"Chelle, what's this?" Tanong ni Jisung sa akin nang ibinigay ko sa kanya ang isang stick ng isaw. Parang natatakot siya sa mga ipinapakain ko sa kanya. Alam ko namang medyo makulit ako pero grabe naman, 'di naman ako magpapahamak ng tao pagdating sa pagkain.
Tatlong linggo na kaming magkasama ni Jisung. Naging tropa na rin niya sina Jason at Abi dahil sa akin. Pero tatlong buwan na rin, di ko man lang siya napapakain ng isaw.
"Isaw 'yan. Bituka ng manok."
"What's bituka? Manok is chicken right?" Tanong niya sa akin habang nakatingin pa rin sa spiral na nakatuhog sa stick.
"Bituka is... Jason, ano nga 'yung bituka?" siko ko kay Jason na nasa pangatlong stick niya na ng isaw.
"Lamang loob 'yun diba?"
"Baliw, tagalog din 'yun. Ano nga 'yun nasa dulo na ng dila ko. Ah intestines! 'Di ba Aira?" sabi ko.
Nag-thumbs up si Aira sa tabi ko habang umiinom ng sago gulaman.
"Intestines, Jisung!" Nilingon ko siya at napapangalahati na niya 'yung isaw. Pero nung narinig niya yung intestines, tumigil siya sa pagkain at napaisip. Pero maya-maya ay tumuloy pa rin sa pagkain.
"I never thought chicken intestines are yummy," sabi niya. Natuwa naman ako sa sarili ko dahil nasarapan siya sa isaw.
"Kain ka pa, libre ko." Nakalimang isaw ata si Jisung—at nagkwek-kwek pa nga! Buti na lang marami akong ipon sa baon ko.
Kinabukasan, hindi ko nakita si Jisung sa classroom nila, kahit noong uwian. Absent ba siya? Kaya naman pagkauwi ko, nagpaalam ako kay Mama na pupunta ako kina Lola Lucy. Pero may iniabot muna siya sa akin na isang bote na may mainit na tubig na kulay...ano ba to?
"Ano 'to Mi?"
"Pinagpakuluan ng luya. Sumakit daw tiyan ni Jisung kagabi tapos hanggang ngayon hindi pa rin nawawala," tiningnan niya ako nang may paghihinala.
"Hala Mi bakit ganyan ka makatingin? Pinakain ko lang naman siya ng isaw saka kwek-kwek," sabi ko.
"Naku Trichelle Ann. Kebago-bago ng bata kung saan saan mo na dinadala. Pano kapag lumala yang sakit ng tiyan ni Jisung ha?" Aambang pipingutin ako ni Mommy nang bigla akong tumakbo at isinigaw na lang ang paalam ko.
"Bye, 'Mi! Punta na ko kina Jisung. Gagaling siya rito. Magaling ka magpakulo ng luya!"
Kumatok na ako kina Lola Lucy. Nang bumukas ang pintuan, nakangiti si Lola Lucy sa akin. Akala ko magagalit siya sa akin, kaya sa sobrang ginhawa na naramdaman ko nang makita ko ang ngiti niya, napaluha ako.
"Lola Lucy, di ko naman sinasadya. Nagustuhan naman ni Jisung yung isaw kaya nilibre ko pa siya. Di ko naman alam na sasakit yung tiyan niya," sabi ko habang umiiyak.
"Hala, Chelle, okay lang 'yun. Medyo sensitive lang talaga 'yung tiyan ni Jisung. Nung pinakain ko nga rin 'to ng sinigang, nangasim din agad 'yung tiyan. Pero masasanay din 'yan. Halika, pasok ka. Ano ba 'yang dala mo?" Iniabot niya ang salabat na ginawa ni Mommy.
"Halika, puntahan mo si Jisung sa kwarto," inaya ako ni Lola Lucy sa taas.
Nakita ko si Jisung na nakabaluktot at hawak hawak ang tiyan niya habang nakahiga sa kama. Iniwan muna kami ni Lola Lucy para ihanda 'yung salabat na ipaiinom kay Jisung.
"Hi Jisung. Kumusta ka? Na-miss ka namin sa school. Kulang kami ng kalaro," sabi ko.
"Bae apayo," sagot niya sa nanghihinang boses. Ano raw? In-assume ko na lang na ang ibig sabihin niya, umalis ako. Baka galit sa akin 'to dahil sa isaw.
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...