Masakit ang ulo ko pagkagising. Hindi naman ako lasing pero hindi kasi ako nakatulog kagabi.
Kagabi. Nasapo ko 'yung ulo nang maalala kung ano 'yung nangyari.
"Ang rupok rupok mo, Trichelle Ann!" Sabi ko habang sinasabunutan ang sarili ko. Nasa ganoong sitwasyon ako nang pumasok si Aira sa kwarto.
"Huy, babae. Ang aga aga bakit parang nababaliw ka diyan?" Napansin kong nakasuot na siya ng t-shirt at maong shorts. Mukhang ready na ata siyang umalis.
"Wala, wala," ang nasabi ko na lang bago bumangon para pumunta sa banyo. Baka mahimasmasan ako kapag nakaligo. Pagkapasok ko ng banyo, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
"Pambihira ka naman, Chelle. Tagal mong pinigil 'yung feelings mo. Sabi mo 'di ka bibigay di ba? Anong nangyari? Bakit naman ganoon? Ano aamin na lang tayo nang ganon? O, pano natin babawiin 'yung sinabi mo kagabi?" Tinuturo ko pa ang sarili ko sa salamin. Bumalik sa akin ang nangyari kagabi.
Inilapat ni Jisung ang labi niya sa akin. Parang sasabog 'yung puso ko nang maramdaman ko ang labi niya. Maingat lang na gumagalaw si Jisung, sinisigurado na hindi ako mabibigla. Naramdaman kong medyo lumalalim na ang halik, nauubusan na rin ako ng hininga. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong pwesto. Basta ang alam ko lang ay napakapit ako sa balikat niya. Nang mapadiin ang hawak ko, doon na siya tumigil.
Inilayo niya ang labi niya sa akin nang bahagya bago ako tingnan sa mata. Madilim ang paligid pero kita ko ang mga mata niyang sa akin lang nakatutok. Hinalikan niya ako sa noo bago tuluyang bumangon. Pareho kaming umupo at magkatabi. Walang nagsasalita.
Wala na bang i-aawkward pa 'to?
Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hatakin pabalik. Bumulong siya malapit sa tainga ko at kinilabutan ako.
"You told me you don't want this. You told me we're over. But I think your kisses say otherwise," sabi niya at saka hinalikan ang punong tainga ko.
Sa sobrang gulat ko, natulak ko siya at bigla akong tumayo. Hawak ko ang tainga ko dahil pakiramdam ko nandoon pa rin ang hininga niya. Nagkabulol bulol pa ako nang kausapin siya.
"Ano bang sinasabi mo? Lasing ka talaga. Matulog ka na nga. Kung ano ano nang lumalabas sa bibig mo."
Hinawakan niya ang kamay ko bago pa man ako makaalis. "You still love me, don't you?"
Pwede naman akong magsinungaling. Pwede ko namang sabihing nadala lang ako sa sitwasyon. Pero hindi ko na talaga magawang magtago. Ilang taon akong nagpigil. 'Yung pagbabalik niya, sabi ko magiging malakas ako para itanggi ang nararamdaman ko. Pero bakit ngayon, nagkaganito?
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Siguro inisip kong lasing siya kaya baka 'di niya rin 'to maalala. Bahala na.
"Oo, Jisung. Hindi nagbago. Mahal pa rin kita."
Ngumiti siya bago halikan ang kamay ko at bitawan ito. Humiga siya at itinakip ang braso sa mga mata. "I know," sabi niya bago tuluyang natulog.
'Yun lang ang tumatakbo sa isip ko hanggang matapos akong magbihis. Naglagay lang ako ng lip at cheek tint bago tuluyang lumabas ng kwarto. Bakit ako kinakabahan?
Nagpaalam si Aira na mauuna na dahil may kailangan pa siyang bilhin para sa Media Noche nila. Si Jason naman, tulog pa. Naabutan kong kumakain ng cereal si Jisung sa may countertop.
"Good morning," bati niya sa akin na siya namang nginitian ko. Naramdaman kong namula ang mukha ko nang makita siya. Napakamot siya sa batok at 'di rin nakatakas ang pamumula ng tainga niya sa akin.
Nasa tabi niya ang box ng cereal kaya wala akong nagawa kung hindi lumapit sa kanya. "Ano, kunin ko lang," page-excuse ko.
Bigla siyang napalingon sa akin. Magkalapit ang mga mukha namin. I'm wide-eyed while looking at his eyes, na siya namang bumaba papunta sa mga labi ko.
"Anong pagkain?" Bigla kaming naghiwalay nang dumating si Jason na nagkakamot pa ng tiyan.
"O problema niyo? Kayo ha. May ginawa ba kayong hindi maganda?" Sabi ni Jason na kumuha ng tubig sa ref.
Wala sa loob na napahawak ako sa labi ko. Bigla namang naubo si Jisung.
Shocks mukhang naalala niya ata lahat? Pati 'yung confession ko?
Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang magsalita si Jason. "Chelle, pwede bang pasabay na lang muna si Jisung sa 'yo? Masakit kasi ulo ko hindi ako makakapagdrive. Sinundo ko lang siya kahapon eh. Kayo muna bahala dito. Tutulog lang ako. Ayoko nang uminom."
Napatingin ako kay Jisung na namumula pa rin ang mga tenga.
What?
Nasa kalagitnaan kami ng traffic pabalik sa subdivision namin. May ginagawa kasi atang kalsada. 30 minutes na ata kaming ipit dito ang 30 minutes na rin kaming awkward ni Jisung sa isa't isa. 'Di ko na kinaya kaya nagsalita na ako.
"Jisung—"
"Chelle—"
"Sige, Jisung, ikaw muna."
He cleared his throat. "Okay. I've been told that when I'm drunk I... I kiss people." Hinawakan niya ang batok niya samantalang ako ay humigpit ang hawak ko sa manibela.
"Tapos?" Naiinis na ako kasi, ano dahil lang lasing siya kaya niya ako hinalikan?
"Did I, you know?"
"Kung hinalikan mo ko?" Namula 'yung mga tenga at pisngi ni Jisung.
"Gosh, kung di ka pala lasing, 'di mo ko hahalikan no?" Bulong ko.
"What?"
"Wala."
"So hinalikan nga kita?"
Natawa lang ako nang sarcastic bago ako humarap sa kanya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Grabe 'no. Sa dami siguro ng nahalikan mo pag lasing ka, nakakalimutan mo na lahat," sabi ko at itinuon na lang ulit sa daan ang mata ko. Napakatagal namang umusad ng traffic na 'to para makauwi na kami.
"So I did kiss you. That wasn't a dream," sabi niya bago ngumiti nang nakakaloko.
"Anong nakakatawa ron?"
"I remember everything from what I thought was a dream."
"Tapos?" Muli akong humarap sa kanya.
"You told me you still love me. Nakalimutan mo na ba? Ikaw ata 'tong lasing kagabi eh," sabi niya na humarap din sa akin.
Ibinuka ko ang bibig ko pero hindi ako nagsalita. Syempre paano ko ba babawiin 'yon?
"Ano naman?"
"'Wag mo kong daanin sa pagsusungit mo. 'Di mo na mababawi 'yon."
"Oo na nga. Mahal kita," sabi ko na lang habang nakatingin pa rin sa kanya. Siya naman 'tong 'di nakapagsalita. Pero unti-unti ring ngumiti.
Sa wakas umandar na rin ang traffic. Makakauwi na rin.
Pagkapark ko ng kotse sa may garahe namin, bigla ulit siyang nagsalita.
"Chelle. Just so you know, kahit hindi ako lasing, hahalikan pa rin kita," nilingon ko siya at nagulat ako nang malapit na ang mukha niya sa akin. Natameme na naman ako.
"Tulad ngayon. Shake your head if you don't want to." Pero nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niya.
Ngumiti lang siya at inilagay ang kamay niya sa pisngi ko bago ako halikan.
Pagkababa namin ng kotse, sakto namang lumabas sina Mommy at Papi.
"Jisung! Sa 'min ka na magbagong taon mamaya ha!" Sigaw ni Papi.
"Sige po Tito. Thank you! Tita, Chelle, uwi muna ako," sabi niya at kinindatan pa ako.
Nalintikan na talaga.
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...