"Grabe nakakapagod maging junior. Buti na lang third quarter na," sabi ko habang nakasalampak sa room. Christmas decoration na ang inaatupag namin ngayon at kami lang ni Aira 'yung nasa room. Lunch break kasi pero dahil maaga kaming kumain ni Aira, nag-stay na lang kami para matapos 'yung decoration.
Tapos na 'yung mga exam at puro pagpapractice na lang para sa mga programs ang inaatupag namin. Best in special number na kami after nito.
"Alam mo, Chelle, kung 'di ka nagrereklamo diyan, kanina mo pa tapos 'yang pag-aayos ng dayami sa belen," sabi ni Aira.
"Sungit naman. First day mo 'te?" Inirapan lang ako nito. Ay wow, attitude. Sige na nga 'di na ako papatol.
Maya maya nagpaalam siya na magc-CR. May dalang pouch. Mukhang first day nga.
Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng belen hanggang sa dumating si Jisung galing sa practice. Simula kasi nung nagpakitang gilas siya sa pagsasayaw noong Intrams ng nakaraang school year, kinuha na siya ng dance troupe ng school.
Okay na rin. Practice na sa kanya.
Pawis na pawis siya, nakatanggal na ang polo at halatang pagod na pagod. Pinuntahan niya ako sa may sulok na classroom.
"Tapos na kayo?"
Umiling lang si Jisung. "No. Balik daw kami ng mga 2:00." Umupo siya sa tabi ko at ako naman ay kumuha ng extra towel sa bag ko at sinimulang punasan ang pawis siya sa may sentido at leeg. Bigla akong napatigil. Oo nga pala, baka naiilang na si Jisung sa akin.
Ibaba ko ko na sana ang kamay ko nang hawakan niya ang kamay ko na may towel. "Bakit ka tumigil? Pawis pa ako dito o," sabay paglagay ng kamay ko sa may leeg niya.
Demanding pa nga. Halatang pagod na pagod 'to kasi humihingal at pulang pula hanggang leeg. Sobrang init siguro talaga sa labas.
"Aira Mariel Tiongco nasan na 'yung—hoy ano yan?! 'Wag dito!" Sabi ni Jason na biglang pumasok nang room. Naabutan niya akong nakapasok ang kamay sa loob ng t-shirt ni Jisung pinupunasan 'yung likod niya. Nagtakip siya ng mata pero sumisilip pa rin sa pagitan ng mga daliri.
"Alam mo Jason, ang OA mo. Malisyoso pa," sabi ko at tuluyang isinapin ang towel sa likod ni Jisung.
"Eh di wow. Nasan ba si Aira? Nasa kanya 'yung tubigan ko eh," sabi ni Jason. Tinuro ko na lang ang bag ni Abi at kinuha niya ang tubigan niya.
"Hinay hinay ka lang, Chelle, baka 'di na makahinga bigla 'yang 'baby' mo," sabay tawa ni Jason bago lumabas ng classroom.
"Problema non?"
Umiling si Jisung. "Don't mind him. Kain na lang tayo?"
"Libre mo?" Tumawa lang siya at tumango. Sakto namang bumalik si Aira sa room. Inaya ko siya kaso sabi niya sa classroom na lang daw siya magse-stay dahil sobrang sakit ng puson niya.
"Okay lang ba, daan muna tayo ng clinic? Hiram lang ako ng hot water bag para kay Aira. 45 minutes pa naman 'yung lunch," sabi ko kay Jisung.
"Okay. Gaja."
Nilagyan ko ng mainit na tubig galing sa canteen yung nahiram kong hot water bag. Pagdating ko sa classroom, nandoon na sina Lorie at Kate na inaalagaan si Abi.
"Aira, o," bigay ko sa kanya ng bag. Kinuha naman niya iyon at tiningnan ako.
"Mas okay na ko, Chelle. Nandito naman sina Lorie. Samahan mo munang kumain si Jisung." Mukha ngang mas okay na siya dahil nagkakakulay na 'yung lips niya. Baka uminom na ng gamot.
"Sige na Chelle. Kain lang kayo. Kami na bahala kay Aira. Baka kayo naman mapaano kapag hindi kayo kumain," sabi ni Kate.
"Sure kayo ha? Babalik na lang kami agad. Bibili lang kami ng pagkain. Dito na lang kami kakain," sabi ko sabay hatak sa kamay ni Jisung.
Ang daming tao kahit saan kaming mapuntang canteen kaya bumili na lang si Jisung ng takeout na rice in a box at bumili na lang ako ng siopao at lollipop para may matamis ako mamaya. Libre naman niya eh.
Pabalik na kami nang classroom nang may makita kaming isang maliit na batang lalaki, siguro elementary, na pinagtitripan ng mga mas matatangkad sa kanya. Pinagpapasa-pasahan ng tatlong lalaki 'yung rubik's cube niya.
Nag-init agad 'yung ulo ko. "Hoy! Anong ginagawa niyo diyan ha? Ang lalaki niyo tapos pumapatol kayo sa mas maliit sa inyo. Tigilan niyo 'yan isusumbong ko kayo sa teacher niyo."
Pinipigilan ako ni Jisung pero 'di ako nagpaawat.
"Epal ka? Porque mas matanda ka sa 'min?"
"Aba naman—" Pinahawak ko kay Jisung 'yung sipao ko at kinuha yung bola ng basketball na naligaw malapit sa akin. Ibinato ko iyon sa kanila at sapul 'yung pinakamatangkad. Sa takot na masaktan, tumakbo na silang lahat paalis.
Kinuha ko 'yung Rubik's cube na nalaglag at ibinigay iyon sa bata. "Ito o. 'Wag kang papaapi ron. Mukha lang malalaki 'yon pero mga duwag din."
"Thank you po, Ate."
"Wala 'yon—" tiningnan ko ang ID niya. "Francis." Iniabot ko sa kanya ang lollipop ko. Ngumiti siya at niyakap ako. Maya maya ay nagpaalam na rin.
Nakatingin lang sa 'kin si Jisung na natatawa.
"Bakit? Ayoko ng mga bully. Nakakairita."
"Alam ko. Reminds me of what you did to Gerald when we're in elementary." Si Gerald, oo nga pala. Goods naman na kami ngayon. Nagtino eh.
'Di pa ako nagtatagal sa classroom pero pinatawag ako sa guidance office. Ang tagal ko nang 'di napupunta rito ah.
"Trichelle, bago pa man sabihin kung ano ang offence mo, alam ko na. May bully na naman ano?" Tanong ni Miss Alcantara sa akin.
"Ma'am 'di naman po kasi ako papayag na may mabubully sa harap ko."
"Alam ko 'yun. At naiintinidhan kita. Nakakatuwa ka nga. Pero sana 'wag mo gamitan ng dahas. Buti na lang, takot din 'yung mga bata na mabuking sila ng parents nila na bullies sila. Paano na lang kung matatapang 'yung magulang nila. Baka masuspend ka," sabi ni Miss Alcantara na may bahid ng pag-aalala.
"Opo, Ma'am. 'Di na po mauulit."
"Igu-guidance din 'yung mga batang iyon. Pero hindi ko naman pwede palampasin basta 'yung ginawa mo. Kaya every after class, 'yung Student Council room hanggang bago magChristmas break, starting today." sabi ni Miss Alcantara.
Hala. Sabi nila may multo raw doon eh. Pero bahala na. Basta hindi masuspend. Tumango ako at nagpasalamat bago umalis ng guidance office.
Paglabas ko, nakita kong nakaabang sa akin si Jisung sa may tapat ng guidance office.
"Bakit mo ko sinundan?"
"Nothing. I was worried. Binilan kita ice candy." Ngumiti ako at tinanggap iyon.
"Ano sabi ni Miss Alcantara?"
"Maglilinis ako ng Student Council room habang di pa nagbabakasyon. Okay na rin. Tulong ko na rin kina Kuya Jose. Mabawasan man lang yung mga ginagawa niya," sabi ko habang kinakain 'yung ice candy.
"I can help you after the dance team's practice."
"'Wag na baka pagod ka na noon eh. Wag mo na rin ako antayin umuwi ha?"
"But—"
"Dance team, please proceed to the stage in 30 minutes."
Narinig namin ang announcement mula sa speakers. "Okay lang ako, Jisung. 'Wag kang mag-alala. Uwi na agad after practice ha?"
Tiningnan niya lang ako. Pumunta na kami ng room para makuha niya ang ilan niyang gamit. Nagpatuloy na rin ako sa paggawa ng belen kasama si Aira na mas bumubuti na ang lagay.
Mukhang ilang araw akong male-late sa pag-uwi ah.
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...