"So how was your field trip?" bungad ni Ian sa akin pagkapasok ko sa kanya sa hotel room ko.
Natawa ako. "Baliw."
"Ang damot. Ayaw mag-share ng details?" Kumuha siya ng upuan at umupo, nasa harapan niya ang sandalan.
"It was great. Doon na ko nagpalipas ng gabi. And I also met his co-members."
"Oh so you were there. Overnight?" Ngumit nang nakakaloko si Ian.
"Shut up. Nothing happened okay?" Pero pinamulhan ako ng mukha.
"Wala naman akong sinabi. And why are you blushing?" Sabi sa akin ni Ian na lalo pang nang-aasar ang mga ngiti.
"Ewan ko sa 'yo. Anyway, anong sinabi mo kina Leana? 'Di ba sila nagtaka kung bakit wala ako?"
"Nagtanong sila. But I just said you've met with a childhood friend and last minute na magoovernight ka sa kanila. Hindi naman na sila nagtanong ulit."
"Thank you for everything, Ian. I—I appreciate it."
Ngumiti siya. "I told you I'm rooting for you. It's been years and it's still Jisung for you and you for Jisung."
"You're a great guy. Sana mahanap mo rin ang para sa 'yo. Sabihin mo lang sa akin kung kailangan mo ng tulong," ngisi ko sa kanya nang makahulugan.
Natawa siya at nagpangalumbaba. "I'll keep that in mind. Anyway, mag-ayos ka na. We have a fashion show to attend."
Buong stay ko sa Seoul, hindi na ulit kami nagkita nina Jisung o ng iba pa niyang mga ka-miyembro. Nag-uusap na lang kami via video chat dahil gets ko naman na kailangan nilang magpractice pa nang magpractice dahil pinopromote nila ang bago nilang album. Nakakaproud kasi nagbebreak sila ng records. Hanggang dumating na ang Friday at kailangan na naming bumalik.
Bandang alas-kwatro ng madaling araw, papunta na kami sa airport. Nagsuot lang ako ng black pants, black t-shirt, white coat, at brown na boots. Nag-book kami ng dalawang sasakyan dahil nagkaroon ng problema sa shuttle namin. Kasama ko si Ian at nasa kabilang ride naman sina Leana.
Pagdating namin, biglang may tumawag sa akin. Nagulat ako nang makitang nasa caller ID si Jisung. 4:30 pa lang, gising na siya? Alam ko their practice starts at 8. Sinagot ko.
"Jisung?"
"Chelle, where are you?"
"Papasok na ng airport. Bakit? Ang aga mo namang tumawag."
"I'm at the airport," narinig kong sinabi niya sa akin ang location niya pagkatapos at ibinaba na ang phone.
"Love emergency, Chelle?" tanong sa akin ni Ian pagkababa ko ng telepono mula sa tenga ko.
"Uh, could you maybe..."
"Go get your man, Chelle. Ako nang bahala. Basta 'wag ka lang ma-late sa flight. You have 45 minutes tops. Sabihin mo lang sa akin kung saan 'yung lugar. Pupuntahan kita 15 minutes before para siguradong 'di mo malimutan," ngiti niya pagkatapos ay hinila ang maleta ko kasama ng kanya.
Nagsuot ako ng face mask bago pumunta ako sa sinabing lugar ni Jisung. Alam ko kasing maraming aali-aligid na paparazzi sa tabi-tabi. I can't take any chances. Naabutan ko siyang naghihintay sa loob ng sasakyan, nakababa ang mga bintana. Kasama niya si...si Jeno ba 'yun? Hindi ako masyadong sigurado dahil naka facemask din sila pareho at nakasuot ng hoodie. Hindi na sila bumaba ng sasakyan para mas safe.
"What are you doing here?" Bungad ko.
"To see you off, of course," sabi niya. Umangat ang kamay niya, nakita kong gusto niyang hawakan ang mukha ko pero biglang tumikhim si Jeno. May sinabi siya in Korean, dahilan para ibaba ni Jisung ang mga kamay niya.
"Right. Get in the car first," sabi ko sa kanya. Nasa passenger seat si Jisung at nasa driver's seat si Jeno. Umupo ako sa likod. Apparently, gusto ni Jisung mag-isang pumunta na lang pero that will be more risky kaya sinamahan siya ni Jeno.
"I told you. You don't need to come. Delikado o."
"But I won't see you again for a few months. Years even. And I don't even know what we are. I mean I know you love me, I know I love you. But—"
"Jisungie," putol ko sa sinasabi niya.
Tumingin siya sa akin. Inilagay ko ang kamay ko sa may batok ko para tanggalin ang kawit ng suot kong kwintas. Tinanggal ko ang singsing mula roon bago ko isuot ulit.
"Suot mo sa akin. Let's make it official," abot ko sa kanya ng singsing.
Nagpaalam si Jeno na lalabas muna ng sasakyan. Kung gusto niya kaming bigyan ng privacy o nacocorny-han siya, hindi ko alam kung anong dahilan ng paglabas niya.
Nakatingin lang si Jisung sa mga daliri kong nakahawak sa singsing. Ang tagal niyang nakatulala ron. "Ayaw mo ba?" tanong ko na parang kinakabahan. Baka nag-iba na ang isip niya. Gets ko naman kasi baka marami na siyang priorities. Baka kaya siya nagtanong kanina kung ano ba kami kasi gusto na muna niya mag-focus sa career?
Nag-ooverthink na ako nang bigla kong maramdamang hinila ako ni Jisung papunta sa kanya. Ibinaba niya ang mask niya. "Ayaw ko? I've been waiting for this since I left the Philippines two months ago."
Dahan dahan niyang ibinaba ang facemask ko at marahang hinalikan ang mga labi ko. Milagrong hindi ko pa nabitawan ang singsing. Nang maghiwalay kami, kinuha ni Jisung ang singsing.
Masuyo niyang kinuha ang kamay ko at isinuot sa akin ang singsing. Tiningnan ko iyon at kumislap ang berdeng bato roon. Hinalikan niya ang kamay ko pagkatapos. "You're officially mine, nae sarang. No turning back now," sabi niya sa sakin.
Kumatok sa bintana si Jeno at binuksang ang pintuan sa may driver's seat. Saglit silang nag-usap ni Jisung.
"Chelle, a crowd's starting to form. And we only have a few minutes before our manager checks on us. I think...you should go," sabi ni Jisung sa akin. Alam kong ayaw niya pa pero wala kaming choice for now.
Tumango ako at niyakap siya. "Take care, nae sarang. Saranghae."
"Mahal din kita. I'll see you soon." sagot niya sa akin.
Saktong pagbaba ko ng sasakyan, biglang may tatlong kabataang babae ang lumapit kay Jeno na nakasandal sa may driver's side ng sasakyan. Mukhang mga fans. Tingin ko ay nanghihingi sila ng photo pero tumatanggi si Jeno. Papaalis na sana sila nang mapadako ang tingin nila sa akin.
"Nega mwonde?" Sabi ng isa sa akin. Naestatwa ako sa kinalalagyan ko. Naka facemask pa rin naman ako pero pakiramdam ko exposed pa rin ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi pero tunog galit sila. Alam ko kung gaano katindi ang mga fangirls dito sa Korea. Kaya natakot din ako. Nakita kong bumukas ang pintuan sa side ni Jisung pero bago pa man bumukas iyon nang malaki, pabagsak kong isinara iyon.
Mas malalagay siya sa alanganin kapag nakita nilang nasa loob si Jisung. Maghihinala sila lalo kung bakit kasama ko si Jisung sa loob. Nakita kong may pinindot si Jeno kaya na-lock siya sa loob at hindi makalabas. Nakahinga ako nang maluwag pero panandalian lang iyon dahil pumunta sila sa may side ko at kung ano ano ang sinasabi sa Korean.
Palapit sila nang palapit sa akin at paatras naman ako nang paatras hanggang naramdaman ko na lang ang likod ko na tumama sa isa pang kotse. Tatakbo na sana ako kaso na-corner na nila akong tatlo.
"Nega mwonde? Neoneun wae yeogie issni," tanong nila. Pero hindi ako makasagot dahil hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nila. Lalo ata nila iyong ikinagalit. Eh ano namang gagawin ko? Hindi ko nga maintindihan.
Palapit na sila nang palapit at dahil na rin sa takot, hindi na ako makagalaw. Pumikit na lang ako at hinintay kung ano ang mangyayari nang bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses?
"What are you doing to my girlfriend?"
--
Ops. The end is near.
-Annederrated
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...