Sunday

2.6K 73 6
                                    

Rohan's POV

Eversince nung nakaaksidente si Dad mas naging hands-on si mommy sa pag-aalaga sa amin.

Kahit minsan busy siya, sinisikap niyang makauwi ng maaga para makasalo namin siya sa hapunan.

At kahit puyat, maaga pa rin siyang nagigising para maghanda ng agahan.

She doesn't need to do that kasi may mga kasambahay naman kami pero hindi naman namin siya mapigilan kasi sabi niya nag eenjoy siya sa ginagawa niya.

Weh? Haha.. maniniwala na sana ako kung hindi ko sila narinig ni daddy noon na nag-uusap.

Yah, I was eavesdropping nung umagang nagsisisigaw si mommy dahil sa inis.

Napadaan lang ako noon sa room nila at hindi sinadyang marinig ko yung sentiments ni dad.

"Yan ang naging problema natin noon.. ayaw mo akong pagsilbihan.."

Pero we are enjoying this naman. Syempre, ikaw ba naman ang magkaroon ng nanay na isang Broadway Diva, kinikilala, at higit sa lahat maalaga, mapagmahal. Bonus na lang yung pagiging maganda niya.

Ok na sana ang lahat pero may konting problema.

Hindi pa nasasabi ni Dad kay mommy na magaling na siya.

We felt guilty for lying to our mom, pero we are also desperate with our plan.

Although our parents agreed that they will not file an annulment at susubukan nilang irekindle yung dating meron sila, hindi pa rin sapat yun para masabing stable na ang relationship nila.

But we'll gonna worry about that later.

Today is Sunday.

And Sundays are the best because it means Quality time with my family.

And mommy is the one who cooks our meals from breakfast to dinner. She even prepares snacks for our afternoon movie marathon.

"Roan, pakitawag na ang daddy niyo para sabay sabay na tayong maglunch."

"Pero mommy, nakasubsob po siya sa trabaho. Pinag aaralan ata yung mga files niya para naman daw alam niya ang mga gagawin kapag papasok na siya sa office on monday." - palusot ni kambal.

That's not true pero kung ano man ang iniisip ni kambal, I'll go with it.

"That's still not an excuse para magpalipas siya ng gutom."

"He's been doing that kahit noong nasa NYC pa po kami mommy. Kapag tatawagin, sasabihin lang niyang susunod na ako pero mom, nakakain na ako at nakahugas wala pa rin siya kaya sanay na po ako."

Napabuntong hininga naman si mommy.

"Mom, kung kayo po kaya ang magtatawag sa kanya, siguradong papakinggan ka nun."
Sabi ko.

;)

"Kung ayaw niyang kumain, e di wag."

"Mommy naman. Wala ka bang care sa welfare ni Daddy?" Tanong ko ulit.

"Matanda na siya alam na niya kung ano makabubuti sa kanya."

"He might need a little reminder." -si Roan.

"At saka mom, won't it be great if salo salo tayo sa pagkain? Weekends na nga lang po tayo may chance na magkasabay sabay e." Dagdag ko pa para maconvince na siya.

Mom rolled her eyes.

"Kayong dalawa, don't ever think I can't  see past those angelic faces. What are you up too?"

"Nothing." Sabay pa sila.

"Aba, at synchronize pa talaga kayong sumagot."

Hindi na lang kami nagkomento pa ni kambal.

"Alright, ako na ang magtatawag baka sabihin pa ng daddy niyo na hindi ko ginagawa ang wifely duties ko." Sabi ni mommy.

Sinasabi ko na nga..hay si mommy talaga. Mahal ka pa rin naman ni dad kahit hindi mo siya pinagsisilbihan.

End of POV

- - - - - - - - - - - -- - - -

Lea's POV

"Aga?" Tawag ko sa may staircase.

Walang sagot.

Unang room mula sa hagdan lang naman ang Study room kaya imposibleng hindi niya marinig ang tawag ko.

I tried again pero wala pa ring sagot.

Napabuntong hininga na lang ako saka umakyat sa hagdan.

When I entered the Study, wala namang tao.

I frowned and tried sa room namin.

And there on couch, tanghaling tapat nakatulog siya.

Lumapit ako at pinagmasdan siya.

Gwapo talaga ang gagong to.

I smiled at hindi ko napigilan ang sarili kong haplusin ang mukha niya.

Then all of a sudden, bigla niya hinawakan yung kamay ko at nagmulat siya ng mata.

My eyes widened because I was caught doing this.

He half smiled tapos mabilis pa sa kidlat na nagnakaw ng halik sa akin.

It was just a smack sa lips pero halik pa rin yun.

Walang hiya, gising pala!

"Sinasabi ko na nga ba, pinagsasamantalahan mo ako kapag tulog ako e." Nakangiting sabi niya.

"I... uhm.. I was just going to wake you. It's lunchtime time."

Think straight, Lea. Wag kang mag stutter. Si Muhlach lang yan.

Oo nga, si Muhlach na hindi ka na maalala at hindi alam na strained ang relasyon niyo.

Pagbigyan mo na.

Hinila ko ang aking kamay na hawak pa rin niya pero hindi niya binitawan.

"Ok. Nagugutom na rin ako e."
Bumangon na siya sa couch.

"Yung kamay ko baka pwede mo nang bitawan." Kaswal kong sabi.

"Ayoko nga."

"Are you really asleep?" Tanong ko habang palabas na kami sa kwarto.

"Buti na lang hindi dahil kung tulog ako, I would have missed the chance catching you watching me sleep." He winked at me.

When he does that, when he kiss me, when he holds my hand and when he looked at me, I can't help but wonder, nagbalik na kaya lahat ng memories niya?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

***
Hindi ako nag enjoy habang sinusulat to pero pwede na rin siguro.. 😅

Wala akong maisip na fluffs.

Sa nagrequest po ng dedication. Ayoko ko pong idedicate ito kasi for me it's not that good, Maybe sa next na lang po. 😊

Pasensya na po sa nagtiyagang basahin to.

-Arlea

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon