CHAPTER 17

10 0 0
                                    

Several years ago...

Hindi ko inasahan 'yung magiging confession ni Jisung. Wala rin naman talaga akong balak umamin. Kaya nga 'yung padala ko lang, 'yung favorite oversized t-shirt ko na gusto niya hingin since third year kami. Ang message ko pa, "Ibabalik mo pa 'to kaya umuwi ka."

Sobrang dalas naming magkausap simula noong nagkaaminan. Kada kaunting detalye, nagkukwentuhan kami. First day ko sa college, unang araw niya sa training. Hindi kami nakakamiss ng birthday, Pasko, o kahit na anong special occasion. Kahit nga birthday nina Mama, tumawag siya.

Para kaming may sariling mundo kahit milya milya ang layo namin sa isa't isa.

Pagdating ng third year, magsimula na akong mag-thesis. Nawalan din ng trabaho si Papi kaya kailangan naming magtulungan para makaraos.

Hindi ko rin pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko dahil may scholarship ako. Nagtrabaho ako ng part time sa isang grocery store habang nag-aapply sa ilang modeling agencies. Sa pagsisikap ko, doon ko na-realize na gusto kong maging modelo.

Pero hindi naging madali. Pumapasok ako sa school nang pagod pero kailangang magtiis.

Busy din si Jisung ng mga panahong iyon dahil ilang araw na lang daw ay magdedebut na sila. Sobrang saya ko para sa kanta. Sinasabi niya rin sa akin na sabihin ko ang mga nagyayari sa akin, maganda man o hindi

Isang araw na gumagawa ako ng Chapter 2 ng thesis namin, pagod at puyat, biglang lumitaw ang isang number na hindi pamilyar sa akin.

"Hello?"

"Hello, is this Miss Chelle?"

"Who's this?"

"This is Eun-hye, manager of the group Jisung belongs to. I hope you don't mind that I got your number. I ask the numbers of the people close to my talents in case of emergency."

Manager ni Jisung? Bakit siya tumatawag?

"What can I do for you?"

"I'm sorry for calling you out of the blue. But I'll get straight to the point. Are you aware that they will debut in a few days?"

"Yes, I'm aware."

"Great. See, Jisung's been distracted lately. I see him always looking at his phone. And even though he hides it, I see your name on his screen everytime. He's been extra stressed."

Bakit hindi kinukwento sa akin ni Jisung iyon?

Nagpatuloy siya nang 'di ako magsalita.

"This is Jisung's biggest break. And for the team, as well. As his manager, I love him like my son. I hate seeing him stressed and sad. So I hope that whatever conflict you have, I'm asking that you'll resolve it with him."

Na-sestress si Jisung? Dahil ba sa mga kinukwento ko?

"Okay, Miss Eun-hye. Thanks for the advice," sabi ko kahit wala naman talaga kaming conflict.

"Thank you Miss Chelle. And just to inform you, we avoid any romantic involvement to avoid issues. It can ruin his career, especially now that he's just rising. I hope you get where I'm coming from."

Parang sumikip ang dibdib ko.

"I'm sorry I'm coming off as a little harsh. But I love the boys and I care for their well-being. I'm really sorry and I hope you understand."

"Of course. Thank you for the notice." Pagkababa ng telepono, agad akong yumukyok at umiyak. Sama sama nang stress, pagod, at sakit ang nararamdaman ko.

Coming HomeWhere stories live. Discover now