Another Episode

678 31 6
                                    

LEA's POV

"MISS LEA!" narinig kong may tumitili sa hallway, paglingon ko si Vice ang kumakaway saka tumakbo palapit sa akin.

Ano bang problema nito?

"Yes?"

"Friends naman tayo, diba? Pwede bang mag guest ka ulit sa GGV?" tanong niya. Kahit naman hindi niya sabihin na friends kami ay papayag ako. Vice is witty and no dull moments. Mas gusto ko siyang kausap kaysa sa ibang TV hosts, no offense pero kung si Vice kasi, napakacomfortable.

"Sure. Basta available ako." sabi ko. While my mind is already checking kung ano kailan ako free.

"Balak kong kayong dalawa ni Kendra Villaverde ang maging guest. Trending ang episode ng The Voice last Saturday. May mga speculations na nagkakainitan daw kayo ni Miss KC." sabi ni Vice.

"Not really. We're just doing what's good for the show." I said.

"Oh! So para sa ratings lang pala iyon. Pero kailan ka ba free para alam ko kung ano ang inenegotiate ko din kay Kendra para sa taping?"

Hindi ako pwede this coming Saturday dahil balak naming mag-anak na dalhin si Kendra sa bahay namin sa Tagaytay to have a peaceful weekend away from everything.


"Monday."


"Sounds good. Thanks, Lei. Kakausapin ko lang din si Kendra. Sana pumayag."

Naghanap ako ng mga interviews ni Kendra sa internet pero bihira lang. I guess, hindi siya mahilig magpainterview. Himala na lang siguro kung pagbibigyan niya si Vice.

✴️✴️✴️

Pagkatapos ng twenty minutes ay bumukas ang pinto ng aking dressing room at pumasok si Vice.


"Anong nangyari?" tanong ko dahil seryoso ang mukha niya. Pero kahit hindi niya sabihin, alam kong negative ang result.

Hindi siya agad sumagot bagkus hinila ang isang upuan at humarap sa akin. And aking make-up artist at stylist ay tuloy lang sa pag-aayos na aking buhok at paglalagay ng makeup.

"Sa una ayaw niya."

"Sa una. So ibig sabihin pumayag din?" tanong ko.

"Oo. Pumayag lang siya noong sinabi kong umoo ka na at nagschedule na sa Monday. Tinanong pa niya kung alam mong dalawa kayong sabay na guest sa isang episode." sagot ni Vice.


Okay naman pala e. Bakit parang nalugi pa siya?


"Matanong ko lang, pang show nga lang ba ang mga bangayan ninyong dalawa sa The Voice? Kasi sa nakikita ko ay palala nang palala ang tensyon sa pagitan niyo a." komento ni Vice.

Tama siya. Seryoso na talaga ang palitan namin ng salita ni Kendra sa bawat taping ng The Voice.


But since tapos na ang Blind Auditions. Hindi na kami masyadong magbabangayan pagdating sa isang artist.

And besides, mukhang magiging magkasundo na kami ni Kendra dahil sa bahay ko na siya umuuwi. Nag-uusap na kami ng normal sa hapag kainan.


Kung alam lang ni Vice na nasa poder ko si Kendra.


Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon