Bago kami pumunta sa bahay ng mga magulang ni Jisung, dumaan muna ako sa maliit ng department store para bumili ng damit para bukas at ilang toiletries. Malapit na sila magsara pero buti na lang pinagbigyan pa nila ako.
Saglit lang naman at 'di nagtagal ay dumating na rin kami sa bahay. Ang cute ng bahay. Hindi malaki ang mismong bahay pero malaki ang bakuran. At sa tabi noon, naroon ang restaurant ng parents niya.
Agad na nagpaalam sina Tita Marian na aakyat na sa kwarto nila pero nagbilin na may pagkain sa ref kung gusto naming kumain. Tumatanda na raw sila at mabilis na mapagod kaya matutulog na. Basta bukas daw ay magkukwentuhan kami.
Pumunta kami ni Jisung sa kusina at doon nag-usap. Kumuha siya ng tubig at kimbap sa ref.
"So why are you here?"
"Ayaw mo ba?"
"Of course I do. But really. Why are you here?"
"Remember the field trip I told you about? It's actually Seoul Fashion Week. At destiny na rin sigurong same week yung concert niyo. Tapos suportado naman ni Ian. Kaya here I am."
"Ian," he scoffed.
"Don't worry. Hindi na niya ako gusto." Kung alam mo lang Jisung.
"Yeah right."
Natawa ako. "I'm here til the end of the week. Pero kailangan ko rin bumalik bukas. Hahanapin ako sa hotel at may mga shows pa kaming kailangan attend-an."
Tumango siya. "Thank you for being here Chelle."
"I'm so proud of you, Jisungie. You don't know how happy I am seeing you on that stage. I'm glad you chased your dreams." Hinaplos ko ang pisngi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Dapat bukas pa kami magkukwentuhan dahil alam kong pgod na siya pero nag-usap kami for what seemed like hours until he suggested that we get ready for bed.
"Uh, do you need anything?"
"Magwa-wash up lang ako," sagot ko sa kanya.
"Yeah sure uh. Bathroom's right there," turo niya.
Di pa ko nakakahakbang palayo ay nagsalita ulit siya. "Listen, wala kasing guest room dito. Pinalagyan lang nina eomma ng extrang kwarto para sa akin so," bigla siyang napakamot sa batok at namula ang mga tenga.
Kumunot ang noo ko. "That's fine. I can sleep here," turo ko sa sofa na mukha namang comfy.
Mukhang nagpanic ni Jisung. "No! No! I'll sleep here. You take my room."
"Nakakahiya Jisung. Dito na lang ako. Kasya naman ako diyan. Ikaw hindi. At alam kong pagod ka na. Hindi pwedeng diyan ka lang matulog." At sa tangkad niya, siguradong hindi siya kasya diyan.
"Can't we sleep together?"
Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Ano ba naman 'yan Jisung. Don't test me, please. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Kung saan saan ko na idinako ang mata ko para lang di magtama ang mga tingin namin.
Mukhang napansin naman ni Jisung ang reaksyon ko at na-realize ang mga binitiwan niyang salita. "I don't mean... what I meant was kasya naman tayo sa kama ko. Wait that sounds wrong too. Ah jinja." Napahawak siya sa noo niya at patuloy na namula.
'Yung totoo? Para kaming mga high school students.
"Pwede tayong maglagay ng harang if you're uncomfortable. Or I can sleep on the floor, maybe abeoji has an extra mattress? Or not, but I think—"
"Jisung," putol ko sa sinasabi niya. Nilingon naman niya ako.
"I'll sleep in your room. But don't sleep on the floor or on the sofa," sabi ko.
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...