"What are you doing to my girlfriend?"
Pagmulat ko ng mata, nakita ko si Ian sa may gilid ko. Bigla niya akong kinabig at inakbayan. Kita ko namang naguluhan ang mga fans ni Jeno.
"Noona!" Napalingon ako at nakita kong tumatakbo papalapit sa akin si Jeno. Noona? Kelan niya pa ako naging ate?
"Noona?" Sabi ng isang fan. Tumango si Jeno. Kinausap niya ang mga fans at nakita ko namang nagpabalik balik ang tingin nila mula kay Jeno papunta sa akin pati na rin kay Ian. Parang takot na tumingin sa akin ang mga fans kaya parang 'di ako naging komportable. Lumalapit na naman sila sa akin at lalo akong kinabahan.
Akala ko kung ano 'yung sasabihin nila kaya nagulat ako nang sabay sabay silang tatlong lumuhod. "Mianhaeyo, unnie! Naneun moleunda," sabi ng isa.
Ano bang sinabi ni Jeno dito? Pinatayo ko sila agad. 'Di ko maintindihan ang sinasabi nila kaya ang sabi ko na lang, "Gwenchana."
Nag-sorry din sila kay Jeno at Ian. Pinagpaliwanagan pa ni Jeno nang kaunti ang fans niya bago sila tuluyang umalis.
"Don't worry. I told them you're my noona. And he's your...boyfriend. I told them to keep this as a secret. Those fans will listen," sabi ni Jeno sa akin.
"Gomawoyo," sabi ko. Tumingin ako kay Ian. "Anong ginagawa mo rito? Saka bakit mo sinabing girlfriend mo ako?"
"Mas gusto mo bang pagkamalan ka nilang jowa nito? Mas malaking gulo sa fandom nila yon. You're welcome ha," sabi ni Ian. Maya maya ay tinanggal na ni Jeno ang pagkakalock ng sasakyan. Lalabas sana si Jisung pero pinigilan ko siya. Pinababa ko na lang ang salamin ng sasakyan.
"Chelle, are you okay? Why didn't you let me help you? You could've gotten hurt."
"Jisungie, it would be a bigger chaos if they knew I'm in the car with you alone. I'm okay. I'm fine. I can take care of myself."
"What kind of a boyfriend am I if I can't even protect you?" I can see him getting pissed that I'm not letting him out of the car.
"Hajima, Jisung. Jib-e gaja," sabi ni Jeno na parang kuya. Sumakay na siya sa driver's seat.
"Even Ian can fight for you. I just feel useless," sabi niya habang naririnig kong iniistart na ni Jeno ang kotse.
"You're not. Think of it as protecting both of us. We'll talk later. Or you can ask Jeno to fill in the details," sabi ko pero nakita kong dumako ang mata niya kay Ian.
"Take care of her," sabi ni Jisung kay Ian.
"You got it," saludo niya.
"Bye, Jisungie. I'll talk to you later," iyon lang at umalis na ang sasakyan.
Hinatid ko ng tanaw ang sasakyan bago ko hinarap si Ian. "Thank you, Ian."
"Hey no problem. May 10 minutes pa tayo before magpa-on board. Let's go?"
Tumango lang ako at lumingon one last time sa pinagpark-an kanina nina Jeno.
Sa Bulacan ako dumerecho pagkauwi. Siyempre kailangan ko sabihin sa parents ko 'yung balita. 26 na nga ako pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na dapat malaman ng mga magulang ko ang mga pangyayari sa buhay ko, especially as big as this.
Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa kusina. Nandoon sina Mommy at Papi, kumakain ng merienda. Nagulat pa sila nang makita ako.
"Chelle, anak! Akala ko next week ka pa pupunta rito," sabi ni Mommy na biglang napatayo sa kinauupuan.
"Wala Mommy, excited lang ako ibigay 'yung pasalubong ko."
Ibinigay ko sa kanila ang mga pinamili ko bago umupo kasama nila sa may mesa. Uminom muna ako ng tubig. Bago pa ako makabwelo, biglang nagsalita si Papi. "Oh, suot mo na 'yang singsing? Sinagot mo na si Jisung?"
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...