The way we held each other's hand
The way we talked, the way we laughed
It felt so good to find true love
I knew right then and there you were the oneI know that he loves me 'cause he told me so
I know that he loves me 'cause his feelings show
When he stares at me you see he cares for me
You see how he is so deep in loveUmaalingawngaw 'yung radio ni Mommy. Pamilyar ako sa kanta, siguro naririnig ko nung bata ako pero hindi ko na maalala kung ano.
"Mommy, anong title niyan?" Tanong ko sa kanya habang naglilinis siya ng sala.
"Ay ano nga bang title niyan? May eyes sa title 'yan eh. 'Blue Eyes' ata," sabi niya at nagpatuloy sa paglilinis.
I know that he loves me 'cause it's obvious
I know that he loves me 'cause its me he trusts
And he's missing me if he's not kissing me
And when he looks at me his brown eyes tell it so"Blue Eyes ka diyan Mommy. Brown Eyes daw! San 'yung blue ron?"
"Oh eh di pasensya. Ikaw na nga nagtatanong, ikaw pa galit."
Luh. Ang sungit. Okay na lang, Mommy.
"You have pretty brown eyes."
Hindi ko alam bakit ko 'yon naisip habang umiinom ng tubig. Bumabalik sa akin kung gaano kalapit 'yung mukha ni Jisung habang minemake-up-an ko siya. Grabe mag-iisang taon na mula noon pero bakit ngayon ko lang naiisip 'yun.
Hindi ako makatulog nang gabing iyon kakaisip kay Jisung. Lulugo-lugo tuloy ako pagdating ng school.
"Girl, may lagnat ka pa rin? Para kang lantang gulay diyan," sabi ni Aira na nasa tapat ko habang umiinom ng chocolate drink na nakatetra pack.
"Wala hindi lang ako nakatulog kagabi," sagot ko na lang.
"Sinong puyat? In love ka na 'no? Yieeee," bigla namang tabi ni Jason kay Aira.
"Who's in love?" Kasama pala ni Jason si Jisung. Kagagaling lang ni Jason sa practice ng banda nila para sa Christmas program. Si Jisung naman, break sa pagpapractice nila. Malapit na mag-Friday kaya paspasan na 'yung mga practices.
Kumabog ang dibdib ko nang biglang tumabi sa akin si Jisung at kinuha ang bottled water ko. Pinanood ko lang siyang umiinom habang iniisip kung ano ba 'yung nararamdaman ko.
Pagharap ko kina Aira at Jason, nakangisi 'yung dalawa na parang mga baliw. Nagkatinginan sila at bahagyang tumango bago tumawa nang mahina. Bigla namang naubo si Jisung.
"Oh, Jisungie, nalunod ka ba sa mga tingin ni Chelle?"
Nag-init ang mga pisngi ko. Ganoon ba ka-obvious na tinitingnan ko si Jisung?
"What—"
"Okay lang. Kunwari 'di namin alam. Jason, nauuhaw ako. Bili tayong Chuckie." Seryoso ba tong si Aira? Pangatlong Chuckie na niya 'yung bibilhin niya ah. Baka mamaya mag-hello 'yung tiyan niya sa banyo.
"Sige, tara. Iwanan muna namin kayo ha. Tara, Aira. Hayaan muna natin silang maglayag," ngingisi-ngising sabi ni Jason.
Umalis na sila at naiwan kaming dalawa ni Jisung sa upuan.
"Are you okay? Wala ka nang lagnat?" Hinipo niya ang noo ko. Nagulat ako at napaigtad nang kaunti. Naramdaman siguro niya ang pagiging uneasy ko kaya binawi niya ang kamay niya. "Sorry."
"Ay wala 'yun. Salamat pala nung nakaraang linggo. 'Di ko alam, baka nakakulong pa ko ron kung di ka dumating."
Parang bigla siyang may naalala at nainis. Hinila niya ako patayo. "Come on, somebody wants to say sorry to you."
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...