CHAPTER 22

5 0 0
                                    

Sinundan ko si Jisung. Sinuot ko ang tsinelas ko at tumakbo na rin. Medyo madilim kaya hindi ko nakikita ang dinadaanan ko. Hindi ko napansin ang malaking bato na nasa harap ko kaya natalisod ako. Kung kailan naman malapit na ako sa highway saka naman akong nadapa. Naka-short lang ako kaya kahit di ko nakikita, sapat na 'yung sakit para malaman kong may gasgas ako roon.

Hindi ko na iyon pinansin at tumuloy na lang sa pagtakbo. Pagdating ko sa may highway, naabutan ko si Jisung na hinihingal na, nakaupo sa gilid ng kalsada, hawak hawak ang tuhod niya. Hala 'yung knee injury niya!

"Jisung!" Tumakbo ako papunta sa kanya. "Anong nangyari? Paano 'yung tuhod mo?"

"I'm fine, I'm fine. But that paparazzi, he got away," akma siyang tatayo ulit para tumakbo pero pinigilan ko siya. Tinanaw ko ang lalaki na unti unti nang lumiliit ang porma dahil papalayo na.

"Tama na. Hayaan mo na. Mapapasama 'yung injury mo lalo niyan."

"Chelle, you don't understand. If our pictures got out, pati ikaw madadamay. Pati 'yung pinaghirapan mong pangarap, baka mawala," sabi niya. Yumukyok siya at nilagay ang mga kamay sa mukha. Nagsimula na siya maiyak sa inis. Ako naman ang nagalit.

"Diyan ka lang." May sasabihin pa siya pero hindi ko na narinig dahil kumaripas na ako ng takbo. Hindi ako panalo sa habulan dati noong mga bata kami para lang sa wala. Kahit may gasgas ako, hindi ko yun pinansin dahil kaya ko pa rin namang tumakbo.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang makita ko ang lalaki. Mabilis din siyang tumakbo pero hindi ako nagpatalo. Alam kong hindi ko na siya maaabutan sa ganitong punto pero nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ko alam kung ano exactly ang pinagdadasal ko pero gusto ko lang siyang mahuli.

Parang dininig naman ni Lord ang panalangin ko dahil bigla kong nakita 'yung sasakyan nina Jason. Makitid lang ang daan kaya tumakbo pabalik 'yung paparazzi. Nang makita niya ako, bigla siyang napahinto. Sakto namang bumaba si Jason at Aira ng kotse, para bang na-sense na mali kaya tumakbo rin papunta sa lalaki.

Wala na siyang matakbuhan, na-corner na siya. Kinuyog siya nina Jason at Aira. Napaupo naman ako sa sobrang pagod. Grabe wala na talaga akong praktis sa pagtakbo. Tiningnan ko ang upper part ng hita ko at napangiwi. Hindi lang palang simpleng gasgas 'yung nakuha ko sa pagkakadapa. Nagdudugo na 'yung sugat ko ngayon.

Pinipilit pang kumawala ng paparazzi pero malakas si Jason kaya naipasok niya sa kotse. Pinuntahan naman ako ni Aira.

"Chelle! Ano'ng nangyari?"

"Paparazzi." Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan papunta sa sasakyan. Bumalik kami papunta ng rest house.

Naabutan namin si Jisung na nakaupo pa rin kung saan ko siya iniwanan.

"Jisung!" Sabi ko pagkababa.

"Nahuli na namin," pinuntahan ko siya at siya naman ay tumayo.

"Tara na sa loob. May kakausapin pa tayo," sabi ni Jason na galit na galit ang itsura.

Napag-alaman naming isang local lang ang kumuha ng litrato namin. Pamilyar daw siya kay Jisung dahil nakikinig siya ng mga kanta nila at nanonood ng mga music videos. Baka raw kumita siya sa litrato kapag binenta niya yung mga litrato namin sa malalaking dyaryo o media companies.

Galit na galit si Jason kaya binato niya ang cellphone ng lalaking nagngangalang Marco, na siya namang ikinadismaya nito.

"Alam mo, makakasira ka ng buhay. Kulang pa 'yang pagsira ng telepono mo. Pasalamat ka hindi ka namin ipinapulis. Trespassing ka, boy."

Mangiyak-ngiyak ang lalaki dahil sa hitsura ni Jason. Noon ko lang din siya nakitang nagkaganoon. Pero sobrang halaga kasi ng kaibigan sa kanya kaya ganoon na lang ang reaksyon niya.

Coming HomeWhere stories live. Discover now