"Dianne, ayoko nga!"
May project ang klase na magazine. Basta about sa school ang theme. Class effort naman 'to so hindi masyadong mabigat. May mga nakaassign sa articles, mayroon for editing, design, wardrobe, at ito ngang si Dianne, sa photography.
"Sige na, Chelle! Ikaw best bet namin dito. Ikaw pinakamatangkad sa atin at pangmodel yung form mo," nagmamakaawa na talaga siya.
"Bakit 'di na lang si Christine? Matangkad din naman yun, slim din, at siya yung muse natin! Saka kailangan ba talaga ng model?" himutok ko.
"Mas gusto ko yung features mo eh. Saka si Christine, writer yun eh. Last year na natin dito sa school o. Pumayag ka na, please."
"'Di naman ikaw yung magmamarka kapag pangit ka sa photos," napaface palm na lang ako.
"Maganda ka sa lahat ng magiging photos natin. Si Jackie, sanay magmakeup kasi makeup artist ang tita niya. Tinuturuan siya. Kaya siguradong maganda ka ron." pagmamakaawa niya.
Tumingala ako. Makapal ang mukha ko pero may hangganan din naman. Permanente na yung mukha ko sa magazine, kahit na school project lang yun.
Pero ayoko namang bumagsak kami. Fashion magazine na walang model, meron ba nun?
Ugh bahala na. "Sige na, sige na."
"Pumalakpak siya. Sige start tayo bukas ha!"
Na-stress ako agad.
Dumiretso ako sa bahay nina Jisung pagkatapos ng mga gawain ko. Naabutan ko siya sa sala, sumasayaw ng Monster. EXO ulit ah.
"Hello po Lola Lucy! Saan po kayo pupunta?"
"Uy Chelle. Magpapakulay lang ako ng buhok diyan sa may parlor. Iwanan muna kita dito ha. May meryenda diyan, kain ka lang."
Ngumiti lang ako at kumaway.
"Ang dedicated mo naman po Mr. President."
Nagulat pa si Jisung na nandoon ako. Sobrang tutok siguro talaga niya sa pagpapraktis.
"You're here. Oh bakit ka mukhang stressed?"
"Model ako ng klase natin sa magazine project. Napapagod na ako agad."
"Why? I'm sure you can do it," sabi niya habang kumukuha ng tubig.
"Kapag mukha akong tanga roon, ako naman 'yung pagtatawanan. Nakakainis naman kasi si Dianne. 'Pag 'di naman ako nagparticipate, babagsak tayong lahat. Ikaw ano bang part mo roon?"
"'Di ko alam eh. Kahit saan ako ilagay. May mga writers at editors na rin eh."
"Sana ganoon na lang din ako," sumandal ako sa sofa nila.
Umupo si Jisung sa tabi ko, sumandal bago pumikit. Lumingon ako sa kanya at tiningnan 'yung side profile niya. In fairness, ang tangos din talaga ng ilong nito. Ang kinis din. Ano kayang skincare routine nito ni Jisung? Baka naman pwede niya i-share. I heard magaganda 'yung skincare products sa Korea, eh.
Nasa ganoong pag-iisip ako nang bigla siyang dumilat at lumingon sa akin. Pareho kaming nagulat at nagkatitigan lang. Pareho kaming hindi nakagalaw. Hindi ko pinansin 'yung pagkabog ng dibdib ko. Nangako kasi ako na hindi ako mag-eentertain ng feelings kay Jisung.
Pero parang nananadya kasi biglang hinawakan ni Jisung 'yung pisngi ko para hawiin 'yung buhok na nagkalat doon. "You're really pretty. Do you know that?"
Lord, bakit naman ganito?
"I'm sure maganda 'yung kalalabasan ng project natin kasi maganda ka," dugtong niya. Tiningnan ko lang 'yung mga mata niya.
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...