CHAPTER 14

7 0 0
                                    

"Wala sina Mama eh. Pinagstaycation ko muna sa may Laguna para magkaroon naman ng "us-time" yung dalawa. Sina Alynna saka Aidan nakina Tita lang sa kabilang bahay. Gusto naman nila doon kasi spoiled sila. Baka doon sila buong weekend," pagkukwento ni Aira na walang tigil ang pag-aayos ng mesa at paglalagay ng pagkain.

"Aira Mariel, hoy! Napakadami mo namang niluto. Huling gabi na ba naming kakain? Itong dalawang 'to baka may sinusunod na diet eh," sabi ni Jason pero kumuha ng isang pirasong fried chicken.

"'Di ko naisip 'yun ah. Okay lang. Nandiyan ka naman. Sa 'yo pa lang, kulang pa 'yan eh," sabi ni Aira na bumalik sa kusina para kunin ang pasta.

"Aba naman—"

Hindi naman halata kay Jason na malakas siyang kumain. Kahit busy sa trabaho bilang architect, mukhang nakukuha pa rin niyang mag-work out.

Tiningnan ko ang mga nakahain at natakam na agad ako. Ano pa nga ba ang ieexpect mo sa chef ng isang kilalang four star hotel?

Sana pwede kong kainin lahat.

"Are cheat days not allowed?" biglang sabi ni Jisung. Did I think out loud?

"Pwede naman." Hindi ko alam pero pakiramdam ko tinataksan talaga ako ng mga salita kapag si Jisung na 'yung kausap ko. Ganoon na ba talaga kalayo ang naging gap namin? Nalungkot ako bigla pero tinaggap ko na lang dahil ako naman ang nagdesisyon.

Kumain kami habang nagtatawanan at nagkukwentuhan. Sobrang daming catch up na nangyari. Okay naman kami ni Jisung pag kasama namin itong dalawa, wag lang kaming maiiwan.

Nauwi ang kainan namin sa kaunting inuman. Wine lang naman kaya mukhang wala naman kaming balak maglasing. Tamang chill lang.

"Ano nang gagawin mo kay Ian?" Tanong ni Aira sa akin.

"Anong gagawin ko sa kanya?"

"Chelle, ilang buwan ka nang nililigawan ng tao," sabat ni Jason na sinisimot ang sauce ng lasagna sa plato niya.

"Hindi nanliligaw yun."

"Kaya pala panay ang aya sa iyong lumabas. Nababara mo lang lagi kasi gusto mo laging kasama yung officemates mo, minsan ako pa," irap ni Aira.

"You're not together?" Tanong ni Jisung sa akin.

Bubuka na ang bibig ko pero nag-interrupt si Jason. Ang hilig talagang sumabat.

"Ano? Paanong magiging sila, eh ikaw pa rin ang gusto ni Chelle after all these years."

Parang biglang huminto ang mundo ko. Siniko ni Aira si Jason na bigla ring napatigil. Parang hindi niya sinasadyang masabi iyon nang malakas.

Napatingin ako kay Jisung na nakatingin na rin pala sa akin. Hindi na ako makapagsalita kasi paano ba ako magdedepensa kung totoo naman.

Sampung taon na pero si Jisung pa rin talaga.

"Laro tayo! Teka lang," si Aira na ang bumasag sa katahimikan. Umakyat siya sa taas para may hanapin.

In-excuse ko muna ang sarili ko para pumunta ng banyo. Tumingin ako sa salamin.

"Parang ewan naman si Jason. O paano ka haharap kay Jisung niyan?" Sinasabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang hindi alam ang gagawin. Pero sinubukan ko pa ring i-compose ang sarili ko.

"Hindi, kaya mo yan okay? Kaya mo yan."

Inilabas ko ang red lipstick ko at nag-retouch bago lumabas. Ganon na lang ang gulat ko nang makita ko si Jisung na nakasandal sa pader sa gilid ng pintuan ng CR.

Nagkatinginan kami pero ako ang unang nagbaba ng tingin. Maglalakad na sana ako sa maikling hallway pabalik sa sala nang bigla siyang nagsalita.

"Bakit hindi mo pa sinasagot si Ian?"

Hinarap ko siya at nagtapang-tapangan. "That's none of your business. Saka sabi ngang hindi nanliligaw yung tao."

"No? Or are you denying it? Baka totoo nga ang sinasabi ni Jason."

Hindi ako nagsalita. Humakbang siya papunta sa akin. "Is it still me, Chelle?"

"I don't have anything to explain anything to you." Tumalikod na ako pero hinila niya ang braso ko isinandal ako sa pader.

"I have every right to ask an explanation," sabi niya habang nakayuko sa akin. Hindi ko sinasalubong ang mga tingin niya at sinubukang umalis sa pwesto namin. Pero hinarang lang niya ang magkabilang kamay niya sa may balikat ko. Ibinaba niya ang mukha niya papunta sa akin, ilang pulgada lang ang layo namin sa isa't isa.

I've known Jisung for years and this is the first time that he made me breathless. Pakiramdam ko rin, kakawala ang puso ko.

"You've avoided me for 10 years. You never answered my calls. Kailangan ko pang tanungin si Tita Mitch, pati sina Jason at Abi para lang malaman 'yung mga nangyayari sa 'yo. What happened Chelle? Look at me," sabi niya sa akin na parang nagmamakaawa.

Nang hindi ako tumingin, hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko hanggang magtama ang mga mata namin.

"Tell me. I don't want your excuses and lies," sabi niya.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Bumubuka lang ang mga labi ko pero walang salita o tunog na lumalabas. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang makitang tumutulo ang mga luha ko.

Para siyang natauhan at tumuwid ng tayo. Binawi niya ang mga kamay niya at inilagay sa magkabilang gilid niya.

"I'm sorry," sabi niya bago naglakad palayo.

Naiwan akong parang kinakapos ng hininga, hawak hawak ang dibdib at umiiyak lang. Napaupo na lang ako at patuloy na humikbi.

Hindi ko naman ginustong tapusin kung anong mayroon kami. Pero hindi rin ako pwedeng magpatuloy. Maraming nakataya, unang una na ang mga pangarap niya. Iyon ang bagay na hindi ko kayang isugal.

Pumasok ulit ako sa banyo at nag-ayos ng sarili bago bumalik sa sala. Ayoko namang masira ang gabing ito para sa aming apat. Parang nakisama naman si Jisung kaya naglaro lang kami ng Jengga, werewolf game, at iba pang board games na parang walang nangyari. Nagtatawanan pa nga kami.

Bago magala-una, nagpaalam na kami ni Jisung. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Aira.

"Hindi mo maitatago sa akin 'yang nararamdaman mo, Chelle. Alam ko kung ano ang pinagdaanan mo. Kapag hindi mo na kaya, nandito lang ako ha?"

Gumanti ako ng yakap kay Aira at nagpasalamat.

Hindi pumayag si Jisung na ako ang mag-drive dahil mas marami raw akong nainom kaysa sa kanya. Hindi nga ako tipsy pero hinayaan ko na lang siya dahil ayoko na rin humaba pa ang usapan.

Hindi kami nagsalita buong byahe. Ang ikli lang ng byahe pero pakiramdam ko sobrang haba dahil ang awkward naming dalawa. Hindi pa rin kami nag-usap hanggang nakapagpark siya sa garahe namin. Doon lang nabasag ang katahimikan dahil nagsalita siya.

"I'm sorry about earlier. I shouldn't force you."

Tumango lang ako bago kami bumaba ng sasakyan.

"Chelle," tawag niya.

Tumingin ako sa kanya.

"Since you and Ian are not together, I can still fulfill my promise, right?"

Kumunot ang noo ko. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko.

"Anong sinasabi mo?"

Umiling lang siya. "Come to my house tomorrow morning. Halmeoni's going to arrive." Hinalikan niya ang kamay ko at umalis na pabalik ng bahay niya.

Ano 'yon?

--

😅🥲

-Annederrated

Coming HomeWhere stories live. Discover now