CHAPTER 6

7 0 0
                                    

Dahan-dahan akong pumasok ng Student Council Room tulak tulak ang cart na may lamang walis, dustpan, mop, at mga basahan. Binuksan ko ang padlock na nakakawit sa may pinto. Student Council room lang ang tawag dito pero 'di na talaga nagagamit ang kwarto na 'to. Parang naging abandonado na lang. Medyo marupok na nga rin tignan yung pinto, sa totoo lang.

Pero sabi ni Miss Alcantara, gagamitin na raw ulit ito after ng Christmas break.

Nagsimula akong magwalis walis. Hindi naman kalakihan ang kwarto at wala rin naman masyadong gamit. Maalikabok lang talaga. Baka matapos ko to kahit hanggang bukas.

Nagsimula na akong magbahing bahing nang magpasya akong tumigil na. Tumingin ako sa orasan. 5:30 na rin pala. Mahigit isang oras na akong narito. Bukas naman para di gaanong gabihin.

Ilalabas ko na 'yung mga gamit panglinis pero hindi ko mabuksan yung pintuan. Paulit ulit kong tinutulak pero hindi umuusad. Natakot ako. May naglock mula sa labas. Hindi nakatulong na may naririnig ako kumakaluskos sa mismong kwarto.

Kinatok ko nang kinatok yung pinto.

"Tao po! Tao po! Nakulong po ako rito. Tao po!"

Sumisigaw at kumakatok ako, baka sakaling may makarinig. Tumingin ako sa relo ko. 30 minutes na pero wala pa ring pumupunta sa lugar na to. Bakit ba naman kasi nasa pinakadulo pa to ng building.

Nagugutom na ko. Pagod na rin. Naiwan ko pa yung bag ko sa loob ng classroom. Baka nakalock na rin yun. Kung bakit ba kasi hindi ko na lang tinanggap yung alok ni Jisung na samahan niya ako.

Dahil sa takot at inis at gutom, nagsimula na akong umiyak. Nakayukyok na lang ako sa isang sulok nang may narinig akong kalabog.

"Ay kabayo!" Napahawak ako sa dibdib ko. May isang kalabog ulit. Lord, ilayo niyo po ako sa masamang espiritu.

"Trichelle!" Narinig ko na may tumawag sa akin mula sa labas.

Jisung? "Jisung nandito ako," napaiyak ako lalo.

"Do you have the key?"

Kinuha ko yung susi mula sa bulsa ko at inilusot iyon sa puwang sa ilalim ng pinto. Maya maya ay nabuksan na rin ang pintuan.

Sa sobrang relief yung naramdaman ko kaya niyakap ko si Jisung. Sumiksik ako sa leeg niya at doon umiyak. Amoy pawis at cologne ang naamoy ko—sobrang nakakacomfort.

Maya maya ay nawalan ng lakas ang tuhod ko at kasama ko siyang napaupo sa sahig. Iyak pa rin ako nang iyak. Kumawala ako kay Jisung.

"Akala ko dito na ko matutulog. Akala ko 'di niyo na ko mahahanap. Akala ko may multo. Akala ko magugutom ako magdamag. Paano pag naiihi ako, saan ako iihi. Pano ko makakatulog," tuloy tuloy na sabi ko habang umiiyak. Nahihirapan na rin akong huminga.

Bigla naman niya akong kinabig para yakapin. "But I'm here now, aren't I? Wag ka na umiyak, please. Hindi ko kaya."

Nang tumahan ako, tinulungan niya akong makatayo. May naglabas ng gamit ko bago i-lock yung classroom. Wala namang nawalang gamit, pati cellphone ko naroon kaya okay lang.

"Paano mo nalamang nandoon ako?"

"Nakauwi na ako ng 5:45. Your Mom asked me why you're not with me. You haven't texted her or me where you are. That's when I figured out something's wrong. So I went running back to school. That's where I found you," sabi niyang kaswal.

Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya nang maigi. Hindi na ito 'yung batang nakita kong umiiyak nung unang araw niya sa klase. Hindi na ito yung batang sumakit yung tiyan sa isaw. Hindi na ito yung batang umiiyak dahil inagawan ng baon. Hindi siya si Jisungie.

Si Jisung Park ang nasa harap ko ngayon. Hindi na bata. Halos matangkaran na ako. Kaya na niyang ipagtanggol ang sarili. At kaya na ring ipagtanggol ang iba.

It's like I'm seeing him for the first time.

Matagal ata akong nakatingin sa kanya kaya awkward siyang napakamot sa ulo. "Uh what? Mabaho ba ako? I ran. Amoy pawis na ko siguro," inamoy amoy pa niya ang t-shirt niya.

Hinawakan ko siya sa braso. Umiling ako bago ngumiti. "Thank you, Jisung," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Hindi nagsalita si Jisung at napaawang na lang ang labi. "Ah yeah—well," umubo siya at kinuha ang kwelyo ng t-shirt niya at ipinaypay iyon.

"Let's go home," sabi niya at naglakad na kami pauwi.

Ipinaliwanag ko kay Mommy yung mga nagyari pag uwi at sinabing sa susunod ay wag na akong mambubugbog nang wala na akong makuhang parusa. Grabe naman yung nambubugbog. Pero naiintindihan ako ni Mommy dahil nagsa-stand up lang naman ako sa mga nang-aapi.

Kinabukasan, ang bigat ng ulo ko at makati ang lalamunan ko. Hindi ako makabangon kaya pinuntahan ako ni Mommy sa kwarto. Hindi niya na ako pinapasok dahil nilalagnat ako. Buti na lang wala nang gagawin sa school at tapos na yung belen.

"Mommy pa-text na lang po si Jisung na 'di ako makakapasok. Baka hintayin ako noon tapos malate."

Maya maya ay nakita ko si Jisung sa kwarto ko. May dalang mga gamot at tsaa. "Halmeoni said this is great for fever and cough."

"Salamat, Jisung pero di mo na kailangang gawin yan. Male-late ka na. Sige na. Balitaan mo na lang ako."

"I'll be back later."

Natulog lang ako maghapon. Tuloy tuloy yun hanggang magalas singko. Lumabas ako ng kwarto at doon ko naabutang nagluluto si Mommy kasama si Jisung.

Si Jisung na nakaapron na kulay pink na may ruffles.

Gusto kong matawa.

"Tita, sasabunin ko ba 'tong tomato?"

"Ay bata ka. Hindi. Tubig lang, jusmeyo," sabi ni Mommy na pigil na pigil ang pagtawa. Ang weird ang out of place ni Jisung sa kusina. Pero ang cute. Napatingin siya sa pwesto ko at nginitian ako nang malaki.

"Gising ka na! Kumusta pakiramdam mo?"

"Okay na. Nahihilo lang onti. Pero okay na," sabi ko.

Ngumiti siyang muli, yung ngiti na tipong nagpapasingkit lalo sa matang niyang maliliit.

Biglang kumabog 'yung dibdib ko. Ang cute niya.

Trichelle Ann, epekto ba 'yan ng lagnat?

"Gusto raw tumulong ni Jisung ipagluto ka. Nalungkot daw siya wala ka sa klase kanina. Pati raw sina Jason at Abi."

"We missed you. I missed you," sabi niya habang naghihiwa ng mga gulay. Biglang kumunot ang noo niya nang tingnan ako ulit. Maya maya ay lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at hinimas ang pulang gasgas doon. Baka nakuha ko kahapon habang naglilinis.

Kinilabutan ako.

"Lagyan mo mamaya ng ointment yan. So it won't scar. Meron ako sa bag. Kunin mo na lang," sabi niya at bago niya inipit ang magulo kong buhok sa tenga ko.

Masama 'to. Bakit ako kinikilig?

--

Minsan nagcicringe ako sa mga sinusulat ko. Pero okay kinilig naman ako once upon a time. So, eh AHAHAHA.

-Annederrated

Coming HomeWhere stories live. Discover now