CHAPTER 20

6 0 0
                                    

Bumalik din si Jisung pamaya-maya dahil tinulungan niya kaming mag-ayos at magluto para sa Media Noche. Sobrang conscious ko dahil panay ang titig sa akin ni Jisung. Hindi rin nakatakas sa akin 'yung mga pangiti-ngiti nina Mommy at Papi. Pakiramdam ko wala akong kakampi sa bahay na 'to ah.

Umupo na lang ako sa may mesa para magsimulang maghimay ng chicken para sa iluluto ni mama. Habang ginagawa ko 'yun, napatingin ako sa nakatalikod na Jisung dahil nagpapakulo siya ng pasta. Iniisip ko kung ano ba 'yung tumatakbo sa isip niya noong hinalikan niya ako nang dalawang beses. Malamang may meaning 'yun. Pero kung anuman 'yung namamagitan sa amin, may possibility bang mag-work 'yon? O aasa lang ba kami pareho sa wala?

'Di ko namalayang napabuntong hininga ako nang malalim kaya naman biglang lumingon sa akin si Jisung. Bigla kaming nagkatinginan. Tutal nahuli na rin naman ako, hindi na ako nag-iwas ng tingin.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin at umupo katapat ko.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" Nagkibit lang siya ng balikat. Sumubo ako ng slice ng cake na nasa tabi ko. Hindi naman siguro masama kahit minsanan lang.

Pagkasubo ko, naghimay ulit ako ng manok. Pagtingin ko kay Jisung, nakatingin lang siya sa akin kaya tinitigan ko rin siya. Maya maya ay bahagya siyang tumayo at iniabot ang baba ko. Pwede ko namang tapikin yung kamay niya o lumayo pero natatanga talaga ako pagdating kay Jisung. Imbis na lumayo, ipinikit ko pa nang mariin 'yung mga mata ko.

'Di ko alam kung anong hinihintay ko pero naramdaman ko lang ang marahang paghaplos ni Jisung sa gilid ng labi ko. Doon ako napamulat.

"May icing ka," sabi niya na nakangising parang nang-aasar.

"Ah," naconscious naman ako bigla kaya nagpunas din ako ng labi.

"Why did you close your eyes? May hinihintay ka bang mangyari?" Patuloy na pang-aasar niya.

"Tumigil ka nga. Wala akong hinihintay. Napapikit lang ako kasi biglang humangin. Masakit sa mata."

Sige palusot pa Chelle.

"Yung pasta mo baka soggy na yan," pagbabago ko sa topic.

Ngumiti ulit siya na nang-aasar. "If you say so," sabi niya bago tumalikod. Pero bago yun, nakita kong wala sa loob niyang inilagay yung daliri niyang may icing.

Bigla atang uminit dito sa kusina. Hindi ko kayang makasama si Jisung nang kaming dalawa lang sa isang lugar.

"Anak, puntahan mo si Jisung. Anong oras na o. Ilang minuto na lang Bagong Taon na. Baka nakatulog pa 'yon."

Wow. Sabi ko ngang di ko siya kayang kasama nang kaming dalawa lang tapos ganito. Pero sumunod pa rin ako. Naka-ready na ko for New Year suot ang red na spaghetti strap dress. Nagsuot na lang ako ng jacket bago lumabas dahil medyo malamig na rin.

Kumatok ako sa pintuan. "Jisung? Jisung?" Tawag ko pero walang sumasagot. Binuksan ko ang pintuan. Hindi naka-lock. Medyo kinabahan ako.

Madilim sa loob ng bahay nina Jisung pero napansin kong may ilaw na nanggagaling sa taas. Umakyat ako at nagdala pa ng isa sa mga patpat na nakita ko sa may kusina. Pagdating ko sa huling baitang, doon ko napansing sa terrace pala nanggagaling 'yung ilaw.

Nang makita ko si Jisung na nakatalikod at nakatingala sa langit, doon ako nagpakawala nang malalim na hininga. Wala naman palang masamang loob dito sa bahay nila. 

"Jisung?" Tawag ko sa kanya. Lumingon siya at tiningnan ako bago dahan dahang ngumiti. Nakaayos ang buhok, hindi nakatakip sa noo kundi nakahawi. Nakasuot siya ng itim na pantalon, cream-colored na sweatshirt, at ang paborito niyang black converse.

"Hi," sabi niya at tipid na ngumiti.

"Uh hi? Anong ginagawa mo diyan? Hinahanap ka nina Mommy. Malapit na mag-New Year," sabi ko habang lumalapit din sa kanya papunta ron sa may veranda. Nakatanaw lang kaming pareho sa paligid, tinitingnan ang mga kapitbahay na nag-aayos para sa New Year. Naa-amaze pa rin ako na sa almost one month ni Jisung na pagsestay rito sa subdivision namin, hindi pa rin siya natutunton ng mga paparazzi o stalkers niya. Di rin siya masyadong pinakikialaman ng mga kapit bahay namin. Siguro dahil karamihan mga matatanda na ang nandito kaya 'di rin familiar sa Kpop.

Napatigil ako sa pag-iisip nang bigla siya bumuntong hininga.

"Lalim non ah. Okay ka lang?"

Bahagya siyang umiling bago mahinang tumawa. "I just miss celebrating New Year here in the Philippines. When we were kids we used to light sparklers and Roman candles. And it was so much fun, so simple. I was happy. I wondered if I never left."

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

Inilagay ko ang kamay ko sa may railings. "Jisung, pangarap mo ang sinundan mo. And you are very successful and you get to do what you love. 'Wag mo i-regret 'yun."

"But sometimes it can be tiring. I love making people happy but sometimes it compromises mine. Kailangan good impression lagi, kailangan laging nakangiti. Ni hindi nga ako pwedeng makitang kasama ang isang babae. I feel like I have no freedom... especially when it comes to loving someone," sabi niya pagkatapos ay tumingin sa akin.

"Well, it's the price to pay, hindi ba?" Iniba ko na lang ang topic. "Okay na ba 'yung tuhod mo?"

Tumango siya. "Almost. My manager called, asking me to come back. Doon ko na lang daw ipagpatuloy yung recovery ko."

Kaya pala siya malungkot. Aalis na siya. Parang may pumiga sa puso ko. "Kailan?"

"Next Friday, I guess?"

"Ah. Wala pang isang buwan ka na narito." nasabi ko na lang. Bakit ba naman kasi ako umasa na may chance. Syempre wala, di ba?

"Yeah. It was supposed to be just two weeks of vacation. I just pleaded with my manager. Akala ko kasi... pwede tayo. Pero imposible 'di ba?"

Isang linggo... Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero...

"Jisung, akin na lang 'yung isang linggo mo."

Bigla siyang napalingon sa akin sa gulat. "What?"

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Hindi pa rin niya maintindihan ang sinasabi ko kaya nagpatuloy ako.

"Kunwari hindi ka K-idol. Punta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa 'yo," sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Parang may bumara sa lalamunan ko.

"Para masaya naman 'yung pag-alis mo," dugtong ko.

Saka para makapagpaalam at makabitaw ako nang maayos.

Pakiramdam ko sasaktan ko lang 'yung sarili ko dahil sa gagawin ko. Alam ko na mas mahihirapan lang ako kapag pinagpatuloy ko ito. Pero bahala na.

"Happy New Year!" Sabay sabay nagsigawan ang mga tao sa paligid namin kasama na rin kami. Narinig namin ang busina ng mga sasakyan, kalampag ng mga kaldero, at pag-ihip ng mga torotot. Pero hinihintay ko pa rin ang sagot ni Jisung.

Nagsimulang lumiwanag ang langit dahil sa fireworks. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya ako niyakap at sumagot.

"If I could give you more than just a week, I would. But yeah, I'll spend my remaining one week with you. I'm all yours."

--

Hay sana all.

-Annederrated

Coming HomeWhere stories live. Discover now