Inis akong nakaupo sa kotse ko habang nagda-drive. Isang oras na akong stuck sa kahabaan ng EDSA sa tapat ng Trinoma. Halos hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Pero pinakalma ko lang ang sarili ko. December ngayon, may Christmas rush. Okay lang 'yan, Chelle. Nakapaghintay ka nga ng limang buwan para makauwi ng Bulacan. Ano ba naman 'yung 4-5 hours ng biyahe di ba?
Pero pagod na talaga ako. Masakit na 'yung katawan ko dahil na rin sa ginawang shoot kanina. Ang daming ganap ng clothing line na 'yon ha! Pangiti-ngiti lang ako sa camera pero gusto ko nang humiga kanina sa sahig.
Nagpatugtog na lang ako para hindi ma-bore. Mahirap na, baka mamaya makatulog ako at madisgrasya. Puhunan ko 'yung flawless skin ko sa pagmomodel, hindi pwedeng magalusan, kundi yari ang income natin.
Remember the first day when I saw your face?
Remember the first day when you smiled at me?
You stepped to me and then you said to me
I was the woman you dreamed aboutNapatigil ako sa pagdadrum sa manibela nang marinig ko 'yung kanta. Bigla akong bumalik sa isang classroom kasama ang isang chinitong binatilyo na tawa nang tawa habang nagwawalis dahil kumakanta ako ng Brown Eyes nang sintunado habang nagbubura ng sulat sa blackboard, with matching kulot-kulot pa.
Napangiti ako sa alaala na 'yun. Ang simple pa ng buhay, wala pang masyadong iniintindi kundi pag-aaral. Ang saya noon. Hindi naman sa hindi ako masaya ngayon. Nakuha ko ang dream job ko, may sarili na ring sasakyan, at nabigyan ng bahay ang mga magulang ko.
Pero minsan, may mga hinahanap pa rin talaga ako.
Tinigilan ko na ang pagsesenti ko at kinuha ang phone ko sa driver's seat. Nagbrowse muna ako sa social media at nakita kong may notification ako. Mayroon akong memories para sa araw na ito. Nakita ko ang post ko 10 years ago. Post iyon na ni-reshare ko bilang advanced Merry Christmas greeting sa isang long-distance friend.
Nakaakbay siya sa akin, nakangiti at basang basa kaming pareho sa ulan. Naka-PE uniform kami at gulong gulo ang buhok dahil katatapos lang ng foundation day, February ng taong iyon. Ito na 'yung panahong mas tumangkad na siya kaysa sa akin.
Iyon din ang huling taon na magkasama kami.
Napangiti rin ako. Kumusta na kaya siya? Naabot naman na niya ang mga pangarap niya, ganoon din ako. Sana lang masaya siya.
Napabalikwas ako nang makarinig ako ng busina sa likuran ko. Umaandar na pala 'yung traffic. Binitawan ko ang phone ko at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Ano ba 'yan sa gitna pa kasi ng traffic nag-emote.
Napabuntong hininga na lang ako pagdating ng bahay. Sa wakas, nakauwi rin. Limang buwan kong hindi nakita sina Mama at Papa dahil sa hectic na schedule—ni hindi ko magawang umuwi kahit man lang minsan isang buwan. Buti na lang talaga pinayagan akong mag-leave sa buong second half ng December. Mahal ko trabaho ko pero hello, kailangan ko rin mag-unwind minsan 'no.
Pagdating ko sa may pintuan, narinig ko ang mga pagpatong ng pinggan sa mesa. Hindi pa ba sila kumakain? Tumingin ako sa relo ko at magaalas-diyes na.
"Mommy, Papi, nandito na po ako!" Sabi ko sa pinakamasiglang tono na kaya ko.
"Chelle, anak! Buti naman nakarating ka na. Halika kain muna tayo," sabi ni Mommy sa akin na mukhang sobrang excited. 'Di ko naman masisi. Ang tagal kong wala sa bahay.
"'Di pa kayo kumakain, Mi? Anong oras na ah?" sagot ko pero umupo na rin sa may hapag.
"Kumain na. Pero may dumating na bisita."
"Mi, ako lang 'to. Alam kong gumanda ako pero 'di naman ako bisita," sabi ko habang akmang kukuha ng... ano ba 'to? Wait, kimbap ba 'to?
"Kailan pa kayo nahilig sa Korean food? O pinaghandaan niyo talaga ang pag-uwi ko," tanong ko dahil mahilig talaga ako sa Korean cuisine.
"Ah eh... paano ko ba sasabihin to. Teka. Papi! Lumabas na kayo diyan! Nandito na 'yung anak mo!"
Grabe si Mommy parang may loudspeaker 'yung lalamunan. Pero wait, "kayo"? May bisita nga?
"Oo teka nandiyan na!" Narinig ko si Papi sa may kusina. Lumabas siya kasama ang isang plato ng kimchi, pero hindi lang iyong ang tangay-tangay niya.
Sa likod ni Papi, may lumabas na isang matangkad na lalaki, chinito na may dark brown na buhok na medyo tumatakip sa mga mata niya. Nakasuot siya ng apron at may dala-dalang plato ng rice cakes.
Napanganga ako nang makilala kung sino siya. Kumurap-kurap pa ako kasi baka nananaginip lang ako o baka sobra lang ako sa pagod. Pero hindi.
Mas nag-mature ang mukha, mas tumangkad, lumapad ang mga balikat, lalong gumwapo pero hindi ako nagkakamali. Siya 'to.
"Jisung?"
"Hi Chelle. Olen-maniya. Kumusta?"
--
Whipped na rin ako kay Park Jisung sa totoo lang. Stream HOT SAUCE! https://www.youtube.com/watch?v=PkKnp4SdE-w
Mwah!
-Annederrated
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...