Trouble comes in pair

1.6K 54 23
                                    

1 year later....


Roan Kyra's POV

Magtatatlong oras na mula nung tumawag sa akin ang kaibigan ko na si Georgia at sinabing mayroon daw siyang ipapakilala sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan, yung boses kasi niya ay medyo nanginginig at parang may bumabagabag sa kanya.

At dahil sa kabang nadarama ko kinuha ko ang aking cellphone and I dialled Rohan's number.

"Bakit kambal?" tanong ni Rohan at bakas pa sa boses nito ang pagod dahil sa paglalaro ng basketball.

"Matagal pa ba kayo?"

"Tapos na kami, papunta na nga ako sa shower e para makaligo at makapagpalit na."

"Ay sige, antayin na lang kita dito sa parking lot."

"Wala pa ba si manong? Akala ko maagang natapos ang klase mo ngayon."

"Oo pero sabi kasi ni Georgia antayin ko daw siya dito sa school kasi may importanteng tao daw siyang ipapakilala sa akin." Sagot ko.

"Sige, 15 minutes andiyan na ako."

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makausap ko aking kakambal. Maswerte ako sa kapatid ko dahil alam kong handa siyang ipagtanggol ako sa anumang kapahamakan.

"Roan!"

Napatingin ako sa aking kanan dahil sa tili na yun.

Si Georgia ay humihingal malamang dahil sa pagtakbo, sa tabi nito ay nakatayo ang isang ale na sa tantiya niya ay nasa kwarenta anyos na.

Nilapitan ko sila para hindi na madagdagan ang pagod nila.

"Georgia, saan ka ba galing at ang tagal mong dumating?" Tanong ko.

Hindi sumagot si Georgia sa tanong ko bagkus unti unting napatingin sa ale na kasama nito.

"Aling Fara, siya po si Roan Kyra Muhlach." sabi ni Georgia.

Napatingin na rin ako sa babaeng kasama ng kaibigan ko, "Magandang araw ho."

"Kamukhang kamukha mo siya, kaya hindi maitatangging ikaw ang kilalanin nilang anak." Makahulugang sabi ni Aling Fara.

"Uhm... Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko. Parang gulat na gulat kasi ang expression niya at parang hindi makapaniwala sa nakikita.

Hindi na makapagsalita si Aling Fara, nakatitig lang sa aking mukha at unti unti tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Ang laki laki mo na." Dagdag pa niya. At dahil sa mga hindi ko maintindihang pinagsasabi ng taong ito, unti unti na rin akong kinakabahan.

"Roan!" narining kong pagtawag sa akin ni Rohan.

Hindi namalayan na nakalapit na pala siya sa amin at nasa tabi ko na siya.

"Roan, siya si Aling Fara, years ago, dati siyang nurse sa isang ospital. And she committed a terrible mistake." Georgia said.

Napakunot noo naman ako.

Ano ngayon ang kinalaman ko sa mga ito?

"During one of her night shift, dalawang babae ang nanganak sa pagkakataong yun, one of the women, delivered twins, a boy and a girl, while the other gave birth to a baby girl. Si Aling Fara ang in-charge noon sa Nursery. And to cut the story short, naipagpalit niya ang tag ng dalawang sanggol na babae." Kwento ni Georgia.

"Uhm, excuse me. That's an awful fate for both of the babies, we felt symphatetic for their misfortune but we do not have time to hear these kind of stories. Tara na Roan." Sabi ni Kambal at hinila na ang kamay ko.

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon