"Anak ang ganda ganda mo naman!" Sabi ni Mommy na walang humpay sa pagsasnap ng pictures sa phone niya. Nakasuot ako ng black off shoulder cocktail dress na hanggang ibaba ng tuhod. Pa-balloon ang skirt na tinernuhan ko ng black heels din. Good luck na lang mamaya pag nagsayawan na.
Nakakulot ang mahaba kong buhok at nakaayos ang full bangs na medyo tumatakip na sa mata ko. Subtle lang ang make-up. Enough lang para magkakulay ang pisngi, mata, at labi ko.
Si Papi naman tahimik lang na nakatingin sa akin at... umiiyak?
"Hala Papi bakit ka naluluha?" sabi ni Mommy.
"Wala, wala. Dalaga na talaga ang unica hija ko. 'Di lang ako makapaniwala."
"Ngayon ka pa talaga nagdrama Papi," sabi ko sa kanya.
May kumatok sa pintuan namin. Pagbukas ni Papi, sumalubong sa akin si Jisung na naka-coat and tie. May dala-dalang corsage na nakalagay pa sa box.
"Hello po Tito, Tita. Good evening po. Susunduin ko lang po si Chelle," magalang na bati niya.
Nagpaalam na kami sa parents ko. Nagpresinta ang Daddy ni Jason na ihatid kami kasama siyempre ang anak niya at si Aira. Malapit lang naman ang bahay namin ni Jisung sa school pero tutal dadaan naman daw sina Jason sa amin papuntang school, sumabay na kami. Ang awkward din naman maglakad nang sobrang gara ng suot.
Si Jason at Aira ang magkasama dahil ayaw na nilang mahirapan pa sa paghahanap ng date.
"Girl, ang ganda mo naman! Prom queen ka 'te?" Sabi ni Aira pagkabukas ng sasakyan.
"Parang ikaw hindi ah," tawa ko sa kanya. Nakasimpleng bun lang si Aira at suot ang isang deep green na pencil cut dress na siguro ay hanggang sakong niya. Ngayon ko lang siya nakitang nakaayos ng ganito kasi ang alam ko, hindi talaga siya mahilig mag-ayos. Nangangati lang daw ang mukha niya. Nakasalamin pa rin siya pero sabi niya tatanggalin daw niya iyon pagdating ng school.
"Ah, ganon? 'Di mo man lang papansinin ang tux ko? Si Jisung na nga lang. Bro! Gwapo natin ah," sabi ni Jason na nasa passenger seat.
"Thanks, Jason. Ikaw din," sagot ni Jisung na siya namang ikinasaya nito ni Jason. Tumalikod na ito at itinuon ang mata sa daan.
"Wow, akalain mong magiging ganito ang hitsura ng covered court kapag naayusan?" Sabi ni Aira sa akin.
Puno ng mga fairy lights ang covered court. Marami ring mga sanga at puno puno na decorations sa gilid gilid. Enchanted Forest nga.
Pagdating namin, sinalubong agad ng dance team si Jisung at bigla siyang nahiwalay sa amin. Gets naman kaya hinayaan na namin siya. Si Jason naman, biglang nakita ang mga kabanda niya kaya ayun, natangay na rin. Naiwan kami ni Aira kasama ang mga kaklase naming babae. Masaya kaming nagkukwentuhan, nagkakainan, at nagsasayawan.
Lumipas ang mga oras at hindi na nakabalik si Jisung sa table namin. Nalungkot lang ako nang kaunti dahil hindi man lang kami nagkasama. Bumalik na rin siya nang malapit nang i-aannounce na ang Prom King and Queen.
"I'm sorry. I got caught up," sabi niya na medyo pawis na.
"Okay lang." Hindi ako magtatampo dahil alam kong last year na namin sa school at dapat na kaming mag-enjoy.
Si Ian at si Micha ang tinanghal na Prom King and Queen. Nagsimula silang magsayaw sa isang slow song at sumunod na rin ang ibang mga estudyante.
Tumayo si Jisung at bahagyang yumuko. "Miss Intal, would you give me the honor of being your first dance?" Sabi niya na ginagaya si Ian.
Bahagya akong natawa at kinuha ang kamay niya.
Pumunta kami sa may dance floor at nagsimulang magsway. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya at ang kanya naman ay sa bewang ko.
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...