Unexpected

3.8K 106 8
                                    

Lea Salonga's POV

Blind auditions na ng the voice, andaming nag audition. We've been instructed na ito na yung last contestant. Medyo nakahinga na ako ng maluwag, sumama kasi si Rohan sa taping ngayon at alam kong nabobored na siya sa dressing room. Medyo worried din ako kasi parang hindi siya mapakali kanina.

Ramdam ko na mayroong gustong sabihin si Rohan kanina bago ko siya iniwan sa dressing room pero hindi nito masabi but i intend to find out. Ayokong may bumabagabag sa anak ko kaya aalamin ko kung bakit medyo weird ang mga galaw niya ngayon.

Nagsimula nang kumanta ung last contestant.

First stanza pa lang umikot na yung tatlo.

She's good. Really good. And the voice quality, damn, golden. I can't help it but press the button.

The chair turned in slow motion and then..

I saw her.





Roan's POV


"Are you sure about this Roan?" Kinakabahang tanong ni Rohan, ang aking gwapong gwapong kakambal. Kararating lang namin ni Daddy from airport when I told him na gusto kong dumiretso kay mommy.

Before kami umalis sa New York, nagtapat na ako kay Dad na may communication kami ni Rohan, akala ko magagalit siya pero nagulat ako nung sinabi niyang "it's okay anak, i understand. I also miss them both. Sobra" madamdaming sabi ni daddy.

Uh-huh, mukhang di pa kana move on at parang may feelings pa.

Well, sabagay. Pwede. Kasi hindi nagkaroon ng relationship si daddy kahit maraming umaaligid at nakikipag flirt sa kanya. Mukhang si mommy pa rin ang gusto niya.

I smiled at the thought.

"Uy, bat ka nakangiti?" - Rohan
"Ha, wala may naalala lang ako. Regarding sa concern mo, oo sigurado ako sa gagawin kong ito. Relax, support me okay. And besides Daddy's here."

"Ewan ko sa'yo. Andami mo pa kasing pakulo e,." Rohan said. Natawa naman si daddy na kunwaring nagbabasa ng magazine.

"You sound like your mother, son. Hinay hinay sa pag adapt sa mga traits ng mommy mo."

"Try living with her for five years na kayo lang, hindi pa ba ako maiimpluwensyahan ng sobra?" Sabi naman ni Rohan.

"Look, son. I'm sorry if I gave up easily. I should have fight harder for your mom's forgiveness." Daddy said.

"That's all in the past now Dad, what matters is you are here and you're going to win her back"

"You bet, I will." - Dad

"Before anything else, tara na po dahil sosorpresahin ko pa po si mommy." Sabi ko.

"Alright, pero kapag nawala ka sa tono anak, itatakwil kita."biro ni dad.

"Hahaha. Very funny." Sabi ko na lang.

Sa ganda kong to, itatakwil ako ni dad? Imposible, kamukha ko kaya si mommy. At hindi lang ako ang nagsasabi niyan.

😊

. . . .

'Kinakabahan ako.'

Before ng chorus ng kanta umikot ang tatlong coaches aside from coach Lea..

'Mom, please turn.' I silently pleaded.

I was already on the end of my song when I heard a loud buzz indicating that another chair will turn.

Naghiwayan ang mga tao. I've been told na maganda ang boses ko pero I didn't expect this kind of reception.

Nakita ko ang pag-ikot ng chair ni mommy. Tapos na rin ang aking kanta. Nakakatitig lang ako sa kanya. I can feel that my eyes are starting to form tears pero pinigilan ko.

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon