Napapangiti na lang ako sa alaala na iyon. Ilang taon lang ako noon? 16? Masyado pa akong bata para isiping kami ang magkakatuluyan sa huli.
Marami pa palang nakatagong sorpresa ang tadhana. Maraming nangyari. Tumanda kami, may mga hinahabol na pangarap.
Nagbigay daan kung kinakailangang magbigay daan. Kaya wala pa mang nagsisimula talaga, natapos na agad. Ayos na rin 'yun. It wouldn't work out well, anyway. I guess, that was just God's way of saving us from a bigger heartbreak.
Nanatili siyang biggest what if ko. Pero hanggang doon na lang iyon. Hindi na ako umasa na babalik siya, let alone magkaroon ng "kami." It's been 10 years. He got his dream, and I got mine.
Kaya nga hindi ko naihanda ang sarili ko na makita siyang muli sa bahay ko pagkatapos ng ilang panahon na magkalayo kami.
"Hello, Chelle. Olen-maniya. Kumusta?" Umupo siya sa tabi ko at tinititigan ko lang siya na parang mawawala siya anumang saglit. Pakiramdam ko, panaginip lang 'to eh tapos magigising din ako maya maya.
Ang tagal ko sigurong nakatulala at 'di nagsalita kaya umubo bigla si Papi na siya namang naging dahilan para mapaigtad ako.
"'Di mo man lang ba babatiin ang kaibigan mo anak? Parang tutunawin mo lang siya sa titig mo eh," sabi ni Papi.
"Ho? Ah oo. Oo nga. Long time no see ah. Gwapo natin ngayon!" Chelle, sira ka ba? Gwapo natin ngayon? Wala ka na bang ibang masasabing maayos? Mabuti pa atang 'di ako nagsalita eh.
Ang awkward ng atmosphere na di na rin ata kinaya nina Mommy kaya nagpaalam na pupunta muna sa kusina para makapag-usap kami.
Ano namang pag-uusapan namin? 10 taon ang namagitan sa amin. Hindi ko pa nga sure kung si Jisungie ko pa to o complete stranger na 'to.
"So... kumusta ka?" Tanong ko sa kanya.
"Well, it's been 10 years. I've achieved my dream. Some of them at least."
"Oo nga eh. Nakakatuwa. Pero bakit naisipan mong umuwi after all these years?"
"Break. Doctor said I need it."
"Doctor? May sakit ka?"
"Just had a knee injury. I need to rest it out and let it completely heal before I can do extreme routines. Nakakapagsayaw pa rin naman ako. I have to exercise my knee, but I shouldn't do anything that will cause strain."
"Pero okay ka na ba?"
Tumango lang siya. "Yeah. I really need a vacation. And I really wanted to come back. Matagal na dapat akong nakabalik pero laging busy. Naging way na lang 'yung injury ko para makauwi rito... I need to fix something," tiningnan niya ako nang makahulugan.
Bakit ba ako kinakabahan?
"Bumibili ako lagi ng album niyo kada may release," pag-amin ko dahil sa sobrang kaba. Gusto ko pa sanang bawiin kaso nadulas na ako.
"Really?" He looked so amused.
"Yeah. Magkaibigan pa rin naman tayo 'di ba? Kaya susuportahan kita," pagtatakip ko sa hiya.
Tumawa siya nang pagak. "Of course. Friends."
"Bakit? Ikaw nga baka nakalimot na eh," sabi ko habang sumusubo ng kimbap.
"Between you and me, I don't think I'm the one who has forgotten," napahinto ako sa pagnguya at naptingin sa mga mata niya.
Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko, nalulunod ako sa sobrang intense ng mga titig niya. Natabig ko tuloy 'yung kutsara sa tabi ko. Kinuha ko iyon pero di ko napansin si Jisung na dapat kukuhanin din ang nalaglag na kubyertos. Kaya pagkaangat ko ng ulo, tumama 'yung noo ko sa labi niya.
"Hala sorry!" Nakita king dumudugo ang lower lip niya at wala sa loob kong hinawakan iyon para punasan ang dugo. Kumuha ako ng tissue sa bag ko at dinampi-dampian iyon.
Napatigil ako nang mapagtanto ko kung anong ginagawa ko. "Sorry. Here." Pero iniabot niya ang braso ko at pinigilan ang paglayo non sa labi niya.
"Chelle—" Nagulat kami pareho nang mag-ring ang phone ko. Tumambad sa amin ang mukha ni Ian sa caller ID.
Poging Mahal calling...
Kailan ko pa pinalitan ni Ian ang pangalan niya sa contacts ko? Ang lakas ng trip nito eh. Hilig mang-prank. Buti na lang wala akong jowa kundi baka magkaissue pa kami. Kailangan ko na talagang palitan ang passcode ko. Nahulaan niya kasi agad na birthdate ko at ni... ni Jisung ang passcode ko since college.
Pero hindi ko muna sinagot iyon at itinaob na lang muna. Malamang mag-aaya na naman 'yon lumabas bukas. Ayoko pagod ako. Nakabakasyon nga ako eh.
"You were saying?" pag-uudyok ko.
Umiling lang siya. "Never mind. It's getting late. I have to go now, anyway."
Tumango lang ako habang pumunta siya ng kusina para magpaalam kina Mommy.
"Where are you staying?"
"Halmeoni's house. Oh, she's coming back the day after tomorrow. She said she can't miss her grandson's return," sabi niya.
Ngumiti lang ako at hinatid siya hanggang sa gate namin. Pero bago siya tumawid papunta sa kanila, tiningnan niya muna ako. Inayos ang cap at saka nagsalita.
"I told you I was here to rest. But it's more than that. I came here to fulfill a promise that I made 10 years ago. But I guess I'm too late now. I hope he really makes you happy."
--
back to present yarn.
-Annederrated
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...