Their Reunion

99 9 1
                                    

Lea's POV


Mula sa airport, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dumiretso agad sa ospital. Sa wakas, natagpuan na si Aga. Dalawang linggo ang lumipas mula nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya, at araw-araw akong nababalisa sa kawalan ng balita. Lahat kami ay umaasa at nagdarasal na buhay pa siya. Pero sa loob ng mga araw na iyon, patuloy din ang pangarap ko na makita siyang muli—buhay at ligtas. Parang sinasakal ako ng takot, at ngayon... andito na ako. Ilang hakbang na lang at makikita ko na siya.





Sabi ni Kendra, may mangingisda raw na nakakita at sumagip kay Aga. Nadala siya sa isang maliit na isla, medyo may kalayuan sa crash site. Sobrang tahimik at malayo ang lugar na hindi man lang ito napansin agad ng rescue operations. Tanging ang mangingisda at mga lokal na naninirahan ang nakaalam ng kanyang kalagayan bago pa man makarating ang balita sa mga awtoridad. Ang mga hinala nila, nagawang makalabas si Aga sa eroplano dahil siya ang nasa exit door, bago ito tuluyang bumagsak sa tubig, dahilan para mapadpad siya sa baybayin.





Pagdating ko sa ospital, naramdaman ko ang bigat ng bawat hakbang ko patungo sa kanyang silid. Sa bawat saglit, parang bumabalik ang lahat ng alaala namin. Kasama na ang huling sandali bago siya umalis—yung mga ngiti niya, ang mga yakap, at ang mga pangako niya. Mabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa pintuan.





"This way please," sabi ng isang nurse na sinamahan ako sa kwarto. Pinilit kong ihanda ang sarili ko para sa maaaring makita. Sabi kasi ni Kendra, may mga pasa at sugat siya pero higit sa lahat, may concussion siya sa ulo. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ito, pero kailangan ko siyang makita. Kailangan ko siyang makasama.





Pagbukas ng pinto, nakita ko si Aga. Naka-gown hospital siya, nakapikit ang mga mata—humihinga, buhay. Hindi ko napigilan ang sarili ko, mabilis akong lumapit sa tabi ng kama niya.





"Aga..." bulong ko habang hinahawakan ang kamay niya. Malamig, pero naramdaman ko ang kaunting paggalaw ng mga daliri niya.





Napaluha ako. Hindi ko mapigilan. Ilang linggo kaming nababalot ng pangamba, at ngayon narito siya, sa harap ko. "Nandito ako, Aga. Andito lang ako. Laban ka lang, ha?"





Sa labas ng silid, nakita ko si Kendra na kausap ang mga doktor. Lumapit ako para magtanong.


"How is he? What is the prognosis?" tanong ko habang pinipilit na magpakalakas.


"He's in stable condition. He regained consciousness earlier this morning, and his vital signs have returned to normal. However, our primary concern remains the head concussion. Based on our initial observations, he's exhibiting early signs of memory loss. Mrs. Muhlach, this is not uncommon for patients with head trauma, especially concussions as severe as your husband's. The brain sometimes protects itself by blocking out memories. In Mr. Muhlach's case, the amnesia could be temporary or... it might take time before he recalls everything, if at all. We'll need to do further tests and therapy," paliwanag ng doktor. "But the good news is that his physical condition is improving. We'll take this one day at a time."


Tumango ako, pilit na inuunawa ang sitwasyon. Memory loss? Paano kung hindi niya ako makilala? Paano kung lahat ng pinagsamahan namin, lahat ng alaala namin ay mawala sa isip niya?


"Kendra, anong sabi ng ibang doktor?" tanong ko sa anak namin.


"Mom, hindi pa rin sila makapagbigay ng tiyak na sagot. Pero sabi nila, malakas naman si Dad. Kaya niya ito. Kailangan lang nating maghintay," sagot niya, pero alam kong tulad ko, nasasaktan din siya sa kawalan ng kasiguruhan. "And besides, nakausap ko na siya. He's good, aside from the memory loss ay wala nang major findings."





Huminga ako nang malalim, pinilit kong tanggalin ang takot sa isip ko. Ngayon ang oras para maging matatag ako—para kay Aga, para sa mga anak namin. Hindi ko hahayaang magtapos ang lahat nang ganito. Nakita ko na siyang bumangon mula sa mga pagsubok dati, at ngayon, gagawin namin ito ulit. Sama-sama kaming lalaban para sa kaniya.





Lumipas ang mga oras na nakaupo lang ako sa tabi ng kama niya. Pinapanalangin ko na sana, bumalik ang mga alaala niya. Sana maalala niya kami—ang pamilya niya. Ngunit kahit anuman ang mangyari, hinding-hindi ako bibitaw. Hanggang sa dulo, ipaglalaban ko ang lahat para sa amin.





***





Nagising ako nang maramdaman kong may gumalaw sa kama. Dumilat ako at nakita ko si Aga, nakatingin sa akin, pero may kakaiba sa kanyang mga mata—parang may halong gulo at pagkalito. Agad akong napaupo nang maayos, umaasang magiging normal ang lahat, na ito ay isa lamang sa mga biro niya tulad ng dati.





"Sino ka?" tanong niya, seryoso ang boses at may halong pagkabalisa. Tumigil ang paghinga ko sandali, hinihintay kong ngumiti siya at sabihing prank lang ito—isang matagal na biro na lagi niyang ginagawa. Pero sa mga mata niya, nakita ko ang tapat na kalituhan.





Hindi ito biro. Hindi niya ako kilala.





"I'm Lea... your wife," sagot ko nang dahan-dahan, pilit pinapatahan ang sarili ko sa kaba. Sa mga salitang iyon, parang tumahimik ang buong mundo, at tumigil ang oras. Naghihintay ako sa magiging reaksyon niya, umaasa kahit kaunti na maalala niya ako, na may maaaninag siyang alaala ng pagmamahalan namin.





"Talaga?" tanong niya, may ngiti sa kanyang mga labi na may halong pagkatuwa. Parang may bumalot na init sa puso ko nang makita ko ang pamilyar na ngiti niya—ang ngiting lagi kong minamahal. May kaunting saya, ngunit naroon pa rin ang kaba. Paano kung hindi na siya bumalik? Paano kung hindi na niya maalala ang lahat?





Pero bago ko pa maisip nang husto, nagdagdag siya ng isang comment na hindi ko inasahan. "You're a bit old to be my wife."





Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko—magtataka ba ako, malulungkot, o matatawa? Napahalakhak na lang ako nang malakas, tila ba hindi ko alam kung paano aayusin ang mga damdaming nagsasalimbayan sa loob ko. Seryoso siya, pero ang tono ng boses niya ay may halong pag-aalala, na parang hindi sigurado kung tama ang sinabi niya o kung may mali siyang nasabi.





Sa kalagitnaan ng tawa ko, pumasok si Kendra, mabilis at halatang nagtataka. "What's going on?" tanong niya, nagmamadali ang mga hakbang.





"Apparently, I'm too old to be your father's wife." Wika ko habang pinupunasan ang mga luha ko.





Kendra rolled her eyes and said, "And apparently, I am too old to be his daughter, too."






Nagtingin-tingin si Aga sa amin nang palipat-lipat, parang nagbabakasakaling magising mula sa isang panaginip. Kita sa kanyang mukha ang kawalan ng kasiguruhan. "I don't mean to be rude, I'm just telling you my observation. And besides, I need proof that you are my wife." Sagot ni Aga. The way na sumagot siya parang walang nangyari sa kanya. Mukhang maayos naman ang pag-iisip niya pero iyon lang walang recognition.





"Alam mo, Dad. Kung hindi lang sinabi ng Doctor na may amnesia baka iisipin kong umaarte ka lang." sabi ni Kendra.





Tumango lang si Aga at nagpakawala ng isang maliit na ngiti, pero mabilis din itong nawala. "I'm sorry," ulit niya, tila napapahiya na hindi niya kami matandaan. Naroon pa rin ang malikot na kislap sa kanyang mga mata, pero iba na ang mundo niya ngayon—isang mundo kung saan hindi niya kami kilala.





Tumango ako, pilit inuunawa ang sitwasyon kahit ang bigat nito sa puso ko. Kasabay ng sakit, ramdam ko ang kaunting pag-asa. Aga is alive. At least, nandito siya. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko mapigilan ang mga tanong sa isip ko: Paano kung hindi na bumalik ang mga alaala niya? Paano kung ang lalaki na mahal ko ay hindi na ako kailanman maalala?





-----end of chapter-----

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon