SOS

1.4K 53 19
                                    

Vice's POV

Pilit kong iniignora ang pagtunog ng cellphone ko. Paano ba naman kasi, ito na nga lang ang araw ng pahinga ko andami pang gustong manggulo.

Baka mamaya, mag-aaya lang sa kung saan saan kung sino man yang tumatawag.

Pagkaraan ng ilang segundo ay tumigil na rin ang tunog. Balik sa pagtulog na sana ako nang bigla na namang tumunog. At dahil sa sobrang inis at marahas akong bumangon at kinuha ang cellphone ko.

Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang tumatawag.

"Hello."

"Vice, is Rohan with you?" Si Lea.

At bakit sa akin hahanapin ang anak?

"No, why?"

I heard some voices and then Lea speak again, "He.. Uhm, we had a little misunderstanding and he left the house without telling where he is going. His mobile is off and all his friends don't know where he went."

She sounded so casual but I know she's extremely worried right now.

Pero ano na naman bang drama to? Una si Roan, ngayon naman si Rohan. Baka sa susunod, sina Mireya at Athrun naman. Tapos sasabayan pa ni Aga.

"Uuwi din yun. Ano ka ba Lei. Parang di mo kilala yang anak mo. Napakabait na bata nun, hindi yun magtatampo ng matagal." Sabi ko na lang para maibsan ang pangambang nararamdaman niya.

I heard Lea sighed.

Naku, mukhang hindi ito basta bastang away lang.

"Bakit ba kasi naglayas?" Medyo kinakabahan na rin ako para kay Rohan. Kung may konti man silang hindi pagkakaunawaan ng nanay niya, tatawagan naman ako at hihingi ng payo tapos maglalambing na yun sa nanay niya at okay na ulit sila. Pero parang iba to ngayon.

"Napagbuhatan ko siya ng kamay." Pag-amin ni Lea.

A oh! Yun naman pala. E kahit naman sino masasaktan sa ganun. Lalo na si Rohan. Sobrang mahal pa naman ng batang yun ang nanay niya.

"Lei, sakaling pumunta dito yung bata, itatawag ko agad sayo and don't worry, magpapatulong din ako sa mga kaibigan ko at sa iba pang kaibigan natin."

"Salamat, Vice."

"Anytime, Lei. Alam mo namang parang pamilya na ang turing ko sa inyo. O siya, at tatawag pa ako ng reinforcement."

⭕⭕⭕

If there is one thing na hindi alam ng mag-asawang Muhlach tungkol sa binata nila, yun ay ang pagkakaroon nito ng isa pang contact number.

At alam ko ang numerong yun. Paano? Simple lang, ako ang nagbigay e. 😁

Inaasahan ko na unreachable ang number na yun pero laking pasasalamat ko nang sumagot si Rohan.

"Hoy, ikaw na bata ka, nag-aalala na sayo ng sobra sobra ang nanay mo. Gusto mo ba siyang patayin sa pag-aalala?" Agad kong sabi.

"You don't know what happened, Tita Vice. And if I know, baka nga pinagdarasal na nun na sana hindi na ako bumalik para hindi na mabunyag ang malagim niyang sekreto."

Wow? Anong sekreto yun? Wala kayang sekreto ang naitatago sa barkada. O baka naman alam nang iba pero ako lang ang huli na sa balita.

"At ano namang sekreto yan?" Patay malisya kong tanong.

"You won't believe it, Tita."

"Try me." Panghahamon ko. Siguro malaking eskandalo ito para magkaganito ang responsableng bata na ito.

"You'll find out soon. Baka nga alam mo na e hindi mo lang sinasabi. But even if that is the case, I won't blame you."

"Teka nga, masyado na akong naguguluhan sa mga pinagsasabi mo.  At pinagbibintangan mo pa ako. Pwede bang pumunta ka dito sa bahay at pag-usapan natin yan?"

"No, I am off to see someone."

"Rohan, walang patutunguhan ang pagrerebelde mo.  Umuwi ka na."

"Who says na nagrerebelde ako?"

Wala nga namang nagsabi pero hello?  Anong tawag niya sa ginagawa niya ngayon?  Playing?

Hide and seek?

Na naman? Akala ko sa magulang lang ang larong yun pati pala sa anak. Tsk. Tsk.

"

Nasaan ka ba? Pupuntahan kita."

"I'm going to the hospital."

"Anong gagawin mo sa ospital? Napano ka ba? Parang sinampal ka lang ng mommy mo, ipapacheck up mo na agad? Wow, natanggalan ka ba ng ngipin?" Hindi ko na napigilan ang mang-asar.

Pero mukhang nakasama yata kasi hindi na nagsalita pa si Rohan. Kung dati, may witty retort din siyang sasabihin, parang nanay niya pero ngayon, total silence.

"Uy, anak, biro lang yun. Andiyan ka pa?"

Napabuntong hininga si Rohan. "So she told you about it."

Oops. Mali talaga ang nasabi.

"Ano ba kasi ang pinag-awayan niyo para humantong sa ganun? I had never seen your mom lose control before. Poised pa rin kahit inis na inis na."

"It's a long story. I have to go."

"Wait lang!" Napasigaw kong sabi wala na.

Agad akong nagtext kay Lea na pupunta sa ospital ang anak niya. Yun nga lang hindi ko alam kung saang ospital papunta ang batang yun. Mukha namang uninjured but we can never be so sure.

Pero sino naman kaya ang pupuntahan niya sa ospital? Hmmn. Baka may kaibigan siyang dadalawin. Siguro naman dapat nang clue yun para malaman nila kung nasaan ang binata nila.

Rohan can take care of himself. He is too smart to fall in the wrong ways.

As for me, tulog na muna ako. 😂😂

✴✴✴

Rohan's whereabouts is revealed in shesinvincible 's SWITCHED.

Thank you Hya for the crossover. If you don't mind, I want to borrow Czar too in this story.

😊😊😊

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon