That's The Way It Is

1.7K 75 10
                                    

AGA's POV


Rohan's winced in pain as he tried to get up thus exerting a little pressure on his swollen foot.

"Thanks for coming, dad." He said when I entered the hospital room.

Napangiwi din ako pagkakita sa nakaratay na katawan ng binata ko.

"Bakit kailangan mong itago ito sa amin, anak?" Mahinahong tanong ko kahit gusto kong bulyawan siya.

"Ayokong maistorbo kayo ni mommy." Ang sagot niya.

"You will never be a disturbance to us, anak. At hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideyang makakaistorbo ka sa amin. Kailan mo pa iniinda ang sakit sa paa mo?" Pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili ko.

"Akala ko rin kasi dad, gagaling din agad kaya hindi ko na sinabi. Nakapagpatingin na po ako sa doctor dati sa tulong ni Tita Vice." Balewalang sagot niya.

"Si Vice ba ang magulang mo, Rohan?" May hinanakit sa nasambit ko. Buti pa kasi si Vice napagsasabihan ng kambal samantalang kami ay hindi.

Kung may pagkukulang man kami bilang mga magulang nila dapat sinasabi nila sa amin para naman maintindihan namin.

"Daddy, please.. desisyon ko po ito. Diba palagi niyo pong sinasabi na maging firm kami sa mga desisyon namin sa buhay. Ayokong sabihin sa inyo ni mommy ang kalagayan kong ito at sana po wag kayong magalit kung yun ang naging pasya ko." Sagot naman niya.

"Pero, Rohan naman. Umalis ang nanay mo na may ganito palang nangyayari sa'yo."

Nakaalis na kasi si Lea kasama si Roan papuntang New York, nagpaiwan si Rohan sa bahay kaya ako lang ang naghatid sa mag-ina ko sa airport, nang tumawag ang kasambahay namin na dinala daw sa ospital si Rohan.

Nagulat ako kasi hindi ko alam na ganito pala kalala ang sitwasyon ni Rohan kaya dumiretso na ako dito sa ospital.

"I'll your mother." I said and started looking for Lea's number on my contact list.

"Dad." Rohan whined but I ignored him. "Dad, I promise that once mommy returns I will be on my best behaviour. Hindi na ako magpapasaway." Mabilis na hiling niya.

"You cannot bribe me with that, Ken. I believe lumaki kang maayos, na pinalaki kang magalang, may disiplina at respeto. You will be on your best behaviour at all times kasi desisyon mo yun at hindi dahil nangangako kang gagawin mo yun para lang hindi ko ipaalam itong nangyari sayo sa nanay mo."

Tumahimik na lang si Rohan at hindi na nagpumilit na wag kong tawagan si Lea.

Pero paano ko nga pala siya matatawagan e nasa loob ng eroplano.

Mamaya na lang.

"I'll talk to your attending physician para malaman natin kung gaano kalala ang paa mo. Na x-ray na ba?"

"Opo." Tipid niyang sagot.

"Good."

...


Roan's POV



"Mommy..." mahinag tawag ko kay mommy. Nakapikit siya pero I know hindi siya tulog.

"What is it?" Tanong niya pero nakapikit pa rin ang mata niya.


"I'm sorry." Wala sa loob nasambit ko.

Biglang dumilat ang mga mata ni mommy tapos tinitigan ako. "Why are you saying sorry?"

Napakaseryoso ng mukha niya. Patay ako nito.

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon