"Kinakabahan ako," dinig ko na sabi ni Micha habang mine-make-up-an ko siya. Araw na ng Mr. and Miss Intramurals namin at talent portion na ang susunod. Inaayusan ko si Micha para sa song number niya.
Paano ako natutong magmake-up? Tamang nood lang sa YouTube. Siyempre di ako expert. Pero pwede na.
Huminto ako sa paglalagay ng eyeshadow niya dahil nakita kong nangingilid ang mga luha niya. Ang hirap maglagay ng eyeliner no! Naku baka masira make-up niya.
"Micha, hinga lang. Hinga. Okay good. Isipin mo na lang 'to. Kung ako nga nakakakanta sa room nang may confidence pero wala sa tono, paano ka pa? Ikaw ang golden voice ng II-Rizal," sabi ko na may project project pa.
Huminga siya nang malalim. "Sige kaya ko 'to."
"Very good. O ngayon, pikit na ulit nang matapos na tayo." Tinuloy ko hanggang matapos. "Ayan, Micha. Lalo kang gumanda!"
Maya maya ay lumabas na si Micha para bumaba sa may quadrangle. Nagkasalubong sila ni Jisung at nakita kong natigilan siya nang makita si Micha. Napangiti ako, mukhang nagbibinata na 'yung kaibigan ko.
"Tara na rito, Mr. Intramurals. 'Wag mong tingnan 'yung muse mo nang matagal baka matunaw," sabi ko habang naghahanap ng magandang shade ng foundation. Ano ba 'yan. Masyadong dark lahat. Bakit ba kasi napakaputi nitong taong 'to. Wag na nga lang. 'Di naman na ata kailangan.
Umupo siya sa harap ko at naghanda na para make-up-an. "I was looking at her make-up. Ang galing mong magmake-up. When did you learn to do that?"
Nagpalusot pa nga. "Sige kunwari 'di ko alam na crush mo si Micha dahil pinuri mo 'yung make-up skills ko. Nanood ako nung bakasyon ng make-up tutorials. Marami namang make-up si Mommy kaya nakapagpraktis ako. Napagalitan nga lang kasi ang dami ring nasayang," sabi ko at nagsimula siyang lagyan ng kolorete sa mata para mas mag-pop pa ang mga ito.
"I don't have a crush on Micha. I like someone else. Ow that hurt," sabi niya nang napadiin ang pagbubrush ko sa mata niya.
Aba, nagbibinata na nga to ah.
"'Wag ka munang manliligaw. Dadaan muna sa 'kin yun. Sasabunutan kita pag nanligaw ka."
"You have pretty brown eyes," sabi niya kaya nabigla ako. Kabado kaya to? Kung ano ano napapansin eh. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy.
"Thank you," sabi niya nang matapos ako. Gumagwapo ang loko.
Nakita ko siyang nagsustruggle sa pagsusuot ng necktie niya. Kinuha ko iyon at ako na ang gumawa. Mula grade 4 eh nagsusuot na ako noon dahil sa uniform.
"I'm nervous, Chelle," sabi niya pagdating namin ng backstage. Siya na ang susunod sa talent portion. Nairaos ni Micha 'yung On The Wings of Love. In fairness, ang ganda talaga ng boses niya.
Kinuha ko ang kaliwang kamay niya at minasahe iyon. "Kapag kinakabahan ako sa mga school competition, ginagawa ni Mommy 'to. Nakakatulong sa akin para ma-relax ako."
Kaso sa ginawa ko, lalo ata siyang di nakagalaw. Hindi pala 'yun effective sa lahat ng tao? "Ay sorry kinabahan ka ba lalo?"
"Yeah, but for a different reason now," sabi niya at umiwas ng tingin sa akin. Ano kayang problema?
"Let's all welcome, Jisung Park!" Narinig naming sabi ng host.
"Galingan mo Jisungie!" Tumango siya at tumakbo paakyat ng stage. Tumakbo na rin ako papunta sa harap para mapanood siya.
Narinig ko ang isang pamilyar na tugtog sa speakers. Nagsimulang kumanta ang EXO ng Growl at nagsimula na ring sumayaw si Jisung. Ang galing ng mga galaw niya. Pulidong pulido at gayang gaya 'yung nasa music video. Bawat giling, kumpas ng kamay, at paggalaw ng paa, kalkulado. Pinakita na niya sa akin 'yung sayaw niya na to pero hindi niya ibinigay todo.
Pati facial expression nito pamatay. Biglang nagkagulo 'yung crowd dahil sa performance ni Jisung. Pagtingin ko sa kaliwa ko, nagtitilian 'yung mga higher years. Aba, pati elementary nakikigulo! Jusmiyo. Magkakafriend ata ako na famous.
Napairap na lang ako at nanood muli kay Jisung. Nagtama ang mga mata namin at saka siya kumindat. Tingnan mo nga naman 'to. Ang galing galing umaura. Kaso lahat ata ng mga nanonood, akala nila, sila 'yung kinindatan. Ayun lalong umingay sa quadrangle.
"Chelle! Hindi ko alam na ganyan kagaling sumayaw 'yung friend natin," sabi ni Aira na sumasayaw sayaw na rin. Sumisigaw siya kasi sobrang ingay na talaga. Tumawa lang ako at nagpatuloy sa panonood.
Nang matapos ang tugtog, lalong umingay ang crowd na halos di na maawat ng mga teachers at ng host. Pero maya-maya kumalma na rin.
Nagstart na ang question and answer portion, nakasagot naman nang maayos ang mga pambato namin. Sa huli, second runner up si Micha at Mr. Intramurals si Jisung. At best in talent pa nga!
"Ang galing mo naman Jisung!" bati ni Jason sa kanya.
"Salamat, Jason. Tara kain tayo. Baegopa. I also want to change. Sikip 'yung polo," sabi niya habang tinatanggal yung necktie.
Sinamahan ni Jason si Jisung sa classroom para kuhanin ang gamit niya. Dala-dala ko na yung gamit ko kasama 'yung sandamukal na make-up ni Mommy. Ang bigat din ha.
"Grabe no? Kuhang kuha ni Jisung 'yung crowd. Ang dami ring mga babae na nagsisitilian dahil sa kanya. Sayang 'yung Intrams natin, after na ng Valentine's Day. Dami sana nating chocolates non," sabi ni Abi.
"Oo nga eh. Ay Aira may chika ako sa 'yo! Alam mo ba nahuli ko si Jisung na ang tagal nakatingin kay Micha pagkakita niya na nakamake-up. Crush ata 'yun ni Jisung. Pero sabi niya may iba raw siyang gusto. Feeling ko lumulusot lang 'yun," kwento ko habang nagtatali ng buhok.
Napangiti si Aira hanggang sa tuluyang tumawa. "Seryoso ka Chelle? Magtatatlong taon na tayong magkakabarkada, hindi mo pa rin naramdaman 'yun?"
"So tama nga ako? Si Micha nga?"
"Ewan ko sa 'yo Trichelle Ann," sabi niya at umiling-iling pa. Magtatanong pa sana ako pero bumalik na 'yung dalawa.
"Jisung, may lipstick ka pa," sabi ko at kumuha ng wipes sa may bulsa ng palda ko. Buti di ko pa naibabalik sa bag ko kasi ang hassle nang magbukas ng bag. Pinaupo ko siya sa may gazebo malapit sa amin at tinanggal ko ang eye makeup niya pati ang lipstick.
Narinig naming ngumisi sina Jason at Abi. Bigla namang tumayo si Jisung at kinuha ang wipes sa kamay ko. "I can do this by myself, Chelle. I'll be right back."
Nagulat naman ako sa inasal niya kaya hinayaan ko siya. Tahimik tuloy ako ako habang naglalakad kami pauwi at napansin niya 'yun.
"Ayos lang ikaw?" Tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya.
"Tapatin mo nga ako Jisung," sabi ko at bigla rin siyang napatigil. Mukhang kinabahan at biglang pinagpawisan ang noo.
"Galit ka ba sa akin dahil ayaw mong nakikitang inaalagaan kita sa harap ng ibang tao? Nahihiya ka bang kasama ako?" Nanlaki ang mata niya.
"What? What—no Chelle. That's not it."
"Eh bakit bigla kang umalis nung tinatanggalan kita ng make up tapos tumawa sina Jason?"
Humugot siya nang malalim na hininga. "Wow. I can't believe I still have to explain this to you."
"Ano nga?"
"Well—"
"Trichelle Ann! Pumunta ka na rito. Umuwi na ang Papi mo!" Narinig kong sumigaw si Mommy sa loob ng bahay. Bigla akong naexcite dahil dalawang linggong nawala si Papi galing ng trabaho. Hindi ko na pinatapos si Jisung.
"Sige na nga. Tanggap ko na. Nagbibinata ka na. Pero sabihin mo sa akin kapag sobra na 'yung pag-aalaga ko, baka napapahiya ka na. 'Di ko napapansin minsan eh. Aalis na ko ha. Inaantay ako ni Papa eh. Congrats ulit Mr. Intrams!" Sabi ko at tumakbo na papunta ng bahay.
Nilingon ko si Jisung na umiiling-iling habang nakangiti at kumakaway sa akin.
--
Talk about being dense, Chelle. Oo, naiinis din ako sa characters ko minsan. Haha. Ano ka bang klaseng otor, annderrated. char.
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...