Hindi ko maintindihan ang mukha ni Jisung pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat. Tahimik lang siyang nakalingon sa akin kaya hindi ako makatingin sa kanya. Nanatili lang kaming nakaupo at wala man lang gumagalaw.
Sabi nila, absence makes the heart grow fonder. Pero bakit parang kami, lagi na lang kaming caught up sa awkward situations?
"Why didn't you tell me?" Nauna na siyang bumasag sa katahimikan.
"Alam mo naman 'yung sagot diyan 'di ba? Ayokong ma-distract ka. Ayokong maging pabigat." Tumayo ako kaya tumingala siya sa akin.
"Distraction? Pabigat? Don't you know that you're the only one, apart from my mom and dad, that keeps me sane during training?"
"Pero Jisung hindi mo ba nakikita? Kung nagpatuloy tayo, baka nga makasagabal lang ako sa 'yo."
"Why would you be a distraction? I love you. Nakalimutan mo na ba yun?"
Napatigil ako. Dahil unang beses kong narinig mula sa bibig niya ang mga salitang yon sa personal. Nababasa ko yun sa mga chat at naririnig ko everytime na magvivideo call kami.
Pero ibang klase pala pag sa personal. Sayang nga lang sa ganitong pagkakataon ko pa narinig.
"Mahal kita, Chelle. Hanggang ngayon."
Hindi ako nakapagsalita. Nagpatuloy siya.
"You were the one who pushed me towards my dreams. Bakit mo iisiping ikaw ang hahadlang sa akin?" Tumayo siya at nilapitan ako. Humahakbang siya papunta sa akin at ako naman ay lumalayo. Hanggang napasandal ako sa may gate namin.
Kinulong ako ng mga braso niya. Sinubukan ko siyang itulak pero pinulupot niya ang mga braso niya sa bewang ko. Unti unting bumaba ang ang mukha niya sa akin pero huminto saglit para magsalita.
"If I could do things differently, I would've never left," sabi niya. Bago pa man niya mailapat ang labi niya sa akin, nagsalita ako.
"If you never left, are you sure you're never going to hate yourself or me for it?"
Natigilan siya at lumuwag ang pagkakayakap sa akin. Kinuha ko ang chance na iyon para lumayo sa kanya. Dahil nararamdaman kong kaunti na lang ang pagpipigil na natitira sa akin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Kung hindi ka umalis, sigurado ka bang wala kang pagsisisi? Kung pinili mo ako, sigurado bang sasaya ka? Jisung, we're just kids! Ni hindi nga natin alam kung tayo talaga sa huli tapos ipagpapalit mo 'yung hindi sigurado sa pangarap mo?"
Hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung dahil nagulat ba siya o alam niyang totoo 'yung sinasabi ko.
"Jisung, please. 'Wag na nating pahirapan ang mga sarili natin. Pagkatapos nitong December, babalik na ako ng Maynila. At ikaw, Mr. Kpop Idol, you'll fly back to Seoul in no time," sabi ko na pinipigilan ang mga luha.
"Chelle—" sinubukan niya akong abutin but I waved my hand.
"Wala nang dapat pag-usapan. May kanya kanya na tayong buhay. We had our shot, Jisung. But we are not really meant to be," may bumara sa lalamunan ko pagkasabi noon.
Tumingala siya at pinunasan ang mga luha. Hindi na rin siya makapagsalita.
"I'm sorry, Jisung. Hanggang dito na lang talaga tayo. Let's stop here." Binuksan ko ang gate namin at iniwan siyang nakatingin sa kawalan.
Pumasok ako sa kwarto ko at sumandal sa pintuan. Napaupo ako dahil nanghina ang mga tuhod ko.
Sa pangalawang pagkakataon, umiyak ako nang umiyak dahil muli ko na namang pinakawalan si Jisung. Gusto ko siyang ipagdamot pero alam kong ang mga tulad niya ay dapat maging malaya para magpatuloy siya sa kanyang mga pangarap.
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...