CHAPTER 1

18 0 0
                                    

"Hoy Jason! Hindi pa tayo tapos maglaro! Ang hina neto!" sigaw ko sa kalaro ko. Uwian na. Ibig sabihin, oras na para maglaro. Tinanggal ko lang ang necktie ko at saka nakipaghabulan na sa mga kaibigan ko.

"Pagod na ko Chelle. Grabe parang di ka nalolowbat. Tao ka pa ba?" Sabi ni Jason na hingal na hingal.

"Hindi. Gusto ko pa maglaro."

"Chelle uwi na tayo. Nandyan na rin service ko eh," sabi ni Aira.

"Ano ba 'yan. Sige na nga bukas na lang," sabi ko. Unti-unti na silang umaalis at umuuwi. Pero ako hindi muna. Malapit lang naman ang bahay sa school. Literal na 30 hakbang lang, nasa bahay na ko. Kaya hindi muna ako umalis. Pinapanood ko muna 'yung mga high school students na nagpapractice para sa kanya-kanyang performances. 3:00PM pa lang naman.

Umupo ako sa may waiting area. Habang nagpupunas ng pawis, doon ako nakarinig ng umiiyak malapit sa akin.

At doon ko na nga nakita ang isang batang lalaki na nanginginig ang mga balikat kakahikbi. Lumapit ako sa kanya. Dahil nakayukyok siya sa mesa, kailangan ko pang tapikin ang balikat niya para malaman niyang nandoon ako.

Nagulat siya at napausad nang kaunti. Para siyang takot na tumingin sa akin, may luha pa at sipon ang mukha. Napansin kong sobrang singkit ng mga mata niya. Paano kaya kapag namaga pa 'yun?

"Bata, bakit ka umiiyak?"

Nakatingin lang siya sa akin at hindi gumagalaw. Kumikibot-kibot pa rin ang labi dahil sa pag-iyak.

"Uy, sabi ko bakit ka umiiyak," tanong ko ulit. Nakakarinig kaya siya?

Nag-panic ako nang lumakas lalo ang pag-iyak niya at saka may naalala. May transfer student nga pala sa kabilang section. Foreigner daw pero 'di ko maalala kung taga-saan. Mukhang siya 'to ah. Kasi parang ngayon ko pa lang siya nakita.

Ano ngang pangalan daw sabi ni Chris? Jisoo? Jingki? Jini?

Wait, wait. Jisung? Jisung nga!

"Jisung 'di ba?" Hindi ko sigurado kung naintindihan niya ako pero dahil siguro narinig niya ang pangalan niya, tumango siya.

"Bakit ka nga, ay este, why are you crying?" Buti na lang talaga nakikinig ako kay Ma'am Lardizabal. Kung 'di mahihirapan akong makipag-usap dito.

"I miss my friends. Nobody is talking to me here," sabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya nang magsimula siyang umiyak ulit.

"Jib e ga go sipeo," sabi niya at lalo pang umiyak nang sobra. Napansin kong tiningnan kami ng mga high school na nasa quadrangle. Nagpanic ako, baka akalain nila bully ako ah. Eh, oo bully ako pero sa mga kaibigan ko lang. Di ako nang-aapi ng mga 'di ko kilala.

Nang di ko malaman kung paano 'to patatahanin, kinuha ko ang bag ko at sinukbit 'yun sa likod ko. Kinuha ko ang kamay niya at pinatayo siya. Ang liit niya. Hanggang tenga ko lang ata siya.

"Tara," aya ko at hinila ang kamay niya.

Hila-hila niya ang de-gulong niyang bag, sumunod siya sa akin. "Where are we going?"

"Eat something yummy," sabi ko. Sana naintindihan niya yon. Nagsimula kaming maglakad papalabas ng school papunta sa bahay. Alam kong nandoon pa si Mommy at tiniran niya ako ng turon niyang tinda. Naabutan ko si Mommy na kausap si Lola Lucy, 'yung nakatira sa tapat ng bahay namin.

"Mommy! Hello po Lola Lucy. May kasama po ako," sabi ko sabay turo ko kay Jisung. "Si Jisung po mama."

"Jisung? Oh no. I told you I will pick you up! Hala Magaalas kwatro na pala. Napasarap kasi ang kwentuhan natin." Sabi ni Lola Lucy.

"Kilala niyo po siya, Lola?"

"Anak, siya 'yung apo ni Lola Lucy na lumipat nung nakaraang linggo. Bakit naman umiiyak? Pinaiyak mo ba? Sabi ko sa 'yo wag kang mang-aaway 'di ba?" Sunod sunod na tanong sa akin.

"Mommy! 'Di ko po siya inaaway! Kinaibigan ko nga po siya kasi umiiyak siya mag-isa sa waiting area! 'Di ba tama naman 'yon?" Sabi ko.

"Mitch, okay lang. Nakakatuwa nga at may naging kaibigan na si Jisung. Mula nang pumunta 'yan dito wala nang ginawa kundi umiyak kasi namimiss daw niya ang mga kaibigan niya sa Korea. Salamat, Chelle ha. Buti na lang ikaw ang nakasama ni Jisung ko," sabi ni Lola na siya namang ikinangiti ko.

"Pwede po ba siya pumunta sa bahay? Kakain po kami ng turon para sumaya siya."

"Oo naman!" Lumingon si Lola Lucy kay Jisung na tahimik pa ring nakatingin sa amin.

"Mommy, pwede naman po 'di ba?" Tumango si Mommy nang nakangiti. "Sige na pumasok na kayo at maghahanda ako ng meryenda."

Bumulong si Lola Lucy kay Jisung.

"Okay, Halmeoni," sabi ni Jisung. Napatalon at napapalakpak. Hinila ko bigla si Jisung papasok sa bahay at iniwan na namin ang bag niya kay Lola Lucy.

"Dito ka nakatira?" Nagulat ako nang magFilipino si Jisung. "Hala nagtatagalog ka naman pala. Nahirapan pa akong mag-english kanina."

"Eomma taught me. She's Halmeoni's daughter. But I still can't speak well. I can only understand," sabi niya habang nakatingin sa akin na 'di alam ang gagawin.

"Ah okay. Sige, upo ka muna diyan," turo ko sa isang upuan sa may dining table.

Maya-maya ay pumasok si Mama na may dalang turon at ice cream. Kinain namin 'yun ni Jisung. Nang matapos, inaya ko siyang maglaro.

"Tara luksong baka tayo."

"What's luksong baka?"

"Basta ituturo ko na lang sa 'yo. Pero uwi ka muna tapos palit ka ng damit," sabi ko sa kanya.

Naglaro kami ng luksong baka, piko, nanay tatay hanggang lumubog ang araw. Tumigil lang kami nang tawagin na ako ni Mommy kaya pinauwi ko na rin si Jisung. May ibang araw pa naman para maglaro kami.

Nang papasok na ako sa bahay, tinawag niya ako.

"Thank you for playing with me, chingu. It means friend in Korean," sabi niya habang kumakaway para magpaalam.

"Uy ang galing. Okay. Salamat din, bagong chingu," ngumiti ako at tuluyan nang umuwi ng bahay.

--

Skl yung childhood sweetheart ko, huli kong nakita graduation pa ng Grade 6 kami. Sad. Haha. La lang. Sana naenjoy niyo tong chapter!

-Annederrated

Coming HomeWhere stories live. Discover now