Going Out

2.2K 76 12
                                    


✩✩✩

L

ea's POV

I

t's been three freaking days!!


Ghaaad!! Para akong preso.

I want to go out but my overprotective husband won't let me. Ang boring dito sa bahay lalo pa at nasa school ang kambal at si Aga naman nakasubsob sa kanyang laptop.

Hindi nga siya pumupunta sa opisina niya pero he's working online naman.

Tulad ngayon, naghanda ako ng meryenda niya tapos limang minuto na ang nakalipas hindi pa rin niya ginagalaw dahil abala siya sa pagtipa ng keyboard ng laptop niya.

Kaya ako na kumain.

"Akala ko ba para sa akin yan.." sabi niya nang sa wakas ay mapansin din niya ako.

"Akala ko ayaw mo." Simpleng sagot ko at pinagpatuloy na lantakan ang kanyang snack.

"Ang takaw mo, Babes."

Napailing lang siya tapos bumalik na ulit ang atensyon sa ginagawa.

"Excuse me, hindi ako matakaw. Nagkataon lang na dalawa ang pinapakain ko kaya I need to eat more."

Tumigil ulit siya sa ginagawa at tumigin sa akin.

"
Pagkatapos kong kumain, nilapitan ko siya, "Babes..." sabi ko tapos yinakap ko siya sa likod.

"Hmmn."

"Babes.." sabi ko ulit tapos I kiss his right cheek habang nakayapos ako sa kanya.

"Wow, Lea. Gusto ko yata ang iniisip mo a.." tuwang tuwang sabi niya tapos hinawakan ang kamay ko at tumingin na sa akin.

Nakaupo siya samantalang ako, nakatayo sa likuran niya at nakabend ng bahagya dahil nakayakap ako sa kanya.

"Talaga?" Sabi ko naman.

Ay buti na lang gusto niya. Yehey!

"Oo, tara sa kwarto."

Ha? Anong gagawin sa kwarto?

Bigla ko namang nakuha ang gusto niyang sabihin at napamulagat ako.

"Hoy Muhlach, ang dumi ng isip mo. Manyakis ka talaga. Buntis na nga ako, yan pa ang iniisip mo." Sabi ko sabay kurot sa magkabilang pisngi niya.

"E ano ba gusto mo? May payakap yakap ka pa kasi at pahalik halik, tuloy iba ang naiisip ko." Natatawang sabi niya.


Ayan na naman ang dimples.

Nawawala ang inis ko kapag nakikita ko ang mga dimples sa gwapong mukha niya.

"I-date mo naman ako.." paglalambing ko.

"Ngayon na?" Nakataas kilay na tanong niya.

Tumango ako with paawa-effect.

This is also my way para mailayo siya sa trabaho niya. I know marami na siyang namimiss but I already talked to Charlene and his secretary and thankfully, his business is going smoothly naman pati ang major transactions na dapat si Aga ang gumagawa ang nagiging maayos naman ang kinahihitnan.

Nag-isip muna siya saglit tapos sinulyapan ang ginagawa.

"Marami ka pa bang gagawin?"

"Kung para sayo, wala na akong gagawin." Sabay kindat.

Ayiiee..okay, kinilig ako dun.. hehe

"Tara na, habang maaga pa. Mamayang alas tres ang uwi ni Roan tapos si Rohan daw makikipaglaro muna kaya baka mga seven na yun uuwi. But you know naman your daughter, magtatampo yun kapag wala siyang madatnan dito."

"E di dito na lang tayo sa bahay." Ngiting-asong sabi niya. "Ipagluluto kita."


Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at nilisan siya.

"Babes!" - si Aga.

Nakakabadtrip lang. Ang gusto ko lumabas kami hindi mag-stay dito sa bahay. Kahit diyan sa may kanto lang siguro masaya na ako.

Daig ko pa ang naka house arrest nito.

Nagtungo na lang ako sa kwarto namin at binuksan ang tv at nakahalukipkip na umupo sa gilid ng bed.

Sinundan naman niya ako.

"Babes, di ba pauilit ulit na sinabi ni Doc Ella na mag-ingat? hindi makabubuti sayo kung lalabas tayo."

"Ngayon lang naman at hindi araw araw. Ang sabihin mo ikinakahiya mo ako dahil medyo malaki na ang tiyan ko."

Nakakainis siya, hindi na lang kasi niya ako diretsuhin na ayaw niya kaming lumabas.

End of POV

>>>

Aga's POV

Ang tigas ng ulo ng asawa ko.

Nakakagigil.

Pinagbintangan pa akong ikinakahiya siya? Jusko po naman, kung pwede nga sana irampa ko sa sa harap ng boung mundo para malaman nilang buntis siya at ako ang ama.

"Kahit kailan hindi kita ikinakahiya. At saka proud na proud nga ako kasi magkakaroon ulit tayo ng kambal. Ang inaalala ko lang naman, Babes, ay ang welfare niyo."

"Kaya ikinukulong mo ako dito?" Mataray na tanong niya.

"Hindi naman sa ganun."

"At paanong hindi? Hoy Muhlach, tatlong araw na akong hindi lumalabas ng bahay. Pati mga kaibigan natin nagtatanong na kung nasaan ako."


"Magtwitter ka na lang." Sagot ko. Kung gusto niyang makibalita, may internet naman at saka may telepono.

"Anong maitutulong nun sa akin? E di mas lalo akong maiinggit. Lalo pa at ang daming happenings ngayon na ibinabalita ni Vice." Sagot niya.

E wala na akong masagot dun.

Hay! Kung may asawa ka nga naman na artista. Laging gustong updated.


Parang ako na lang yata ang artistang wa pake sa showbiz nowadays.


"Ah, basta. Lalabas ako ngayon. Makikipagkita ako kay Dawn o kaya ay manonood ako sa Showtime."

Patay na! Desidido na talaga siya.

"Sige na nga. Pero hindi tayo pupunta sa Showtime. Maiistres ka lang. Crowded doon."

Biglang nagliwanag ang mukha niya tapos mabilis akong niyakap ng mahigpit at humalik sa lips.

Smack lang yun pero ang bilis na ng effect sa akin.

"Sige magpapalit lang ako, Babes."

Pinanood ko siyang maghalungkat sa kanyang dresser ng maisusuot.

Ako okay na itong sout ko. Casual wear lang.

"Babes, saan pala tayo pupunta? Para alam ko kung ano ang appropriate na isuot?" Tanong niya.

"Ikaw ba? Saan mo gusto?" Tanong ko pero ang utak ko abala na sa pag-iisip kung saan ko siya pwedeng dalhin.

"Kahit saan, okay sa akin. Makalabas lang ako dito sa bahay." Sabi niya.

.
.
.
Uh-oh!!
.
.
.

Tumingin siya sa akin dahil ilang segundo na akong hindi sumagot.

"Uhmmnn. Just wear something you are comfortable with." Sabi ko na lang.


Shit! Saan ko siya ngayon dadalhin? Pumayag ka pa kasi!

✩✩✩

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon