frowned. "Seryoso ka? That girl I saw fanning diligently in the barbecue grill is far from someone who's holding grudges. Para ngang hindi marunong magalit e." natatawang sabi niya.

Kung alam lang niya kung paano ako pakikipag-usap sa akin ni Kendra kapag kami lang.

Isa iyon sa matinding dahilan kung bakit gusto ko siyang makilalang lubos.

"Looks can be deceiving." I murmured.

"Pagod lang siguro iyan. Let's call it a day, Babes." sabi niya.


We both checked on Athrun and Mireya who at this hour are still awake.


Athrun flashed his signature grin upon seeing us while Mireya just looked up with a neutral face.


"Goodnight, babies." I kissed the top of their heads and tucked them both to bed. With Aga just standing in the doorway, watching us.

At three and a half, these two are already independent. Unlike, Rohan and Roan who were very clingy when they were little.

Aga dimmed the lights but Mireya started to cry.


"It's your turn tonight." I told Aga.

"Ako ba? Akala ko si Roan ngayon."


"Hindi, ikaw! Bukas si Roan. Now put your daughter to sleep."


"What about Athrun?"


I threw a glance at the boy who is now sleeping. "Don't worry about him. Focus on Mireya dahil kung hindi pa siya tatahan sa pag-iyak, malamang magigising si Athrun. Ikaw din, dalawa na patutulugin mo."


"Okay.okay."



Aga picked up Mireya and starting rocking her to sleep. Then he started to hum.

"Please, Babes. Huwag kang kakanta." nang-aasar kung sabi bago lumabas ng kwarto.


End of Chapter
***

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon