War Commenced

880 42 9
                                    

ROAN'S POV

My heart is pounding for the inevitable face-off with Georgia and Fara. I already know the purpose of their visit but I was not ready for this yet.

And I think I will never be ready.

The unwanted guests sat comfortably on the sofa as if we are the ones who are asking favor.

I went down the stairs as both mom and dad looked at me with serious expressions.

Pagbaba ko ay hinila ako ni Mommy. Hindi marahas pero hindi rin banayad. Her firm grip speaks of controlled anger. And I only hope na hindi sa akin nakasentro ang galit niya.

"This is my daughter, Roan Kyra. Kahit saang anggulo tingnan, nagmana sa asawa ko. And her cystal clear voice is definitely comes from my genes. So if you are telling me that this young lady here is my real daughter, do you have a proof?" Mommy's stern voice somehow gives me confidence as I face these people.

"Ma'am, mahirap pong paniwalaan pero totoo po ang sinasabi ko. Kung gusto po ninyo ay pwede pong magconduct ng DNA test para malaman niyo ang totoo." giit ni Aling Fara.

"Aling Fara, ang mabuti po umalis na lang po tayo. Hindi rin naman nila tayo papaniwalaan kahit anong sabihin natin. Ang mabuti pa po ay kakalimutan ko na lang na may mga magulang ako. Iisipin ko na lang na ulila na lang talaga ako." mangiyak iyak na sabi ni Georgia.

Hindi ko alam na ulila na pala si Georgia. Pero dahil nag-aaral siya sa isang prestigious school, malamang buhay pa mga magulang niya. Kasi kung hindi, sinong nagpapaaral sa kanya?

"Hindi, Georgia. Bakit kailangang magdusa ka kung andito naman ang mga magulang mo." giit pa rin ni Aling Fara.

Ano kaya ang relasyon ng dalawang ito?

"Ito ay mga dokumento na nagsasaad ng mga detalye noong ipinanganak ang kambal ninyo." Sabi ni Aling Fara sabay lahad sa isang brown envelope na mukhang pinaglipasan na ng panahon.

"Andiyan lahat ng pictures ng mga batang isinilang ng araw na iyon. Pati mga birthmarks ay makikita diyan."

"Pictures? How dare you took photos of my children! That is illegal and I could sue you for that." nanggigigil na sabi ni Mommy.

"Alam ko po na mali pero as a nurse na nagsisimula pa lang, gusto kong irecord lahat ng mga experiences ko." paliwanag ni Aling Fara na para bang tamang justification na iyon sa ginawa niya.

"Both of you, get out of our house!" dumadagundong na utos ni Daddy.

In all my seventeen years. I never heard him yelling like this... looking like madman. Like anytime he could kill a person.

"Aalis kami. Nasa inyo na ang pagpapasya. Pareho kayong iginagalang na personalidad sa media. Siguro alam niyo naman ang makakabuti sa inyo." tila may pagbabanta sa tinig ni Aling Fara.

Palabas na sila ng bahay nang mapalingon si Georgia. Umiiyak na siya na para bang sumisigaw ng pagmamakaawa kina mommy at daddy.

Pero nang mapatingin sa akin ay napalitan ng galit at pagkamuhi ang kanyang itsura.

Georgia and I were friends. Mabait siya. Maalalahanin at higit sa lahat ay mapagmahal na kaibigan.

Hindi ko lubos akalain na nakipagkaibigan lang siya sa akin para mapalapit kina mommy at daddy at nang sa ganun ay makuha niya ang buhay na meron ako.

Pagkaalis ng dalawang panauhin ay saka lang kinuha ni mommy ang envelope at dinala sa kusina. Sumunod naman si Daddy kay Mommy.

Ako hindi ko alam ang gagawin. Pero nagpasya akong sundan din ang mga magulang ko.

Nakita ko si Mommy na sinisindihan ang envelope hanggang nasunog ito at naging abo.

"Babes.." mahinang pagtawag ni Daddy.

"Contact our lawyer." mahinang utos ni mommy. "I cannot let anyone do this to us and get away with it. My daughter will not suffer this kind of treatment from despicable people."

Niyakap ni Daddy si Mommy. Alam ko maging si Daddy ay nagpupuyos din ang damdamin.

I am moved by this. Dahil ipinagtatanggol ako ng mga magulang ko. But what if, in the end, malaman nilang I am not really their daughter? What if?

Sa sobrang pangamba sa maaaring posibilidad na mangyari ay napatakbo ako sa aking kwarto at dito humagulhol.

"Kambal? Can I come in?" that's Rohan. Buti pa siya walang masyadong alalahanin sa buhay. Some way some how, naiinggit ako kay Rohan. For those years na hindi ko nakasama si Mommy ay tanging si Rohan ang naging kaaliwan ni Mommy.

Rohan opened the door.

Umupo siya sa bed ko habang ako ay nakaupo sa sahig yakap yakap ang aking mga tuhod.

"I heard everything." He started. "Nakakatawa sila. In fairness, Georgia can act so well."

Can act so well...

My parents our both talented actors. And unfortunately, I cannot act...so well.

Lalo akong napaluha. "Don't you think that since Georgia can act so well, ay maaaring siya ang kakambal mo?" tanong ko kay Rohan.

Tumawa si Kambal at nalito ako sa naging reaction niya.

"What's so funny?"

"Ikaw. Nakakatawa ka din. Nagpapaniwala sa sinasabi ng mga iyon?" sabi ni Kambal.

"Bakit ikaw? Hindi ba?"

"Kambal naman. Why should I believe them? Pupunta sila dito claiming that you are an imposter and provide proofs which aren't even reliable. Mommy burned those papers because they aren't true."

Natahimik ako. I promised myself that I will also not believe them pero ano itong ginagawa ko ngayon.

"Kambal tayo diba? Don't you think hindi ko mararamdaman kung sino ang kakambal ko?" Rohan smiled reassuringly. "You are my twin. Kahit ako na lang paniwalaan mo."

Rohan left after giving me a hug.

When I was left alone, I wiped my tears and stared angrily at myself on the mirror.

"I am my parents' daughter. I will not let anyone bully me this way. Kung kailangang lumabas ang pagkamaldita ko, then so be it. Humanda sila sa akin."

With revenge set on my mind, I started to plot something to get even with Georgia. I should not be doing this, but they asked for this.


---000---

A/N: Samahan niyo po si Rohan sa kanyang paghihiganti. Char! 😅

Til next time po. Salamat po sa patuloy na pagsuporta.Godbless.

Parent TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon